Share

Fall all over again
Fall all over again
Author: Memories

1 trap

Shanel POV

"Madali ka Lilith" Sigaw ni Shanel sa kaibigan.

Basang-basa' sya habang ang sinadya nyang sirain na shower ay malakas ang tagas. She's only wearing a thin sleepwear para lang sa kanyang binabalak na gawin. Yon ay ang akitin at pagmukhaing gusto syang gahasain ng kanyang driver slash malaking sagabal sa buhay. His name is Thunder Ynchaustis.

Ang nag-iisang driver na kilala nya na nag-uumapaw ang self confidence sa katawan dahil na rin sa alam nya talaga na gwapo sya maapel at kung katawan lang ang basehan pati ang mga model na kilala nya ay walang sinabi.

"Pero Shanel sigurado ka na ba sa gagawin mo? Oo sinabi ko gumanti ka pero di ko sinabi na ganito." Nagdadalawang isip na sabi ng kaibigan.

"Wala ka namang ibang gagawin kundi ipaalam mo don sa lalaking ‘yon na may sira itong shower ko. 

Tapos pwede ka nang umalis. Kung hindi ko to gagawin araw-araw akong maddedepress."

Naalala na naman nya ang lahat ng sakit na nararamdaman. Ang lalaking natutunan nyang mahalin kahit may iba na itong mahal. Ang lalaking walang malay na kahit na kinamumuhian nya pero itinatangi pa rin ng puso nya.

"Anong balita sa ex non or maybe girlfiend ulit?" Tanong ni Lilith na nakapag-pabalik sa kanya sa realidad. Na nagmamahal sya ng lalaking may mahal ng iba. And guess what buntis ito."

"Dinala yata sa ibang bansa ng dad niya para don siguro manganak ewan malay. Baka nga si Thunder ang ama kaya ayaw ipaalam sa iba." Sagot nya, narinig nya lang kasi na nagpunta si Mr Ong sa ibang bansa, bagamat di naman nya sigurado kong kasama si Angela. Ang babaeng mahal ng mahal nya."

"Siguro nga noh mahirap lang kasi si Thunder, kung ako ang dad ni Angela baka nga gawin ko yon. On off ang relasyon nila dahil na rin sa magulang ng babae na ayaw kay Thunder sa dahilang mahirap lang ito. "Pero Shasha sure ka na ba dito? Paano kung maniwala ang daddy mo sa kalukuhan mo ngayon?"  

Balik uli na tanong ng kaibigan. Na alam nyang gusto nitong magbago pa ang isip nya.

Shanel exclaim "Exactly! Yan nga yong gusto kong mangyari."

"Reputasyon ng isang inosenting tao ang masisira mo?"

"Para mapalayas ko siya sa bahay wala akong ibang paraan. Para naman maibalik ko na ang freedom na nawala ko dahil sa hambog na yon. Di naman siguro siya ikukulong ni dad kung attempt rape lang."

"At isa pa ito ang gusto nya war diba. Simula ng Napapadpad sya sa buhay ko lagi na lang syang kontra sa halos lahat ng bagay. More annoying part is dad always believe him."

"Kahit na, Sha, di naman tama na eframe up mo siya. Di naman masamang tao si Thunder. Concern lang sya, gaya ng pagsama mo kay Damian. His right naman Damian is bad influence."

"Ikaw ang hiningan ko ng tulong instead of Ally kasi alam kong sa inyong dalawa ikaw ang mas makukumbinsi ko. At ikaw naman may suggest na gumanti kaya need mo kong tulungan."

"Pero baka kasi sumabit tayo pa mapagalitan sa huli."

"Sino ba kaibigan mo ha? ako o iyong Thunder na ‘yon."

Bumuntong hininga si Lilith. 

"Siya, sige kung wala na akong magagawa para baguhin ang isip mo fine'"

"Kasalanan niya kung bakit ko gagawin ito sa kanya. Masyado syang pasakit. Kung sana ay hinahayaan niya lang akong gawin ang gusto ko ng hindi sinusumbung kay daddy. Di sana nagkakaintindihan kami. Driver ko lang sya pero mas pinapanigan sya ni dad."

