Share

Chapter Ten

  [ AMIEL ]

 - Sunday, February 13, 12:31 pm

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig at matigas na sahig habang nakaalalay ang aking kanang kamay sa ulo ko. Nakirot na naman kasi.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na naman malaman kung nasaan ako. Ang paligid ay nababalot ng dilim at ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang ilaw na mukhang mapupundi pa na nakapwesto sa tuktok ko.

Matapos suriin amg paligid, ang sunod ko namang napansin ay ang suot ko.

It's a... white uniform. Hindi lang ito basta kung anong uniporme, ito ang unipormeng naka-ugalian kong suotin noong nasa senior high pa ako.

Everything is the same, ang kulay ng pantaas at pambaba ko, maging ang ID ko ay nakasabit din sa leeg ko.

Looks like I'm back in high school, nostalgic.

Subalit hindi nagtagal ang sayang nararamdaman ko at agad itong napalitan ng takot at pagka-alerto nang may marinig akong kalabog mula sa likuran ko.

Narinig ko ang pagkaskas ng bakal na upuan sa sahig, dahilan para makabuo ito ng nakaririnding matinis na tunog.

Base rin sa tunog ng sapatos na gumagawa rin ng ingay sa tuwing ito' y tumatapak sa sahig, mukhang hindi sila nagi-isa.

Probably. 3 people? Marahil ay nasa tatlo pang.tao ang kasama ko rito ngayon.

Lalo lang nakadagdag sa takot ko ang panay na pagkurap ng ilaw sa ibabaw ko. Hindi ko rin kasi masilayan ang mga bagay na posibleng nakapalibot sa akin dahil sa sobrang dilim.

Tangina, parang nasa horror movie lang ako, ah?

"So, nasaan na siya?"

Bahagya naman akong napatalon sa kinatatayuan ko nang makarinig ng tinig na nagmula sa bandang kaliwa ko.

Dahil sa tahimik na paligid, ay umalingawngaw ang malalim, ngunit maamong boses na maaaring pagmamay-ari ng isang lalaki.

Shit, sino yon?!

"Ewan, probably with Amiel again."

Sa pagkakataong ito, ay nagmula naman sa kanan ko ang malakas, at matapang na boses, subalit bakas pa rin dito ang kalamyaan. Mukhang ito'y mula sa isang babae.

Subalit, ako? Nabanggit niya ang pangalan ko. What do I have to do with this?

I don't even recognize their voices.

"Oh yeah, lagi na nga pala silang magkasama," rinig kong tugon ng malalim na boses, na nasundan naman ng tawa ng hinihinala kong babae. "Yeah."

Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unting napa-atras habang yakap-yakap ang aking sarili.

Natatakot na ako.

Napatakip na lang ako sa aking bibig at napapikit dahil sa pagkagulat matapos makarinig ng panibagong kalabog mula sa harapan ko.

Sa pagkakataong ito, isang yapak lang ang naririnig ko, kaya' t kahit papaano ay nabawasan ang pagkabalisa ko.

"I saw them in the rooftop, they' re having a

date."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa narinig na sinabi ng panibagong boses na ito.

May pagka-demanding at dominant ang boses na ito, subalit masarap pa rin naman pakinggan sa tenga. Probably another woman.

Napapitlag na naman ako dahil sa nakabibinging sigaw na narinig mula sa dalawang iba pang boses.

"Weh?!"

"My gosh, improving ah!" masayang puna ng isa sa mga boses, na babae nga yata?

Dahil sa masayang tono sa mga boses na iyon, ay unti-unti nang gumaan ang loob ko at lumuwag na rin ang paghinga ko.

They're laughing and squealing right now, and it's kind of comforting.

Subalit hindi, hindi talaga ako pinagpapahinga ng paligid. Para bang hindi ako favorite ni Lord ngayon? Ayaw ako pagpahingahin, eh.

