Share

CHAPTER 3

Respect

One week had passed since school started. Sobrang dami agad ginagawa. Reporting dito, reporting doon at pasahan ng activities and repeat.

Okay lang naman sa'kin ang mga school activities since gano'n naman talaga lalo na't ABM ang strand ko. Asahan na duguan talaga.

Close na kami nila Kath at April. I'm so happy that I met a friend like them. 'Yong kalog, para nawawala ang stress ko sa school works. Close na rin sila ni Lucas. Lucas is just being friendly to everyone, that's why I can't believe what Kath and April's says about him.

Hindi siya cold, sadyang gano'n lang talaga pag hindi mo pa kilala ang isang tao. Kilig na kilig nga si April noong unang beses nila na makilala at makausap si Lucas.

Tuesday na naman at hinihintay namin ang next teacher namin para sa Business Finance.

"Wala tayong teacher para Business Finance! Magde-demo ang H.E para sa project nila sa'tin!" sigaw ng mga kaklase ko papasok ng room.

Tumingin ako kanila Kath at April na nasa gilid ko. "Ano 'yon?" tanong ko.

"Pag may demo ang H.E, it means may free tastes tayong pagkain ngayon," sagot ni Kath habang inaayos ang buhok niya.

"Sana sila Lucas ang mapunta sa'tin. Kahit nakakataba ang pagkain, go lang ako!" saad naman ni April at bumungisngis pa siya.

Umiling si Kath. "Nope! Sila kuya David at Blake ang mapupunta sa'tin," sagot niya bago bumulong. "alam mo naman, nandito si Alison na ex ni Blake."

"Basta ako, kahit anong pagkain 'yan kakain ko. Lalo na't hindi ako nag-breakfast." nangalumbaba ako sa desk ko.

Out of nowhere, I looked at Alison who's busy talking to her friends. Oh, yes! Classmates kami ng ex ng Blake na 'yan! Maamo ang mukha ni Alison, mas maputi nga lang ako sa kanya and of course! Mas maganda ako sa kanya.

Naka-messy bun ang mahaba niyang buhok at may kaunti siyang make-up sa mukha. Tahimik lang si Alison since hindi naman kami close.

"Ba't ganon? Ang bata-bata pa nila, nagjo-jowa na sila agad." I sighed out of nowhere.

"Gano'n talaga ang mga kabataan ngayon, Ava!" sagot ni April. "bakit? wala ka pa bang nagiging boyfriend?"

"Wala pa," simpleng sagot ko.

Gulat na tumingin sa'kin ang dalawa. "I mean, kahit manliligaw wala?" gulat na tanong ni Kath.

Umirap ako. "As in wala! Wala!" sagot ko. "sa sobrang strict ng parents ko, walang nag balak na manligaw sa'kin. Isa pa, ayoko pang pumasok sa relationship."

Natawa sila. "Sa ganda mong 'yan, Ava wala talaga?"

"Ang kulit niyo! Wala nga!"

Umayos kami ng upo nang may pumasok sa room namin. Sila David at Blake. May dala silang mga tray at nilapag iyon sa table sa harapan. Seryoso ang mukha ng dalawa.

David smiled in front of us. "Hi, guys!" kumaway siya. "I am pretty sure na alam niyo na ang dahilan bakit kami narito. I'm Davidson Lee Anderson and this is Blake Ivan Herrera. We're from H.E205 - Arellano and we're here to demo our first project to all of you guys!"

"Feel free to say anything about our food. Kain lang kayo ng kain then, write it here about what do you think of the food." paliwanag naman ni Blake at pinakita ang isang maliit na papel.

My cellphone started beeping, so I took it carefully from pocket. Tumatawag si ate Emerald. Buti na lang at naka-off sounds ito. Bawal gumamit ng cellphone sa room, pero hindi naman sila teacher kaya sasagutin ko na lang.

I was about to click the answered button when someone grabbed my phone away from me. Nagtaas ako ng tingin sa kumuha ng cellphone ko.

Agad akong napatayo nang makita si Blake sa harapan ko. "Give me back my phone!"

"No phone during class hours, don't you know that?" malamig ang boses na pagkakasabi niya.

"But you're not a teacher, so please give it back to me! Ate ko ang tumatawag at mukhang emergency!"

