Share

Chapter Nine

   [ AMIEL ]

 - Saturday., February 12, 12:51 pm

"Amiel."

Mahina akong napa-ungot bilang pagsasaad na ayaw ko pang gumising. Tsk, istorbo naman kasi.

"Wake up, nandito na tayo."

Hahampasin ko na sana ang kamay ng kung sinong umaalog sa balikat ko, nang makilala ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

Gayun pa man, hindi pa rin ako bumangon at natulog ulit. Joke lang, nagtulog-tulugan lang ako dahil curious ako sa kung ano ang gagawin ni Kayden kung hindi pa rin ako gumising.

It's childish, I know, at pwede rin akong ma-late sa meeting namin ni Mr. Villano, but I couldn't care less, hahayaan ko muna ang sarili ko na magpaka-isip bata ngayon.

"Amiel, huwag mong hintayin na buhatin kita papasok sa café."

Agad naman akong napadilat dahil sa bakas ng pagbabanta sa boses ni Kayden. What the fuck?

Unable to hold in my laugh anymore, ay humarap na ako sa direksiyon ni Kayden habang nakahiga pa rin. Nagpigil na lang ako ng tawa matapos Sumalubong sa akin ang mukha niyang halatang hindi natutuwa sa ginagawa ko.

"Oh yeah? Sige nga, do it," panghahamon ko sa kaniya, before sending him an oh-so-sweet smile of mine.

He heaved out a deep breath, habang sinundan ko lang siya ng tingin noong lumabas siya ng kotse. Looks like he got fed up with my bullshits.

Ang inaasahan kong gagawin niya ay iwan ako dito sa kotse at dumiretso sa loob ng café, subalit sa laking gulat ko, ay umikot lang siya sa harapan ng kotse at binuksan ang pinto sa passenger's seat, which is why he ended up in front of me.

Hindi ako nagsalita, walang nagsalita sa aming dalawa. He just stood there, probably waiting for me to come out.

At sa tinagal-tagal na pagtititigan namin, ay unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng pisngi ko because fuck, I completely forgot how attractive he is, lalo na ngayong mas malapit siya sa akin.

"K-Kayden?" bahagya naman akong napa-atras sa kinauupuan ko, kahit na wala na naman akong maa-atrasan, when he suddenly leaned down and brought his face closer to me.

Ngayon, pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang init at pamumula ng buong mukha ko. Paulit-ulit na rin akong lumulunok at himihigpit na rin ang hawak ko sa shoulder bag ko.

I nearly stopped breathing when he finally stopped leaning in, subalit nag-iwan naman siya ng ilang pulgada na pagitan sa aming dalawa, kaya I unconsciously grabbed his shoulders, trying to push him away.

Pero wala, mas malaki siya sa akin, at nanghihina na rin ako dahil sa mga ginagawa niya.

Shit, looks like he used uno reverse card on me.

Wala pa ring nagsasalita sa amin, at hindi pa rin inilalayo ni Kayden ang mukha niya sa akin. However, it seems like I can't tear away my gaze from him. Para bang hini-hypnotize niya ako gamit ang mga mata niya.

Hanggang sa..

"Kayden?!" pabulong kong sigaw nang bigla niyang isinusuksok ang ulo niya sa pagitan ng bewang at braso ko, habang inaangat niya rin ang mga hita ko mula sa upuan.

"What the fuck are you doing?!" not knowing his true intentions on why he's doing that, natatawa na lang ako dahil nakikiliti ako sa kamay niya na mahigpit na nakahawak sa hita ko.

Pero putangina, how did I ended up in this position?

"Kayden!" muli kong sigaw at paulit-ulit na hinahampas ang likod niya habang ipinapadyak ko naman sa ere ang paa ko.

"Huwag kang malikot kung ayaw mong bumagsak sa semento," muli niyang banta sa akin at mas hinigpitan ang hawak sa hita at baywang ko.

Tangina- talagang binuhat niya talaga ako!