"Ang sabihin mo ay kung ikaw lang sana ang minahal niya di ka mababaliw."

"Shut up Lilith Im in pain, phobia na ko twing nakikita ko siya. Feeling ko any minute iiyak ako at biglang luluhod. Tapos kung maka judge kala mo sobrang bait. Sila na mabait ako demonyo. Ngayon makikita nila ang sungay ko."

"Walang duda mas demonyita ka sa akin hahaha"

"Whatever, get him. Bring Thunder here bilisan mo."

Ipinakita nya kung gano sya kadeterminado by looking in Lilith eyes. Matapos huminga ng malalim ang kaibigan. Alam nyang nakumbinsi nya na ito. Alam niya napaka isip bata pero pag nagtagumpay siya mapapalayas na niya ang lalaki di na siya masasaktan at makakalimut din siya kalaunan na.

"Ok... ok fine. I'll do it. Kung hindi ko lang alam kung ano ang kaya mong gawin siguradong hindi kita susundin. Basta ha wala akong kinalaman dito period."

Lumabas na ng kwarto si Lilith para tawagin si Thunder. 

*******

Other side POV

"Thunder! God, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala sa parking lot. Hinahanap ka ni Shanel sira daw ang shower niya. Mamaya mo na ayusin nyan sasakyan niya."

Natagpuan ni Lilith na nag kukumpuni ng kung ano sa sasakyan si Thunder at ang dungis nito tingnan. Naging all around house boy ng pamilya ni Shanel si Thunder simula nong aksedending nabangga ito ni Shanel. At ngayon kaya galit ang kaibigan ay sa kadahilanang si Mr Lozeros ay naaaliw sa mabait at mapagkakatiwalaang binata na anak ng katulong nila.

  

Ngunit ganon pa man kung gano ito kahirap ay biniyayaan naman ito ng napaka-kisig at napakasarap titigan ang gwapong mukha nito.

No wonder kaya nahulog si Shanel dito. 

"Busy pa ko Lilith pakisabi mamaya na siya maligo."

"Ay! hindi pwede basang-basa na ‘yon sa kakatakip ng tubo ng shower niya, baka parehas taiyong lumipad kung saan pag-nagalit ‘yon. I hope you know how she was look like if she's anger."

"Yes, her Brat side shows. Pahihirapan niya talaga buhay ko lalo dahil lang di ako nakinig sa kanya. Nagsorry na ko di pa rin ako kinakausap."

Thunder sigh. Alam nyang ang bratinelang amo ay kayang gawin ‘yon. Ilang besses na ba syang nasigawan nito.Wala lang syang magawa. Natutuwa rin naman siya sa sungit nito sa kanya.

"Sigena nga. Magsusuot lang ako ng tshirt."

"Seriosly? puti talaga ang sinusuot mo sa ganitong klaseng work?" 

"Pati ba naman damit ko papansinin mo? Pwede ba."

Nang makita ni Lilith na nakaakyat na si Thunder papuntang kwarto ni Shanel umalis na siya sa mansion ng kaibigan. 

"da*nit! Asan na ba iyong lalaking ‘yon! Lilith ano ba kanina pa ko nag- aantay dito!"

Sumambulat sa paningin ni Thunder ang anak ng amo niya na nakasuot lang ng manipis na pan-tulog at basang basa na ito. Kitangkita niya ang laki ng dib-dib nito at ang kurba ng katawan. Pakiramdam niya lahat ng init sa katawan niya napunta sa kanyang alaga at kumislot ito tanda ng nagugustuhan niya ang kanyang nakikita. Ngunit Ipinilig nya lang ang ulo ng bumalik sya sa katinuan. 

"Ano ba titingnan mo na lang ba ako o ano? Kanina pa ko naghihintay sayo. Tapos matutulala ka lang diyan?"

"Pag may problema saka mo lang ako kakausapin?"

"Trabaho mo ang tulungan ako."

