Share

Kabanata 2

HUMUGOT ako ng malalim na hininga habang nakaharap sa salamin ng restroom.

You're gonna be okay. Kailangan mo ang trabahong 'to kundi sa kalsada kayo pupulutin ng kapatid mo, pagkausap ko sa sarili ko na kinakabahan pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Kailangan kong kumalma bago pa matawag ang pangalan ko sa interview. Ang mismong presidente ng Palma Real Estate ang mag-i-interview sa akin kaya kailangan kong kumalma.

I needed this job badly. Nasa isanlibo na lang ang pera ko, kulang pa para sa pangkain namin bukas ni Calista. Hindi naman kami puwedeng umuwi ng probinsya dahil mahirap lang din ang buhay doon.

Nasa mga dalawampu kaming nag-a-apply ngayon sa posisyon na sekretarya ng big boss ng Palma Real Estate. Malaki ang sahod at kilala sa Asya ang kompanya. Maganda talaga ang magtrabaho rito.

Ang tanong, tatanggapin kaya ako?

Bakit ba ako umaasa na magiging iba ang kalalabasan ng interview kong ito? Nasisiguro naman akong tatawag ito sa dati kong pinagtatrabahuhan at siguradong tigok na ako sa susunod na mga araw.

Cause of death: Starvation.

Lumabas na ako ng restroom at bumalik sa kinauupuan kanina. Humugot ako ng malalim na hininga nang tawagin ang babaeng sinusundan ko.

Shit! Ako na ang sunod!

Humigpit ang hawak ko sa envelope kung saan ang laman ay ang credentials ko.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang lumabas ang babae at mukha itong tinakasan ng dugo sa katawan. Ang putla-putla nito, parang nakakita ng multo.

"Ms. Cassandra Baltazar? Ikaw na ang susunod." A tall, morena beauty stood in front of me. Nakasuot siya ng dark green pencil cut dress, smelling fresh flowers and warm vanilla. Mabilis akong tumayo bilang pag-acknowledge at saka sinundan ang mga hakbang niya.

Nag-tungo kami sa isang conference room. A huge room with glass walls and floor to ceiling windows.

So this is the corporate setting.

I used to see this when I was a kid. Parehas na magulang ko ay accountant sa magkakaibang kumpanya. I never imagined being part of one. Mas gusto ko ang maaksyon na working environment. This will surely be boring..

But it will pay the bills, Cassandra. Mahinahon kong paalala sa sarili ko.

Just like the conference room, it is surrounded by wall to ceiling windows. The wide landscape of Metro Manila seems like a painting from here. Ang palibot ay merong mga matataas na snake plants at heart-leaf philodendron, meron kaming parehas na halaman sa bahay, alaga ni Mama noon, aside from that, I have this innate knowledge with plants.

Humugot muna uli ako ng malalim na hininga bago ako humakbang papasok sa bahagyang nakaawang na Pinto.

"Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili habang naglalakad at sinusundan ang babae patungo sa isa pang pinto.

The woman stopped in front of a close glass door. "Mr. Palma is waiting for you inside." I tried to smile but failed. "Thanks."

"My name is Harlene, I am the HR Manager of Palma Real Estate Industry. We are a multi-million company who handles huge construction industry here and abroad. We are looking for a personal assistant, we don't care who you are and how much we pay but we want someone who can offer us loyalty and integrity. A person who is smart and quick thinker. You see Ms. Baltazar, we don't want to waste time in training people, we need that personal assistant in three days. Our boss is really private, ayaw niya sa chismosa." Mahaba niyang litanya. 

Sa tingin ko ay nakakita ako ng naparaming stars sa bawat pagbukas ng bibig niya.

Tumikhim ako at nagpalinga linga pero ang mga mata ng masungit na HR Manager ay sinusundan ang bawat paggalaw ng aking ulo.

"W-well. I need to pay the bills po, Ma'am. Badly. Kaya Kailangan ko itong trabahong ito." Napangiwi ako sa pangit na sagot ko. Pinanliitan ako ng mata ni Miss Harlene at napailing. Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi iyon maganda. Nagkibit balikat siya at inipon ang papel sa kanyang harapan.

"Okay, let's go meet your boss." Tumayo siya at dumiretso sa salaming pinto.

"Goodluck."

Tumango ako, saka pumasok sa pintong binuksan ng babae. Habang naglalakad palapit sa mesa, mataman kong tinititigan ang lalaking nakaupo roon at mataman ding nakatitig sa akin.

"Miss Baltazar, glad to see you in space." My eyes rested into the familiar baritone voice. Gumapang ang lamig mula sa aking mga paa paakyat ng sikmura. Expensive black suit, check, expensive watch, check, expensive leather shoes, check! He was the boy next door type, he looks different.

The guy was so smoking hot. Those deep brown eyes, his hairstyle, his kissable lips, his well-toned body and his aura and sex appeal was oozing.

Goodness!