I basically look like a sack of rice na nakapatong sa balikat niya. Ang mga braso at paa ko ay parang mga galamay ng pugita dahil sa kagustuhan kong makakawala. Ang shoulder bag ko naman ay naka-ipit sa tiyan ko kaya sa bawat galaw ko ay sumasakit ito, dahil para na nga akong sinasakal nito, at nakadiin pa ang tiyan ko sa balikat niya.

At hindi pa nakatulong na literal na nakabaliktad ang mundo ko dito. Lahat ng bagay sa paligid ay nakabaliktad, pakiramdam ko nga ay pati ang utak at sikmura ko ay nakabaliktad na rin.

"Ughhh," pagpaparinig na reklamo ko kay Kayden, nagbabakasakali na ibababa niya ako kung marinig niya na hindi ako komportable sa posisyon na ito.

Subalit kahihiyan lang ang natamo ko, dahil isa-isang nagtinginan ang mga tao sa paligid at itinuon ang kanilang atensiyon sa aming dalawa, kaya naman napatungo na lang ako at hinarap ang likod ni Kayden.

Paulit-ulit ko naman itong sinundot, dinamay ko na rin ang tagiliran niya. "Kayden, sorry na, ibaba mo na ako" ungot ko at itinigil na ang pagpupumiglas dahil wala rin namang kwenta.

Pero puta, wala pa rin, hindi niya pa rin ako pinapakawalan kahit na nakapasok na kami sa loob ng café at lahat yata ng tao rito ay nakatingin na sa amin.

Wala bang kahihiyan 'tong taong 'to?!

"Kayden?"

Due to curiosity, mabilis kong ini-angat ang ulo ko nang makarinig ng boses ng lalaki na tinatawag ang pangalan ng walang hiyang lalaki na to.

Akala ko ay kung sinong kakilala lang ni Kayden ang tumawag sa kaniya, subalit-

"What the fuck, you know him?" pabulong kong sigaw kay Kayden habang hinahatak ang dulo ng t-shirt na suot niya.

Ang taong tumawag sa kaniya, ay walang iba kung hindi si Mr. Villano! 'yong kliyente ko!

Why in the world do they know each other?!

At ang masama pa, ay nakatingin siya sa akin, at hindi ko malaman kung kinakaawaan niya ba ako, nawi-wirduhan siya, o natatawa. Probably all of the above.

Agad ko namang isinubsob ang mukha ko sa mesa nang sa wakas, ay ibinaba na rin ako ni Kayden at ini-upo sa upuan na katapat lang din ni Kuya... Axel? Can I call him that?

Pero shit, umiikot 'yong paningin ko at para bang masusuka ako dahil nga sa pagkakabaliktad ng katawan ko. Ugh!

Habang nananahimik naman akong nakatungo upang muling umayos ang lagay ko, ay narinig ko naman ang pagkaluskos ng upuan sa harapan ko na para bang may tao na umalis doon.

Hm, mukhang kinausap ni Kayden si Axel, ah? Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?

Matapos ang ilang minuto na pagtungo ko, ay sa oras na tumingala ako, tsaka rin bumalik sa pagkakaupo si Axel sa harapan ko. Tapos na silang mag-usap?

"Sorry, bigla akong umalis." Napakamot naman siya sa kaniyang batok at nagpakita ng maliit na ngiti.

"Okay lang. mukhang importante 'yong pinag-usapan niyo ni Kayden eh, besides, na-late rin naman ako ng dating dito," tugon ko at sinuklian siya ng ngiti.

Actually, hindi ko sure kung late ba talaga ako, pero bahala na. Ewan.

Nagkasalubong naman ang mga kilay ko nang bahagyang lumaki ang mga mata ni Axel matapos marinig ang sinabi ko. Bakit?

"Kayden? Kilala mo siya?" Sinundan ko naman ng tingin ang daliri niya na tinuturo si Kayden, na nakapila na upang um-order.

