Share

Kabanata 3

IT'S BEEN TWO WEEKS since I started working at Palma Real Estate Company. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa sobrang daming nag-apply ay ako ang nakuha! Ang Swerte ko naman talaga, oh.

Nang sabihin ni Mr. Jascha Palma na ako ang napili niya bilang secretary ay sobrang natuwa ako.

At kung tatanungin n'yo kung kumusta ang trabaho ko sa dalawang linggong pananatili ko rito ay wala na akong ibang masabi kundi WHAT THE HELL!

Oo, literal na impiyerno dahil sa sobrang daming utos ng boss ko. Ang dami na nga nitong pinapagawa ang sungit pa n'ya, siguro nasa menopausal stage na 'to? 

Kung noong first day ay mabait siya sa akin ngayon ay super sungit na.

Tama nga ang kasabihan na "don't judge the book by its cover.

Example ng kasabihan na 'to ang boss ko. Sobrang amo ng mukha tila isang anghel na hindi makabasag pinggan pero kapag nakilala mo na, ha! Aakalain mong anak ng demonyo! Hindi ko siya maintindihan minsan.

Utos dito at utos doon, galit doon, galit diyan, nakaka-stress na s'ya! Bawat actions ko big deal sa kanya.

Sa two weeks ko na nagta-trabaho rito ay parang tumanda ako ng two years. Pero wala akong magagawa, secretary lang ako at s'ya ang boss.

Ito pa, may isang line na talagang tumatak sa isipan ko at hinding-hindi ko makalilimutan.

"DON'T BE SO STUPID OR ELSE I'LL FIRE YOU"

Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi tuwing may nagagawa akong 'something stupid' or should I say, nagkamali ako sa mga inutos niya.

Kung ang company naman ang usapan, well for the past 2 weeks na nagtrabaho ako rito wala naman akong angal. Mababait ang empleyado at mga kavibes ko. Marami na 'agad akong kaibigan at s'yempre hindi mawawala ang mga plastikan sa trabaho.

Napatingin ako sa orasan, it's 8:30 AM at ito ako, late na naman ako ng 30 mins dahil sa traffic.

Mas binilisan ko pa ang aking takbo dahil sa late na ako sa aking trabaho. Bakit kasi ngayon pa ako inabutan ng traffic? Paniguradong patay na naman ako nito sa boss ko!

Aligagang pumasok ako sa elevator at hindi mapakaling napangatngat nalang sa aking kuko dahil sa sobrang kaba. Pagkatunog palang ng elevator ay mabilis na akong kumaripas ng takbo papunta sa kompanya.

Kinakabahan ako habang papasok ngayon sa Palma Real Estate Company, Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas simula nang matanggap ako rito bilang sekretarya ng CEO.

Papasok na sana ako ng bigla akong harangan ng guard, mukhang hindi pa nito alam na ako ang bagong secretary.

"Hello po ma'am, may I'D ho ba kayo?" tanong nito at tila sinusuri ang pagkatao ko. Ano ang tingin nito sa akin? Hindi ba katiwa-tiwala ang itsura ko?

"Ah, wala pa po akong I.D bago pa lang po kasi ako rito. Ako po yung bagong sekretarya ng boss." Paliwanag ko na may kasama pang-kamot sa ulo.

Tinignan muna ako nito pataas hanggang baba bago tumango, "Sige po, ma'am, nandoon po ang front desk." Sabay turo nito sa babae na nakaupo sa front desk.

Nagpasalamat muna ako bago tuluyang lumapit sa front desk.

"Hello, miss? Ako 'yong bagong secretary," pag-aagaw pansin ko sa kan'ya. Nakita ko naman ang pagngiti nito bago sumagot.

"So, you're Miss Baltazar? buti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay ni Sir. Umakyat ka nalang at nasa top floor ang office niya, and Miss Baltazar? Gusto ko lang sabihin na ayaw ni boss na laging late kaya sana hindi na maulit ito," sambit nito.

At dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa tono palang ng boses nito ay tila sobrang strikto nga ng CEO.

"S-sige, salamat una na ako ha?" paalam ko bago tuluyang naglakad papasok sa elevator.

Kabado at namamawis ang kamay ko habang nasa loob ako ng elevator. Late na ako, ano kaya ang sasabihin ni Mr. Palma sa akin? Baka wala pang ilang linggo ay masisante na 'agad ako! Nako naman, 'wag naman sana.

Pagkatunog ng elevator na hudyat na nakarating na ako sa aking destinasyon ay mabilis na akong lumabas. Patuloy pa rin sa pagpintig ang aking puso sa sobrang kaba. Lord help me!

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa harapan ng pinto kung saan may nakalagay na "chief executive officer" sa itaas. Para akong tanga rito na nakatitig lang sa pinto at hindi alam kung papasok ba o hindi.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na kumatok.

"Come in," sabi ng isang baritonong boses mula sa doon.

Nako! Mukhang totoo nga ang sinabi ng babae sa front late!

Ano ba, Cassandra! Kaya mo 'yan, first two weeks mo pa lang kaya dapat magpakitang gilas ka sa boss mo.

Dahil sa aking isip ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Magaling ako mang-uto ng tao kaya marami akong friends kaya uutuin ko nalang siguro ito.

"You're 30 minutes late na naman, Miss Baltazar." Isang mababang boses kaagad ang narinig ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob. Kaagad naman akong napalunok ng sumalubong 'agad sa akin ang nagbabagang tingin ng aking boss. Hindi pa rin ako diretsong makatingin dahil sa kaba.

May mga naririnig akong chismis tungkol sa kan'ya na kesyo sobrang sungit daw nito at sa two weeks na pananatili ko rito sa kompanya ay mukhang totoo nga ang mga balitang 'yon.