Ngumisi siya. "Kung gusto mong kunin, punta ka sa Principal's Office," malamig na sabi niya bago bumalik sa harapan.

Natigilan ako sa mga sinabi niya. "You jerk!" sigaw ko.

Napatingin sa'kin lahat ng tao sa room. Kailangan ko na sagutin ang tawag ni Ate Emerald!

He turned around and our gaze met. "What did you say?" nakakunot ang noo na tanong niya.

I rolled my eyes. "You are a jerk!" taas noong ulit ko. "alam ko na bawal ang mag-cellphone during class hours but you have no right to confiscate my cellphone. Maka-asta ka akala mo teacher ka!" matapang na saad ko sa kanya.

"Hindi nga ako teacher, but can you see that we are having a discussion here? Maka-asta ka, wala ka namang respesto sa tao rito sa harapan!"

Nayukom ko ang dalawang kamao ko at masama ng tumingin sa kanya. Inis na inis na ako sa kanya! Ang kapal ng mukha! Ako pa ang walang respeto sa aming dalawa?

"You can have my cellphone, I'll just buy a new one." I smirked at him. "lamunin mo kung gusto mo!"

Umupo ako ulit sa upuan ko. Nakabusangot ang mukha ko hanggang sa matapos sila sa ginagawa nila.

"Ava, akala ko ba gutom ka?" bulong ni Kath sa'kin.

Nagpapatikim na sila ng pagkain na dalawa. After niyan aalis na sila.

"Ava, ikaw na lang kulang sa section natin." sunod naman na saad ni April.

Nakatingin ang mga classmates ko sa'kin. Nag-aabang na tatayo ako at kukuha pagkain na dala ng dalawa.

"Hindi ko kailangan iyang mga dala nila! Baka isuka ko pa 'yan!" matigas na sabi ko na rinig ng buong room.

Inirapan ko si Blake na nakatingin lang sa'kin. Hindi ako kumuha kaya umalis na sila. Ang malas-malas ko naman ngayong araw!

Oh, great! My cellphone got confiscated! Great!

"Argh!" sigaw ko sa kwarto ko.

Wala akong magawa rito sa bahay. Wala akong cellphone! Hindi ko pa rin nakukuha ang cellphone ko.

Ewan! Ang sabi ko bibili ako ng bago, kaya hindi na ako pumunta ng Principal's Office para kunin. Ang taas din kasi ng pride ko!

Inis na inis lang ako sa Blake na 'yan! Napakayabang na lalaki, akala mo kung sino. Peste siya!

"Ava, what are you doing?" napatigil ako sa paggulong-gulong sa kama ko nang makitang pumasok ng kwarto ko si Ate Emerald.

Nag-indian sit ako. "Ate Emerald! Nawawala yung cellphone ko!" ngumuso ako sa kanya. Ito lang ang magiging reason ko para mabilhan ako ng bago.

"Oh? Bakit mo nawala?" tanong niya bago umupo sa tabi ko.

Nagkibit balikat ako. "I dunno! I think I lost it somewhere. " pagsisinungaling ko.

Masuri niya akong tiningnan. "Really?"

Nag-iwas ako ng tingin. "O-oo nga, Ate!"

"Okay, then," aniya bago nilabas ang credit card niya. "buy a new one."

Masaya akong yumakap sa kanya. "Thank you, Ate Emerald! I really, really love you my sister! The best sister in the whole world!" paglambing ko sa kanya.

Humiwalay siya sa'kin bago kinurot ang mataba kong pisngi. "Sus! Ako lang naman ang kapatid mo." natatawa na sambit niya. "go to mall and buy a new phone. Basta huwag mong ubusin ang laman ng credit card na 'yan."

Nakangiti akong tumango bago pumunta ng closet para mamili ng dadamitin ko. I decided to wear a black ripped high waist short and baby blue crop top printed with flowers. Sinuot ko ang white sneakers shoes ko tsaka bumaba para hanapin si Mang Jose para ipag-drive ako papuntang Mall.

Wala sila Mommy at Daddy dahil nasa Maynila sila dahil sa hotel namin doon. Kami lang nila Lola at Ate Emerald ang nandito kasama ang mga kasambahay.