Ang kaninang takot at kaba na naramdaman ko, ay nadoble ngayon at unti-unti na ring nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa halo-halong emosyon na nabubuo dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa totoo lang, ay hindi ko na malaman kung ano talaga ang magiging reaksiyon ko sa mga nangyayari ngayon. Pwede na ako masuka dahil sa pagsasabay-sabay ng iba't ibang emosyon.

If the already dark place could get any darker, it definitely did. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na muling napapa-atras dahil sa pagkatakot.

Muli ko na namang narinig ang mga yapak nila, na para bang unti-unting lumalapit papunta sa pwesto ko.

I can't even do anything right now, aside from shaking in fear, Hindi ko rin naman yata magawang makakatakbo dahil sa panghihina at panginginig ng bawat parte ng katawan ko.

"Sadly, they can't be together."

Muling nabalot ng pagtataka ang mukha ko

matapos marinig ang malalim na boses na iyon.

Sinong tinutukoy niya? Ako ba? At ang.. kaibigan nila? Kami? Sino?!

"Yeah, sayang sila."

"If only Amiel could remember him."

Ang huling pangungusap na iyon ang huli kong narinig bago maramdaman ang presensiya nila na isa-isa nang naglalakad paalis.

Napasigaw naman ako sa sakit nang biglang kumirot ang ulo ko, sa sobrang sakit, ay napaluhod na lang ako sa sahig at mahigpit na nakahawak sa ulo ko, umaasang maibsan nito ang sakit na aking nararamdaman.

Tangina, ano ba 'ng nangyayari sa akin?!

---

"Amiel!"

"Ha?!" agad kong sagot at pinihit ang aking ulo sa bandang kanan ko, kung saan naka-upo si Axel.

"Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya at inilahad ang likod ng kaniyang kamay para hipuin ang aking noo.

Hindi ako sumagot, sa halip ay ilang ulit akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Dali-dali ko ring pinunasan ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko.

That- Nananaginip lang ba ako?

It felt so real. 'Yong takot, ang bawat emosyon. Maging ang sakit na naramdaman ko, parang totoo ito at naranasan ko talaga siya.

Tangina, dreaming while awake? Really? Tsk.

"Sir?"

Sabay naman kaming napalingon ni Axel sa pinagmulan ng boses na iyon, at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang isang babae na mukhang magkasing-edad ko lang.

"Oh, we're complete na pala. Sit down first and introduce yourself," saad ni Axel na itinutukoy ang bagong dating na babae, na siya rin namang ginawa ang sinabi nito.

Na-upo muna siya sa bakanteng upuan sa kaliwa ko, bago ako bigyan ng ngiti at nagsimula nang magpakilala. "My name is Joy, Joy Camama. I'm the fashion designer Mr. Axel hired for his event. Nice to meet you, Mr. Concepcion."

Parang kanina lang ay medyo lutang pa ako dahil sa nakakabobong panaginip' na iyon, subalit matapos marinig kung paano magpakilala si Joy, ay napangiti na lang ako.

Bihira lang ako makakita ng taong tulad niya. Her introduction is very formal, yet welcoming. Masarap ding pakinggan ang boses niya. May pagka-demanding and dominant vibes akong nararamdaman mula rito, pero may bakas pa rin ng malumanay na boses.

However, I noticed her eyes. Sa kabila ng malawak at nangi-imbita niyang ngiti, ay kabaliktaran naman nito ang ihinahayag ng kaniyang mga mata.

Para bang malungkot siya? O naaawa?

Ugh, shut up, Amiel. Ayan ka na naman, eh. Stop over-analyzing people's eyes.

"Nice to meet you too, Ms. Camama. I'm Amiel Concepcion, the event organizer for Mr. Axel's event." I introduced myself as I returned the same smile she gave me.

Sabay naman kaming napalingon kay Axel nang pumalakpak ito. "Okay then! Let's start the meeting na?"

