Share

CHAPTER 62

Nang makarating na sa kanilang tahanan ay sinalubong siya agad ni Aling Marie sa may tarangkahan.

“Mahirap bang sumakay iha natagalan ka ‘ata?” Usisa sa kanya ni Nanay Marie.

“Medyo po, nanay,” pasisinungaling niya dito.

“E, bakit namamaga ang mga mata mo?”Pansin sa kanya ni Nanay Marie.

“Wala po ‘to nanay,” sagot naman niya.

“Nasaan nga po pala si Loyd ‘nay Marie?” Tanong pa ni Loisa nang pagpasok niya ng bahay ay hindi niya napansin ang bata.

Hindi na muna nangulit pa si Aling Marie palagay niya ay hindi pa handa si Loisa na sabihin sa kanya kung ano ang totoong nangyari.

“Naku nasa kwarto sinamahan ang kanyang ama, naglalaro ‘ata ang dalawang ‘yon” sabi naman ni Aling Marie.

“Akin na nga ‘yang ibang dala mo, mukhang nabibigatan ka na ,e,” sabi ng matanda.

“Salamat po ‘nay Marie,”sabi ni Loisa.

“Ganon po ba, tutulunagn ko na lang po kayo nanay meron naman po palang kasama si Loyd,” sabi naman ni Loisa.

“O, siya segi nang matapos tayo agad,” sabi ni Aling Marie.

Makalipas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status