Pasigaw na sabi ng dalaga. But deep inside ay nagbubunyi si Shanel kasi alam niya sa sarili na hindi gwapong tuod ang lalaking kaharap. Na naaakit nya pa rin ito. Gaya ng ibang mga lalaki ay mabilis nababago ng timpla pag nakakakita ng maganda at sexy na babae.

"Sorry, bakit kasi ganyan ang suot mo. Kung Di lang kita kilala aakalain kong inaakit mo ko."

Relax na sabi ni Thunder na nakapag- painit ng ulo ni Shanel. 

"Kung Maka asta akala mo hindi amo ang kaharap."

"Humanda ka sa akin ngayon. Ito na ang magiging huling araw mo."

Sabi ng dalaga sa isip habang palapit ang lalaki. May hawak itong tools para siguro pang ayos ng shower niya.

Every move iyong maugat nitong braso papansin na parang... Parang…

"Ay! Ewan. Bilisan mo Thunder basang-basa na ko." Sambulat ni Shanel para mawala ang iniisip.

Thunder swallows hard. Parang namamanyak na siya kasi may double meaning na lahat ng sinasabi ng dalaga para sa kanya.

"Oo na ito na bilibilisan na nga eh. Paabot ng upuan at masyadong mataas."

Dalidaling kumuha ng plastic na upuan si Shanel at ng may nakita syang gunting napangiti siya at ginamit para mapunit niya ang kanyang suot.

Matangkad si Thunder pero di pa rin nito abot ang shower niya na sadya nyang sinira. 

"Umaapaw na ang tubig sa banyo ko Thunder bilis pa."

"Ang bagal mo naman eh bilis pa."

"Tangna, Ikaw kaya 

dito. Ang hirap wala kong makita bumubulwak kasi ang tubig."

Sa pagmamadali at taranta isang maling kilos at umuga ang upuan at nahulog si Thunder pero ang di niya napansin ay papunta siya sa direksyon ni Shanel. Na sinadya ng dalaga

"Ahhhh."

Kapwa sigaw ng dalawa. Bumagsak si Thunder sa ibabaw ni Shanel. Mabuti na lang naiharang niya ang kanyang kamay sa likod ng ulo ng dalaga upang di maumpog sa tiles ng banyo.

"Aray, ang sakit. Thunder ano ba. Ang bigat mo."

"Wag kang magalaw Shanel parang napilay ata ako."

Nakatitig si Shanel sa mukha ni Thunder na tila nakakaramdam ng sakit kaya di siya makakilos. Kinakabisado ang mukha kasi alam nyang ito na ang huli. Ito na ang pagkakataon na nya.

"Thunder ano ba nasasaktan na ko. Alis na! Help! Somebody help!"

Sigaw ni Shanel na narinig naman ng isang kasambahay at agad na dumating. Ngunit di lang kasambahay ang nakarinig sa sigaw ni Shanel. Which is much better para naman isang baksakan na lang.

"What the hell are you doing with my daughter, young man!"

Nanlaki ang mata ni Thunder sa gulat at pinilit niyang umalis sa ibabaw ni Shanel.

"Dad... He try to rape me... Nadulas lang siya kaya di siya makakilos kaya nakasigaw ako kasi di niya na natakpan ang bibig ko."

Maarting sabi ni Shanel at may paiyak-iyak pa.

"What! Shanel stop lying. Hindi yan totoo! Magsabi ka ng totoo! Wala akong ginagawa saiyong masama."

Don lang napansin ni Thunder na may punit ang damit nito. Naparang pinunit ng sadya.

"Maniwala kayo sir, inaayos ko lang ang shower ni Shanel."

Tumingin si Thunder sa shower na inaayus niya ngunit di na halata ang sira kasi medyo naayus niya na ito.

"Dad, please, I'm scared..."

Binuhat ni Jeoff ang anak at nanggagalaiti na sumigaw.

"Ayoko ng makita ang pagmumukha mo sa bahay na to Thunder isama mo ang nanay at kapatid mo sa pag alis!"

Nanlaki ang mata ni Shanel di niya naisip na idadamay ng dad niya ang kapatid at inay nito

"Dad walang kasalanan si Ressa at inay Ester"

"Too late, Shanel... if this is what you want fine nanalo ka na"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status