Share

Chapter Eight

 [ AMIEL ]

 - Saturday, February 12, 5:43 am

// "Please introduce yourself in front of the class."

Huh? Introduce? Class?

Kunot-noo akong napadilat at napag tanto na nakatungo pala ako kaya hindi ko makita ang nangyayari sa paligid.

Sa oras na itinaas ko ang ulo ko at ito 'y inilibot sa loob ng misteryosong kwarto na kinaroroonan ko, ay sinalubong ako ng bagay na hindi ko inaasahang makita.

Malakas na hangin ang pumasok mula sa mga sira at maruming bintana, dahilan para tangayin kasabay nito ang mga punit-punit na kurtina na kinapitan na rin yata ng alikabok.

Bumaba naman ang tingin ko sa kinauupuan ko, at napangiwi na lang matapos makarinig ng tunog mula rito. Bahagya ko pa nga itong ginalaw at muntik na akong mahulog.

Tsk, sira at kinakalawang na rin ang upuang ito.

At ang huling bagay na nakapukaw ng atensiyon ko, ang blackboard sa harapan na may naiwan pang mga bakas ng chalk.

Lahat ng mga nakikita ko rito ay ipinapahiwatig sa akin na nasa loob ako ng isang silid-aralan. Isang classroom na napabayaan at tuluyan nang nakalimutan.

Subalit ang ipinagtataka ko, ay bakit walang ibang tao sa loob ng silid na ito? Tanging ako lang ang naririto.

Dahil sa mga bagay na hindi ko maintindihan, na dahilan rin kung bakit unti-unti na akong natatakot, ay napagdesisyunan kong tumayo na lang sa kinauupuan ko at tumungo papunta sa pinto, palabas ng silid na ito.

Subalit bago ko pa man mai-apak ang paa ko sa labas ng kwarto, ay nakarinig ako ng pamilyar na boses na nagmula rin sa loob ng classroom.

"Hi, Amiel."

Halos lumabas naman sa katawan ko ang aking puso nang sumalubong sa akin ang isang matangkad na lalaki pagkalingon ko sa teacher's table.

Matangka siya, magulo ang buhok at maging ang polo niya ay hindi nakabutones nang maayos. Nakaupo rin siya sa isang lumalangitngit na upuan.

Sandali. Pamilyar siya, ah?

Inilabas ko ang aking hintuturo at saka ito itinuro sa kaniya. Kunot-noo ko rin siyang tiningnan. "K-Kayden?"

Hanggang dito ba naman...

Ang kaninang diretso at walang ka-emo-emosiyon niyang mukha, ay unti-unting nabahiran ng ngiti.

Nakangiti siya. Nakangiti siya sa akin.

"Nice to meet you, I'm Kayden-"

Ha?!

Napuno ng pag tataka ang aking mukha dahil sa kasalukuyang inaasta ng Kayden na nasa harapan ko.

Nabuka at nagalaw ang bibig niya, oo, subalit wala naman akong marinig na mga salita na lumalabas sa bibig niya.

"Ano ba 'ng pinagsasabi mo?!" //

---

Tahimik akong na-upo sa kama ko. Ilang beses din akong kumurap habang magkasalubong ang mga kilay ko.

Inilipat ko naman ang aking kanang kamay sa dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko.

Bumabalik na ulit sa normal, mabuti naman.

Kanina kasing pagkagising ko mula sa sadyang nakapagtataka na panaginip na iyon, ay sobrang lakas ng kabog nito na para bang maging ang buong katawan ko ay sumasabay sa pagkabog nito.

Kayden... at ang panaginip na iyon. What does it mean?

Nasa loob ako- kami, ng classroom. Walang ibang tao, mukhang luma na rin ang silid na iyon. Sinubukan niya ring magpakilala sa akin, subalit nabigo kong maintindihan ang sunod na mga sinabi niya dahil hindi ko na siya marinig.

Tangina? May dapat ba siyang ipa-alam sa akin kaya ko siya napanaginipan? Pero bakit hindi ko maintindihan o marinig ang mga sunod niyang sinabi?

Argh! Ito na naman tayo, eh!

Tsaka lang ako napatigil sa pag-iisip nang bigla kong maalala ang isang napakahalagang bagay.

Ngayon nga pala 'yong meeting ko with Mr. Villano!

---

 - Saturday, February 12, 12: 13 am

Bagot kong pinaglalaruan ang phone ko habang naka-upo sa sofa. Tumingala naman ako at inilipat ang aking tingin sa orasan upang tingnan ang oras.

12: 13.

"Urgh," reklamo ko at isinandal ang aking ulo sa sandalan ng sofa.

Me and my client, si Kuya Axel, decided to meet up at Café de Resto, at exactly 1 pm, para mapag-meeting-an ang tungkol sa event na isasagawa niya nga para sa nalalapit na holiday.

But now that I thought about it, pwede ko ulit na makita si Kayden doon, doon siya nagt-trabaho eh.

Habang tinitingnan ang screen ng phone ko at naghihintay ng kahit-anong message mula kay Axel, ay hindi ko namamalayan na unti-unti na pa lang kumukurba pataas ang magkabilang gilid ng aking labi.

Napakunot ang aking noo at agad na tinampal ang bibig ko.

What the fuck am I smiling for?

Dah ba sa na na-realize ko na pwede ko ulit makita si Kayden?!

"What the fuck.." hindi makapaniwalang saad ko. Ano nang nangyayari sa akin? 

