Share

Chapter 23

JAIRAH’S POV

“Ma’am, pabukas po ng body bag niyo.”

Nandito ako ngayon sa SM dahil may pinapabili sa akin si Ate. Ayoko sana kaya lang baka mapagalitan na naman ako. Gusto ko nga sana isama si Gab kaya lang simula kaninang umaga hindi pa siya nagpapakita sa akin. Sayang, hindi siya makakapasyal.

Pagkatapos tingnan ng guard ang bag ko ay pumasok na ako sa loob ng bag. Kinuha ko na ang listahan na binigay sa akin ni ate at ngayon ko lang nakita na ang dami pala nito. Paano ko mabibitbit lahat ng ‘to mamaya?

Una ko munang pinuntahan ay ang mga bibilhin ko sa Watsons. Pagkapasok ko ay nginitian agad ako ng saleslady na nakatayo sa gilid. Syempre ngingitian ko rin baka naman masabihan ako ng suplada.

Fresh Jeju Aloe Ice, face mask, serum at kung ano-ano pang pangkoloreta sa mukha. Ganito ba talaga ang mga babae?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status