"Mang Jose, punta po tayo ng mall," sabi ko sa kanya nang makita siya sa loob ng kusina namin.

Tumango siya. "Hintayin mo ako sa labas ng bahay. Ilalabas ko ang sasakyan."

Tumango lang ako bago lumabas ng bahay. Nilabas ni Mang Jose ang kotse kaya sumakay ako kaagad sa likod. Nakarating kami ng mall. Pinauwi ko si Mang Jose at tatawagan ko na lang siya para magpapasundo na ako since bibili naman ako ng cellphone.

Una akong pumunta sa clothes department. Bibili muna ako ng damit bago bumili ng cellphone. Busy ako sa mamimili ng damit. Kinuha ko ang kulay pink na under knee dress tsaka pumunta sa dressing room para magsukat.

"Ate, saan po ang dressing room?" tanong ko sa sales lady nang makalapit sa kanya.

"Ma'am, sa pinaka-dulo po." nakangiting sagot niya.

Sinunod ko ang sinabi ng sales lady. Nakita ko ang limang dressing room sa dulo. Sa unahang dressing room sana ako papasok ng may humigit sa kamay ko papasok ng pangalawang dressing room.

"What the—" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa malaking palad na lumapat sa labi ko.

"Shh! Huwag kang maingay, baka marinig tayo sa labas," bulong ng lalaki.

Napataas ang kilay ko nang makita kung sino ang humila sa'kin dito. Great! What a lucky day, Lord!

Marahas ko na tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. "What are you doing here in girl's dressing room? Manyakis ka ba, Blake?" Inis na bulong ko sa kanya.

"Si Alison, nandito," mahinang sagot niya tsaka sumilip mula sa labas ng dressing room.

"Stalker ka rin pala ng ex mo?"

"You have a problem with that? at bakit mo nalaman na ex ko si Alison?"

"E'di, malamang sinabi sa'kin ng mga classmates ko!" sarkastiko na sagot ko. "pwede ba umalis ka riyan!? Bibili pa ako ng bagong cellphone!"

Humarap siya sa'kin. "Oh, about that," wika niya. "bibigay ko ang cellphone mo sa Monday, basta meet me on the rooftop during break time."

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "And why would I do that?" I crossed my arms in front of him.

"Dahil nasa sa'kin ang cellphone mo, so if you want me to give it back to you, meet me in the rooftop on Monday."

Mapanuri ko siyang tiningnan. Baka nagsisinungaling, eh. "Talaga?"

Tumango siya. "Oo nga, kaya h'wag ka ng gumastos ng pera para bumili ng bago. Ibabalik ko naman sa'yo ang cellphone mo."

"Okay."

Palihim kami na lumabas ng dressing room dahil baka kung anong isipin ng mga tao pagnakita kami ng dalawa na magkasama sa loob.

Nawala na rin sa Alison. Hindi ko alam saan nagpunta. Palabas na kaming dalawa ni Blake ng Mall nang maalala ko na hindi ko pa natatawagan si Mang Jose.

"B-Blake, pwede pahiram ng cellphone mo?" tanong ko nang nasa parking lot na kami.

"Bakit?"

"Hindi ko alam pauwi sa'min. Kailangan ko na tawagan si Mang Jose para sunduin ako." sagot ko.

"Hatid na lang kita sa bahay niyo."

"Really? Ihahatid mo ako?"

"Yes! Sakay na."

Huminto kami sa isang kotse. kulay red 2019 Hyundai Veloster N ang tatak ng kotse. Sumakay ako sa kotse niya.

"Saan ka ba nakatira?" tanong niya bago pinandar ang kotse.

"Sa may River's Daile Subdivision. Kahit sa labas mo na lang ako ng Subdivision ihatid. Lalakarin ko na lang." sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Nakarating kami Subdivision namin. Huminto ang kotse sa tapat ng gate.

"Monday. Rooftop. Don't forget about that." paalala niya bago ako lumabas ng kotse niya.

"Oo na," sagot ko. "Salamat sa paghatid!"

"You're welcome," He said, smiling.

Lumabas ako sa kotse niya at pumasok sa loob ng Subdivision.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
didn't expect na ganito katapang si Ava despite na maliit siya. small but terrible! this is exciting to read
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status