"Ah, yeah. Magkatabi lang kasi 'yong kwarto namin sa dormitory, but we just met yesterday," sagot ko at ibinalik sa kaniya ang tingin ko ."And I think, magkaibigan kami?" Nagaalangan ko pang dugtong.

Ang kaninang gulat na reaksiyon niya, ay napalitan ng pagkadismaya at... lungkot?

Despite of confusion, pinili ko na lang na isantabi ang mga tanong sa isip ko tungkol sa mga ekspresiyon niya at simulan na lang ang meeting namin.

"So, shall we start?" Napatingala naman siya sa akin, habang abala ako sa paglalabas ng laptop at mga kakailanganin ko pang mga gamit, mula sa bag ko.

He sent me a small smile, pero halata namang peke ito. "Yeah sure, pero please, magkakilala naman tayo so feel free to drop the formalities."

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. "I would love to, Axel" sagot ko na ikinatawa niya rin.

Time check, 1:34 pm, at ngayon lang namin sisimulan ang meeting. Napakasaya.

---

Bagot akong nakapangalumbaba habang muling binabasa ang mga sinulat kong important notes mula sa mga pinag-usapan namin ni Axel kanina.

It's currently 5:42 pm, natagalan talaga kami sa meeting kanina, since he wanted to make the event perfect. It's his band's first event daw kasi, so he wants it to be memorable for the members.

Na-una nang umalis si Axel, gusto niya pa raw kasing humabol sa rehearsal ng banda niya. Samantalang si Kayden, ay hindi ko man lang namalayan na umalis, hindi man lang kasi nagpaalam sakin o ano.

// Individual performances for each member, a special performance using the band's self-composed song, an interactive part of the event (to interact with the crowd), different kinds of genre used throughout the whole event. //

Iilan lamang ang mga ito sa na-itala kong mga notes mula sa meeting. Ang iba kasi ay tinatalakay ang tungkol sa kung ano-anong kanta ang gagamitin nila, ang magiging props o kasuotan nila para sa nalalapit na event.

Speaking of props and costumes, pinaki-usapan din ako ni Kuya Axel na mag-meeting ulit kami bukas, pero may kasama na raw kami. He will bring a fashion designer, makakatulong daw siya pagdating sa props and costumes.

Honestly, I'm kind of excited for this event, binabalak ko rin kasing pumunta.

Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 5:56 na. Tsk, maga-alasais na agad? Naabutan na ako ng gabi dito.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimulang ligpitin ang mga gamit ko dahil plano ko nang umuwi, subalit napatingala ako matapos makarinig ng mga ingay mula sa labas ng café.

"Putangina." Napamura na lang ako dahil sa nakita.

It's fucking raining. Napakagaling. Wala pa akong.dalang payong! Paano ako makaka-uwi nito?!

Padabog akong muling unupo at tumungo na lang sa mesa, at hindi na tuluyang niligpit ang mga gamit ko.

Magpapatila na lang siguro ako. Hays.

"Ah!"

Agad akong napadiretso nang upo at napatakip sa bibig ko nang makaramdam ako ng malamig na bagay na dumampi sa batok ko.

"Ingay mo." Tumingala ako at sinalubong ako ni Kayden na siyang inaabot sa akin ang hawak niyang iced coffee, bago siya dumiretso ng upo sa katapat na upuan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya bago humigop mula sa kape.

Kunot-noo siyang lumingon sa akin. "Why not? Tsaka lagi naman akong nadaan dito bago ako dumiretso nang uwi."

Napa-iwas naman ako ng tingin. "Okay then, salamat din pala rito," walang tinginan na sagot ko sa kaniya.

"Is that what you like?"

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?" Lingon ko sa kaniya.

"The coffee, I mean," pagk-klaro niya at sumandal sa upuan habang hinihintay ang sagot ko.

"Ah, O-Oo."

// Why the fuck am I stuttering?! //

"I actualy prefer iced coffee than hot, pero mainit na kape naman ang iniinom ko tuwing umaga, pampagising gano'n," sagot ko.

