Share

Kabanata 4

"AQUARIUS. Nakita din kita!" Excited kong tinitigan ang constellation na nakita ko mula sa telescope. Pagkagaling ko sa opisina ay binitbit ko agad ang astronomy gear ko at umakyat ng abandonadong building na malapit sa bahay namin.

This is a usual Friday routine to de-stress. I badly need one.

Pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng buhok ko kay Boss Pogi. Unreasonable demands, endless whining, complaints. Dinaig ko pa ang tanggapan ng Baranggay kung saluhan niya ng hinaing niya! To think that it was my first week.

Napangiti ako nang makita ang Helix Nebula, I can talk the whole day on how beautiful the remnants of a the stars that died. Stars don't disappear, in fact, it turns into a beautiful mass of gas that still flows in the universe and they are called Helix Nebula. It as beautiful as the stars and the planets but for me, it is the most amazing phenomena in the galaxy.

I randomly looked at the stars after enjoying the Aquarius constellation. Tinitigan ko pa ang ilang mga laman-ulap at malungkot na ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang luha. Tumayo ako at lumapit sa pinakadulong bahagi ng rooftop at iniunat ang kamay patungo sa langit at hindi ko nagustuhan ang distansya ko doon.

Malayo. Sobrang layo pa..

Tumunog ang cellphone ko habang nakatitig ako sa kawalan. Napakunot ang noo ko sa isang unknown number.

"Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sayo."

Tiningnan ko muli ang screen ng cellphone ko. The man did not even had the decency to say 'Hello', galit pa ang boses non.

"Sino to?"

"Jascha."

Umakyat ang kaba sa sistema ko. Iniisip ko ang computer ko na baka nakalimutan kong patayin o ang alikabok sa lamesa niya na hindi ko nalinis bago umuwi. O baka naman napansin na niya ang stock ng mansanas niya sa ref na nabawasan ng tatlo? I ate that when he was on a meeting.

"Boss Pogi? Yes?" Siniglahan ko ang tono ko.

"Asan ka?"

"Sa bahay lang." Inisa-isa kong pulutin ang astronomy tools ko at inilagay sa bag.

"I'll be there in 10 minutes." Yun lang at pinutol nya na ang kabilang line. Natigilan ako at tinitigan muli ang phone ko. Nang mag-sink in ang 10 minutes na sinabi niya, dali dali kong tiniklop ang mat at nag-tungo sa fire exit ng abandonadong building, patakbo akong bumaba.

Habang tumatakbo ay tumitingin ako sa orasan. 10minute walk ang bahay mula sa secret spot ko para sa astronomy adventures ko, sinisi ko ang maiigsing binti ko dahil napakaliit ng mga hakbang ko. Nang masilayan ko na ang bahay namin ay saka lang ako huminga pero napangiwi ako nang makita doon si Boss Pogi. Resting his back on his red Mustang.

I almost stick my tongue out because of panting. Napahawak pa ako sa dibdib ko at malakas na huminga.

"Hi Boss! Bakit?" Pabuga ang mga salita dahil sa pagod.

Tiningnan niya ako pagkatapos ay napapailing na binuksan ang sasakyan at may kinuha doon. Inabot sya sa aking itim na bag na pakiwari ko ay damit.

Kahit walang ideya ay pilit kong ngitian ang damit na nakabalot pa nang may tatak na Dior, alam ko agad na mahal iyon. "Thank you for your generosity pero hindi ko matatanggap ang ganitong regalo, Boss Pogi."

"That is not a gift. Magpaayos ka kay Julio, may pupuntahan tayo."

Doon ko lang napansin ang itim na sasakyan sa likod ng pulang Mustang. Merong bumaba doon na matabang lalaki, all black ang pananamit at may malaking bag na nakasukbit sa kanyang braso.

"Hi 'Day!" masayang bati sa akin nung Julio na pumasok na sa maliit naming gate. 15 Nag-set up ng ilaw at napakaraming gamit sa may kusina namin si Julio at ang kanyang bitbit na hairstylist. Nagpatianod ako doon sa instructions habang inaalala si Boss Pogi doon sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya. Gusto ko pang mag-protesta sa hindi niya pag-respeto sa private time ko outside office hours pero kung titingnan ko ang mga mata niya ay parang mangangain din iyon kaya hindi na ako umimik.

"Pumikit ka and we'll do magic." Huling habilin sa akin ni Julio. Dahil sa pagod ay nakatulog ako at wala ng naramdaman kung ano pa ang ginawa sa akin. I woke up with gentle pats on my shoulder. Pagmulat ko ay pinanlakihan ako ng mga mata sa babaeng nakatitig sa akin sa harap ng salamin.

"Hindi ako to."

The make up isn't light nor too heavy. Tamang tama lang iyon. Ngayon ko lang nakitang nakaayos ang aking kilay na natural din naman na makapal. Mas naemphasize lang iyon dahil sinuklay pataas. Mas umangat din ang kulay ng mga mata ko dahil sa soft brown eyeshadow na inilagay doon. Sa mga labi naman ay coral pink gloss ang nag-patingkad.

