Share

KABANATA 50

ATHENA'S P.O.V

Mahigit kalahating buwan na ang lumipas mula nang magsimula kami ni Justin sa mga session namin para matapos na ang libro. Halos tapos na rin iyon. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba habang iniisip ko ang pagpapakita ko sa kanya.

Maybe, it is just because I changed my appearance that much. Siguro at hindi lang ako sanay na makikipagkita ako sa kanya sa ganitong itsura, at hindi ko rin alam kung ano ba ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya na ang pagbabago ko.

Pero, teka. Why an I so worried about it anyway? Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa sasabihin niya tungkol sa itsura ko?

Natigilan ako sa biglang pagsulpot ng katanungan na iyon sa isip ko.

Oo nga, 'no? Kailan pa nga ba?

Hindi ko na lang pinansin iyon at nagbuntung-hininga na lang. At saka tumayo na para tapusin ang ginagawa kong pag-aayos.

Ang suot ko ngayong araw ay simpleng damit lang. Kung simple nga ba na matatawag iyon.

(Dress and appearance des
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status