Saglit naman akong mariin na napapikit dahil sa pinaghalong inis at kahihiyan nang wala akong matanggap na sagot mula kay Kayden.

I'm blabbering shits here, tapos hindi man lang siya sasagot?! Kainis!

"Paano ka nga pala makaka-uwi?" Taka akong napatingala dahil sa tanong niya.

Tsk, bakit niya naman natanong? Ihahatid niya ba ako pa-uwi or something?

"Papatilain ko muna yong ulan, then uuwi na ako."

At tulad nga ng inaasahan ko, hindi na naman siya sumagot, kaya naman ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa pag-inom ng kape.

Masarap! I'm considering na ito na lang lagi ang oorder-in ko kapag napapadaan ako dito.

Halos masamid naman ako sa iniinom ko nang makita ko si Kayden na isa-isa nang nililigpit ang mga gamit ko. He even snatched my shoulder bag!

"What are you doing?!" pabulong kong sigaw sa kaniya at hinawakan ang braso niya, sinusubukang pigilan siya sa ginagawa niya, pero hindi niya naman ito ininda.

"Tumayo ka na diyan, I'm taking you home." Matapos niyang walang paalam na ligpitin at kunin ang mga gamit ko, ay dire-diretso siyang lumabas ng café matapos sabihin ang mga katagang iyon.

What the- He didn't even wait for me!

Paglabas ko ng café ay hinihintay na ako ni Kayden. Nakatayo siya sa gilid ng pinto, bitbit ang mga gamit ko, at nakapamulsa. Halatang bagot na bagot eh, tsk.

Patakbo naman akong lunapit sa kaniya at akmang kinuha ang mga gamit ko. "Akin na 'yan-"

"No, ako na magbibitbit," putol ni Kayden sa sasabihin ko at iniwas ang bag ko mula sa akin.

What the fuck?!

Tahimik siyang nagsimula nang maglakad patungo sa parking lot, kaya naman sinundan ko na lang siya at pilit na sinusubukang isiksik ang sarili ko sa tabi niya. Nababasa ako eh! Hindi niya naman hinahawakan nang maayos 'yong payong!

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi nang magtama ang aming mga balikat. Hindi ko alam kung bakit, pero unti-unting umiinit ang pisngi ko dahil sa naganap.

Why am I feeling this way?! Bakit?!

Nagpakawala ako ng buntong-hininga, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Ngayong medyo kumalma na ako, ay napunta kay Kayden ang aking atensiyon.

He's... unusually quiet today. Dumadagdag 'yong pagiging cold niya sa akin sa malamig nang panahon, eh.

Sa kabila ng ilang minuto na nakalipas, ay wala talagang usapan na nagaganap sa aming dalawa, kaya naman ako na ang naglakas-loob na magsimula ng conversation.

Hindi ko rin alam kung bakit ko "to ginagawa, since ano naman ngayon kung hindi kami nag-uusap? Pero ewan, it makes me feel uneasy and... empty? Sa tuwing hindi kami nagpapansinan o ano.

"How about you, Kayden?"

I mentally face-palmed myself dahil sa tanong na lumabas sa bibig ko. Sa dinami-rami nang tanong na pwedeng itanong. yon pa talaga?1 It doesn't even make sense!

Magkasalubong ang mga kilay niya na lumingon siya sa akin. "Ha?"

"S-Sa coffee, I mean. What do you prefer?"

Putangina, Amiel, you're better than this.

Ang kaba at kahihiyan na nararamdaman ko kanina, ay unti-unting natatabunan ng pagtataka dahil una, hindi agad siya nakasagot at pangalawa, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.

Then he suddenly looked away. "And why do I have to tell you?" tila ba may bahid ng pang-aasar ang mga kataga niyang iyon.

Tsk, ngayon naiinis naman ako. "Why not? Sinabi ko sa yo yong akin eh, so sabihin mo rin yong sa yo. Let's get to know each other, kumbaga."

