Share

KABANATA 51

ATHENA'S P.O.V

"You looks exactly like my future girlfriend.”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na magagalit na mapopoot kay Justin nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

I look exactly like his future girlfriend, ha? Talaga? Baka kapag nalaman niya kung sino ako, eh, biglang mag-init ang puwit niya!

"O, ma'am, ha? Narinig niyo ang sinabi ni Sir Justin. You look exactly like his future girlfriend daw.” segunda naman ng guard sa tila nang-aasar pang boses.

"Sige lang, Kuya Manong. Sabayan mo lang iyang trip ng kulugong iyan at nang—”

"Wait… Athena?”

Kusa naman akong natigil sa panenermon kay Kuya Manong nang marinig ko ang mga inusal na iyon ni Justin.

D-Did he just call me by my name?

Oh, lala.

Hindi ko na sana siya papansinin at naghanda na nga rin ako na lumakad palayo pero bago ko pa nagawa iyon ay napigilan niya na ako.

"Shit. Namamalikmata ba ako? Tell me, I'm just mistaken. Hindi ikaw si Athena, tama ba?” sabi niya pa habang diretsang nakatitig sa mga mata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status