"Ano ka ba Day, maganda ka talaga! Wag mo sabihing hindi mo alam, hilahin ko yang buhok mol" Maarte nyang sabi sa akin. Hinaplos ko ang maigsi kong buhok, nagawa na iyong kulutin at bumagay sa hugis ng maliit na mukha ko.

"And for the final touch, suot mo na to. Dali na, bago pa uminit ang ulo ni Sir Jascha." Nilabas ni Julio galing sa itim na bag ang isang puting dress at nag-tungo na ako sa kuwarto ko para makapag-palit.

Sinilip ko ang replekyon ko sa salamin pagkatapos kong mag-bihis. White halter dress iyon na mababa ang neckline pero hindi naman iyon masagwa. The tea-length white dress compliments my creamy complexion, it hugs my body just right. It sways in every small movement and it looks an old classic paired with a two-inch cream stiletto. Ang tanging kinang na nag-bigay sa aking pananamit ay ang swarovski chandelier earrings at crystaldust cross-cuff bracelet.

"Wow! Grabe, you look like a celebrity! O mas maganda pa sa celebrity. Anong mix mo?" Tanong sa akin ni Julio habang nagliligpit ng kanyang mga gamit.

"Half-Romanian ang Mama ko. Sa kanya din namin nakuha ang kulay ng mga mata namin ng kakambal ko."

"Good genes. Let's go. Baka naiinip na ang boss mo."

Nakipagbeso sa akin si Julio nang makalabas na kami sa bahay. Tinungo niya ang sasakyan niya nang mapansing mayroong kausap si Boss Pogi sa telepono doon sa loob ng sasakyan nito. Ako naman ay tahimik na nag-intay na matapos si Boss Pogi sa pakikipagusap.

"Yes, yes.. yea—" Nag-angat ang amo ko ng tingin sa akin. Dahan dahang Ibinaba ni Boss Pogi ang hawak niyang cellphone. He looked at me from head to toe. His smoldering eyes made no difference except from the small smile that teased his lips. Hindi ko tuloy tiyak kung nang-iinsulto ba o ano.

"Okay na ba 'to?" I asked.

Imbes na sumagot ay bumaba siya ng sasakyan at inilahad ang kamay niya sa akin. Pinanlamigan ang kanang kamay ko nang dumantay sa iyon sa kanyang mainit na palad. Something felt different and weird. Maybe his gentle treatment, it seems off. Hindi bagay at plastik iyon for sure.

Binuksan niya ang passenger seat, inintay niya pang maayos ko ang laylayan ng dress ko para masarhan niya ang pinto.

"In fairness, nadagdagan ng isang paligo ang kagwapuhan mo kapag mabait ka." I remarked when he hopped in to the driver seat.

"You know what, you are starting to look like a human if you wear make up. I should start treating you one if you will continuously do that."

"Is that your way of saying, 'You are beautiful, my dear Secretary.'? Well, thank you, that's so sweet of you."

"l don't remember saying that you are beautiful, I just complimented you after a great effort to look like one of us. Welcome to earth, alien head."

"Hindi ako alien!" Pinanliitan ko siya ng mata. "l love astronomy, galaxy and the entire universe pero hindi kasama ang mga aliens although I believe that they exist too. If I just have a way to apply to NASA then I would know. Hindi ko sana pinagtitiisan ang demanding kong amo na parang ako ang sinisisi sa lahat ng kamalasan niya sa buong araw. Goodness, lighten up, will you?"

Natatawa siyang napailing. "You always have a lot to say."

"l do. Sabi ng Mama ko, I better say what I have in mind than forever stay in silence with a heavy heart."

"Well, if you know that staying in silence will make someone else's life beautiful, there's nothing wrong in keeping your mouth shut."

"Ay, how can you make someone else's life beautiful in silence? Malungkot ang buhay kapag tahimik tayong lahat."

"Well if you won't break my eardrum then I'll be happy." 

"Touche."

"Thank you."

I stayed in silence as my boss wished. Pero nangati muli ang dila ko after 5-minute dose of reverie. "Saan tayo pupunta, Boss Pogi?"

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "A friend's party."

Tumango ako. Sinilip niya ako gamit ang gilid ng kanyang mga mata.

"It is an engagement party of a friend." Dugtong niya.

Napansin kong humigpit ang hawak niya sa manibela at napailing. He muttered silent curses.

"An engagement part of my bestfriend and my ex-girlfriend." He sighed. Nanatili lang akong nakatulala sa kanya. The way his jaw moved says one thing, his heart is breaking.

Nakita ko na iyon noon. It is the same when my mother cried after a huge fight with my father. I remember friends in college with that dreadful look after a break up. Ganoon din ang mga mata ni Calista nang malaman naming nasawi ang mga magulang namin sa isang aksidente. Maaring ganon din ang sa akin.

Heartbroken. Different scenario but same heart wrenching effect.

"And I need you to make me look less miserable. I will pay you, don't worry." Mapait siyang napangiti. "Just don't do anything funny and go with the flow."

Tumango ako, naiintindihan ko ang kanyang pinagdadaanan.

"Pasalamat ka mabait ako. Pagbibigyan kita."

He laughed gently and his jaw muscles started to relax.

He looks better when he's happy. If he would just smile. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status