I think that's enough to convince him, 'no?

Napabuntong-hininga na lang siya. "I prefer tea than coffee," sagot niya bago buksan ang pinto ng kotse at ipinasok ang bag ko doon, itinulak niya na rin ako papasok ng sasakyan.

Napakurap na lang ako. Ang dami kong gustong i-reklamo kaya hindi ko na alam kung ano ang magiging ekspresiyon ng mukha ko.

Una, napaka-ikli ng sagot niya sa tanong ko. Pangalawa, basta niya na lang ako itinulak papasok ng kotse, like, pwede niya naman akong sabihan nang maayos na kailangan ko nang pumasok?!

Kaasar! Argh!

Once he entered the car, I sent him a death glare, pero parang wala naman siyang pake, hindi niya nga yata napansin na sinasamaan ko siya ng tingin, eh.

Ah, ewan! Bumabalik na naman 'yong inis ko sa kaniya!

Dahil kanina ko pa tapos isuot ang seatbelt sa sarili ko, ngayon ay hinihintay ko na lang siyang matapos ang pagsusuot niya ng seatbelt niya para maka-arangkada na kami.

Hanggang sa may bigla akong naalala. Light bulb moment, oh my gosh.

I had this certain question I always wanted to ask him, ever since nagkakilala kami that day- I mean, night. Gabi kami nagkakilala, yeah.

"Kayden, may itatanong pala ako sa 'yo," wika ko. Nakita ko naman siyang bahagyang napa-urong sa kinauupuan niya pagkatapos ko magtanong. Nabigla siguro siya, sobrang tahimik ba naman namin dito eh, tapos biglang may magsasalita?

"What is it?" tugon niya habang abala sa pags-start ng kotse.

"Nagkakilala na ba tayo dati? You seem familiar kasi, eh."

There, I finally said it. The thing that has been bothering me since the night I met him.

I kind of know the answer na, but I want a concrete answer para matigil na ang pamumuo ng iba-iba at sandamak-mak na tanong sa utak ko.

"No? Ngayon lang din kita nakilala, eh," diretsong sagot niya at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

Kumunot ang noo ko dahil sa sagot na natanggap, ay. Hindi pala sa sagot ang nagpa-intriga sa akin, kung hindi ang inasta niya matapos kong bitawan ang tanong na iyon.

When I asked the question, he seemed taken aback. Nagulat siya, nabigla, na para bang kailan man ay hindi niya inaasahan na itatanong ko ang bagay na iyon sa kaniya.

At noong sumagot siya, bahagyang nanginginig ang balintataw ng mata niya, na para bang kinakabahan siya at nagdadalawang-isip sa kung ano ang isasagot niya.

Ano ang ibig sabihin ng lahat nang ito?

Dahil hindi pa ako satisfied sa naging sagot niya, ay napagdesisyunan kong magbigay ng follow-up question.

"Pero, bakit noong-"

Agad naman akong napatakip sa magkabilang tenga ko nang biglang kumulog nang malakas, na nasundan din ng mabigat na buhos ng ulan.

Shit, that scared me.

"Amiel, are you okay?" Napatango na lang ako bilang sagot sa tanong ni Kayden. Hindi na ako makapagsalita dahil sa matinding gulat.

"By the way, are you saying something?"

// Oh. //

Right, I had a question to ask him.

Tsk, 'wag na lang.

Nakangiti akong umiling sa kaniya. "No, wala."

Maybe this is the sign. He's really saying the truth, including the thing he said after saying my name that night.

/ "N-No, akala ko kasi ikaw 'yong kaibigan ko." /

Baka ako lang ang mali, ako ang nago-overthink.

After all, maybe, my mind is just deceiving me, my mind is just making up things, my mind is just mistaken.

Baka nga hindi talaga kami magkakilala dati, na pinaniniwalaan kong sadyang nakalimutan ko lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status