I blinked. Nope! Not going there! Hindi nakakabusog ang kaguwapuhan, actually nakakagutom 'yon. At lalong ang mga ganitong tipo ng lalaki ay hindi ako ang tipo na babae. Kaya dapat no attraction. Wala iyong patutunguhan.

Tumigil ako sa harap ng mesa niya saka siya nginitian. "Good day, Sir, I'm Cassandra Baltazar. I'm here for my interview."

Iminuwestra nito ang kamay sa visitor's chair. Ang mga mata nito ay nakatuon pa rin sa akin. "I'm Jascha Palma, your future boss if you pass this interview."

Kapagkuwan ay tumuon ang mga mata nito sa buhok kong kulay-pink.

Ninenerbiyos akong ngumiti. No one liked my hair. No one, lalo na sa loob ng opisina. Hindi na ako magtataka kung sitahin nito mamaya ang buhok niya. Usual bosses had always disliked my taste of hair color.

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Let's start."

Tumango ako, kinakabahan.

"l only have one question," panimula ng lalaki habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. "And your answer will decide if you will be hired or not. Nabasa ko na ang credentials mo, everything is good. High grades, good university in the province where you're from. So... let's start?"

I gulped. "Yes, Sir."

Pinagsalikop ko ang aking kamay, saka ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa at tinanong ako. "Why should I hire you?"

This is it, Cassandra! llang beses akong nag-practice para sa tanong nito. Memorize ko na ang sagot, pero bakit parang hindi ko iyon maisip ngayon?

"Anytime, Miss Baltazar. The clock is ticking," basag ni Mr. Palma sa katahimikan. "Marami pang aplikante bukod sa 'yo."

Tumikhim ako. "I'm efficient and I can multitask. I'm equipped with right skills required by the position and—"

"l don't wanna hear that," sansala sa akin ni Mr. Palma. "Gusto kong makarinig ng bagong sagot, 'yong hindi mo minemorize bago ka pumasok sa opisina ko."

Napatitig ako kay Mr. Palma "Po?"

He stared at me. "Give me an answer that I haven't heard before."

Huminga ako nang malalim. "I'm passionate and I'm really, really, starving to death."

Natigilan ang kaharap ko, saka napatitig sa kanya. "You're starving to death?" parang hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yeah." Lumunok ako at nahihiyang nagbaba ng tingin

"l am."

"Kumain ka ba ngayon?" tanong nito sa akin kapagkuwan.

Umiling ako. "l really need this job, Sir. Wala akong pera at nakasangla ang bahay na tanging pamana sa amin ng magulang ko bago sila namatay. Kaya kailangan ko ang trabahong 'to kung tatanggapin n'yo ako. Pero kung hindi naman, ayos lang din. Maghahanap ako ng iba."

Mataman akong tinitigan ng lalaki, kapagkuwan ay nagsalita ito. "If I hire you, where can you see yourself after five years?"

Huminga ako nang malalim. "Still your secretary, Sir."

Satisfaction glimmered on his deep eyes. "Hmm... I'd like to see that." Pinindot ni Mr. Palma ang intercom, saka pinapasok ang kung sino mang sumagot.

Seconds later, a woman entered. "Yes, Sir?"

Sumulyap muna sa akin si Mr. Palma bago nagsalita.

"Send all the applicants home. May nahanap na ako."

Namilog ang mga mata ko. Hindi ako nakagalaw. Was that a yes?

"Totoo?! Tanggap na ako?! For real?!" Hindi ko napigilang hindi mapasigaw sa gulat.

"Yes," he shushed me. "Now stop shouting and order me two American breakfast in the restaurant two blocks from here."

Natigilan ako. My eyes widened. "Po?"

"Secretary kita, 'di ba?"

"Y-yes?"

"Then order me some breakfast." May inilapag itong ilang libo sa ibabaw ng mesa. " Pronto."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, gulat na gulat. "Maguumpisa na ako ngayon?"

"Yeah." He glanced at me. "Unless you want me to interview another applicant—

"No." Mabilis akong tumayo at pinulot ang pera. "On it, Sir."

Tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Go on. I-order mo na ako. Then go to the HR Department, sign your appointment contract and you'll start with paper works."

Ang lapad ng ngiti ko. "Thank you, Sir! Thank you so much!" I was not expecting this. "Thank you!" Tumango lang ito sa akin. "You're welcome."

Mabilis akong naglakad patungo sa pinto. Nang buksan ko iyon, akmang lalabas na ako nang marinig kong nagsalita si Mr. Palma.

"l like your hair," sabi nito. "Maybe you should try blue next month? Or maybe green?"

Natigilan ako sa sinabi niya at nilingon ko ang boss ko. "Thanks. I'll keep that in mind, Boss."

He smiled. "Go. Buy me a breakfast."

Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin, saka mabilis akong lumabas ng opisina nito.

I couldn't keep myself from grinning happily. May trabaho na ako. Sa wakas, may tumanggap na rin sa akin sa trabaho! And it looked like my new boss was a good man. I'd be happy to work for him. Very happy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status