The 3 of us sent a huge smile at each other. "Sure!"

---

 - Sunday, February 13, 6:51 pm

"Ugh! Ang sakit ng katawan ko!" pabulong na sigaw ko bago saglit na ibinaba ang mga gamit na buhat-buhat ko para lang mag-unat.

Paano ba naman? Nakasukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko na pagkabigat dahil sa laptop at ilang papeles na nakalagay dito. Isama mo pa ang bitbit kong folders gamit ang dalawa kong kamay.

Ugh! Gusto ko na agad maka-uwi!

Joke lang pala, nandito na ako sa tapat ng tinutuluyan kong dormitory eh, I just have to enter the building and ride the elevator paakyat sa 5th floor kung nasaan ang kwarto ko.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ko sa hagdan na nasa tapat din ng dormitory, ay muli kong binuhat ang mabibigat na dala ko at pumasok na sa loob ng building.

Grabe din, ah? Inabot kami na kami ng alas-sais y medya bago matapos sa meeting namin, kaya ngayon, gabi na rin ako umuwi.

Ang dami rin naman kasi naming pinag-usapan, may mga binago rin sa original plan. Ugh.

Pero ang importante ngayon, ay naka-uwi na ako at tapos na rin ang trabaho ko with my client. Makakapagpahinga na rin sa wakas!

Saglit naman akong napangiwi nang sumalubong sa akin ang malapit nang mapuno na elevator sa oras na bumukas ang pinto nito. Gayunpaman, isiniksik ko pa rin ang sarili ko dahil ayoko nang maghintay pa ng susunod na elevator.

Habang nasa loob at hinihintay na maka-abot ang lift sa floor na bababaan ko, ay abala naman ang isip ko sa paglipad at nakipag-usap na lang sa sarili ko.

All of a sudden, I remembered what happened earlier. Napapikit na lang ako dahil sa alaala.

Kaninang tanghali kasi, tulad ng nangyari kahapon ay nakita ko ulit si Kayden, at tulad din ng ginawa niya kahapon, inaya niya ulit ako na ihatid papunta sa café, dahil dadaan din daw siya roon.

Pero tumanggi ako, I honestly don't know why I did, kasi kung ihahatid niya ako means makakatipid ako, but I somehow don't want to be near him as much as possible. Kumbaga gusto ko muna siyang iwasan pansamantala.

Hindi ko rin alam ang dahilan, I just want to.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ewan.

But in contrast, kanina noong pa-uwi na ako, I kinda want to see him. I kinda expected him to be outside the café and he's there, waiting for me.

Again, hindi ko alam kung bakit. Bakit umaasa ako na nandoon siya para sunduin ako at ihatid pa-uwi sa amin? Ugh.

Pero haayan na, tapos na rin naman eh, tsaka I'm literally here inside the elevator na, bakit gugustuhin ko pa siyang sunduin ako? Hmp.

Makalipas ang ilang paghinto-hinto ng elevator dahil kailangang bumaba ng iba at may papasok din, sa wakas ay nakarating din ako sa 5th floor, which means makakapagpahinga na ako for real!

Nasa bandang dulo pa ng floor na ito ang kwarto ko, kaya kailangan ko pang maglakad ng medyo malayo-layo.

Subalit napakunot ang noo ko dahil sa nakita mula.sa malayo. Bakit parang may anino ng tao na nakatayo doon sa tapat ng kwarto ko?

What the fuck, ang creepy ah. Parang kaninang tanghali lang, nakakatakot din ang napanaginipan ko, tapos ngayon, ito naman?

Inis ko namang ipinadiyak ang paa ko, bago pabadog at mabilis na naglakad patungo sa kwarto.ko.

Bahala na, putangina! Gusto ko lang namang magpahinga! Kung multo man 'tong nakabantay sa tapat ng kwarto ko, itutulak ko na lang siya doon sa balkonahe sa kwarto ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status