"l'm s-sorry, Sir, h-hindi ko po sinasadya. T-traffic po kase, may naaksidente po sa daan, a-at hinarang po ako ng guard sa labas d-dahil wala pa po akong I-ID," nauutal na paliwanag ko sabay yuki.

Ewan ko ba kung bakit ako nauutal!

Dahan-dahan akong tumunghay upang makita ang mukha ng aking boss at halos matulala nalang ako ng masilayan ang kan'yang mukha. Grabe, bakit naman ang extra pogi niya today?

"Alright, I will forgive you just today. However, keep in mind, Ms. Baltazar, that I do not want this incident to happen again, understood?" seryoso sambit nito bago ako tinitigan ng mabuti. Mabilis naman akong napatango dahil sa kaba at pagkataranta.

Aba! Kailangan ko sumagot ng maayos, takot ko nalang sa kan'ya.

"Good, your table is outside. I will just call you when I need you," he explained.

"Okay po sir," tanging naitugon ko nalang. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sobrang gwapo–sungit nito.

"Then, do arrange this until today. I need this tomorrow morning." Utos nito sabay abot sa akin ng mga papel.

Kaagad naman na nanlaki ang aking mata dahil sa narinig! Nako naman, kararating ko lang, deadline 'agad!

Napasimangot nalang ako at mabilis na lumabas at umupo sa aking pwesto. Hindi ko napansin na mayroon palang lamesa rito sa labas, siguro dahil sa kaba kaya hindi ko na ito napansin kanina.

Maigi pa't simulan ko nalang itong inuutos n'ya para matapos ko 'agad. Kainis! Binabawi ko na ang sinabi ko hindi pala siya gwapo, pangit s'ya! Pangit ang ugali hindi ang mukh—"

Okay tama na, masyado na akong OA.

"Miss Baltazar, Come inside and do your work here. I need to monitor you today because para makita kung may progress ka ba or gano'n pa rin." Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.

Ang intercom pala, hindi ko napansin na mayroon pala rito.

Mabilis akong pumasok ay naupo sa itinuro nitong sofa, kaya mo 'yan, Cassandra! Para sa trabaho!

Pagkaupo ko ay mabilis ko ng sinimulan ang aking trabaho. Nakailang balik pa ako sa labas dahil nando'n ang computer na ginagamit ko. Pahirap!

Mabilis kong tinignan ang aking orasan at gano'n nalang ang gulat ko ng isang oras na pala ako rito pero hindi pa rin ako tapos.

Nakapapagod naman! Hindi kasi maayos ang mga schedule nito at ang dami pang naiwan na gawain ng dati niyang sekretarya. Kaya siguro nagmamadali ang mga ito na humanap ng bago.

Napamasahe nalang ako sa aking balikat dahil sa ngalay. Idagdag pa ang boss ko na kanina pa nakatitig sa'kin, hindi ako makapag-concentrate!

"By the way, Ms. Baltazar, make sure that you read our rules and regulations," biglang salita nito.

"Noted, sir!" ngiting-ngiting sagot ko kay Boss pogi, boss pogi nalang ang itatawag ko sa kan'ya tutal ang pogi-pogi naman niya.

I think, crush ko na ito.

"Good you can now take your break," he said.

Hmm, p'wede na raw ako mag-lunch pero ang dami ko pang kailangan tapusin. Baka hindi pa ito umabot, mamaya nalang ako kakain pagkatapos.

"Nako! Hindi na, Boss, marami pa po akong gagawin at baka hindi ko pa matapos kung kakain pa ako," Paliwanag ko rito at nagulat naman ako ng bigla niya akong irapan.

"Tsk," tugon nito at mabilis na ibinaling ang tingin sa kan'yang ginagawa.

Napailing-iling nalang ako at itinuloy na rin ang aking ginagawa.

At sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napatitig sa gwapo nitong mukha. Sino ba naman ang hindi mapapatitig, e, Ang gwapo talaga nito? Ang tangos ng ilong at mukhang koreano!

"Done staring at me, Ms. Baltazar?" nagulat ako sa biglang sambit nito at hindi ko napansin na nakatingin na pala ito sa akin, masyado akong na-amaze sa perpektong mukha niya!

"I-i'm not, Boss," namumulang saad ko sabay iwas ng tingin.

Nakakahiya ka, Cassandra! Paniguradong iisipin na nito na may gusto ka sa kan'ya!

Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pagngisi nito. OMG! Ang pogi! Baka wala pang isang buwan mas lalo akong ma-fall sa kanya.

Mabilis akong namula dahil sa hiya kaya naman napakagat ako sa aking labi. Mannerism ko na kasi na kapag nahihiya ay kinakagat ang aking labi.

Bigla akong napaigtad dahil sa biglaang pagsasalita ni boss. Medyo pasigaw kasi ito na ewan.

Napakamot nalang ako sa batok ko at ipinagpatuloy ang ginagawa at dahil nagugutom na ako kinagatkagat ko nalang ang labi ko para maibsan ang kagutuman.

"What the heck? Stop doing that!" singhal nito sa akin at halos malaglag ako sa upuan ko dahil doon. Ano ba ang problema nito? May nagawa ba ako?

"A-ah B-boss? Ano pong p-problema?" kinakabahang tanong ko.

"Stop. Doing. That," gigil na sabi niya na may diin ang bawat bigkas.

Stop doing what? Wala naman akong ginagawa na makakagalit sa kan'ya?

"Yung alin po, sir?" nagtatakhang tanong ko.

"Stop biting your f*cking lips! Nakakadistract!" sigaw na naman nito kaya mas napakagat ako sa aking labi dahil sa gulat.

Iyon na lamang ang tanging narinig ko bago ito mabilis na lumabas ng office. Anong nangyari sa kanya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status