Ah ewan, aalis na lang ako nang maaga para ma-distract ko ang sarili ko at, wala namang problema kung pupunta ako nang maaga doon 'di ba?

Matapos ang ilang minutong pagtunganga sa sofa, tumayo na ako mula rito at tumungo palabas ng pinto.

At bago pa man ako tuluyang makalababas, ay napatigil ako at hindi maiwasang mapatawa nang may maalala mula sa nangyari kahapon.

"Baka may eco bag na naman na sumalubong sa akin ngayon, ah." Natawa na lang ako sa aking sarili dahil sa sinabi ko.

Pagkabukas ko nga ng pinto, ay talaga namang umasa pa ako na may makikita akong eco bag na nakasabit sa doorknob, subalit napatungo na lang ako sa pagkadismaya nang wala akong nakita na kahit anong nakasabit sa doorknob.

Hmp, why am I even looking forward to that? Tapos na rin naman akong kumain, eh.

"Uh-huh, sige na! Papunta na nga ako diyan, eh. Tsaka pwede, patahimikin niyo si Prince tsaka si Felix?"

Na-estatwa naman ako sa kinatatayuan ko matapos kong isara ang pinto, nang muling makarinig ng isang pamilyar na boses at tawa na nagmula sa katabi ko lang na kwarto.

"Kayden," mahinang tawag ko sa pangalan niya at agad naman siyang lumingon sa akin, bago ako bigyan ng malawak na ngiti.

Shit, nakakatunaw naman.

There he stood, in front of his room, with a phone next to his ear. May bitbit din siyang parang case? Pero hindi ko malaman kung ano ang posibleng laman noon. Manipis lang naman ito at medyo mahaba. Huh?

"Hmm, bye na kasi, and pasabi na rin pala sa kanila, especialy kay Zake, na medyo matatagalan ako bago makarating diyan."

Hm? Sino yong kausap niya? Probably his Co-worker?

"Bakit kamo? Heh, wala na kayo doon. Bye na nga!" bahagya akong napatawa matapos niyang sigawan ang phone niya bago tuluyang ibaba ang tawag.

"Good morning!" masiglang bati niya, bago nagsimulang maglakad patungo sa kung nasaan ang elevator. Sumabay din naman ako sa kaniya.

"Good morning din," sagot ko at napatango na lang nang muli siyang tumingin sa akin. Hindi ko rin namalayan na unti-unti pa lang bumabagal ang paglalakad ko, dahilan para mahuli ako nang ilang pulgada sa kaniya.

Hmm, it's better this way naman. Hindi ako sanay na may kapantay ako maglakad, mas gusto ko na may sinusundan ako, because that makes me more comfortable and protected.

"Amiel? Amiel!"

"Ha?" nanlalaki ang mga mata ko na tumingala kay Kayden, na siyang nagaalalang nakatingin sa akin.

"Are you okay? You're zoning out."

Ah, shit, he saw me? "O-Oo! Ayos lang ako," kabado akong napatawa matapos sumagot.

Dahan-dahan siyang tumango, na para bang nagdududa pa siya sa sinabi ko. "Okay then, at bababa ka ba? Andito na tayo sa elevator, eh," saad niya habang tinuturo ang elevator na nasa tapat na namin.

Oh, so para lang akong tanga kanina na sunod nang sunod sa kaniya?!

"Ah, yeah! May pupuntahan din kasi ako eh," sagot ko bago agad na pumasok sa loob ng elevator, bago sumunod si Kayden.

Sa oras na sumara na ang pinto ng elevator, kasabay ng pagpindot ng ilang buttons ni Kayden, at ang unti-unting pagbaba ng sinasakyan namin. Para bang may ala-ala na namang bumalik sa uta ko. As if I encountered this scenario already.

"Pwede bang matanong kung saan ka pupunta?" Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kayden sa kalagitnaan ng nakabibingi naming katahimikan.

"Oh, doon lang sa café na pinagt-trabahuhan mo, may im-meet kasi akong client," sagot ko sa kaniya habang napatango na lang siya.

"Eh, i kaw? Saan ka pupunta?"

"Oh, just gonna drop by the café, then im-meet ko na 'yong mga kaibigan ko." Napatango na lang ako matapos marinig ang sagot niya.

And there it is, the awkward silence.

Subalit nagkakamali pala ako, hindi pa pala tapos ang usapan namin.

"And if you don't mind, gusto mo ba na sabay na tayong pumunta doon? Ihahatid na kita."

Mabilis akong lumingon sa kaniya, at ang mukha ko na hindi na maipinta dahil sa hindi mo malamang ekspresiyon na ginawa nito, epekto ng matinding pagkagulat.

"What?!"

---

How did I.. ended up here again?

Nasa loob ako ng sasakyan ni Kayden, at the passenger's seat, the same car I rode noong hinatid niya ako pa-uwi.

Bigla ko namang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko, kaya agad ko itong tinakpan ng kamay ko. I'm blushing?!

"Amiel."

"Ha?" gulat kong sagot at mabilis na nilingon si Kayden, na mukhang nagulat din sa ginawa ko.

"I- Are you uncomfortable?" Napakurap na lang ako dahil sa tanong niya, napansin ko rin na medyo humigpit ang hawak niya sa manibela.

"H-Hindi naman, but it looks like you're the one who's nervous," tatawa-tawang puna ko na ikina-iling niya na lang.

"Hindi naman sa ganoon, but do you want to turn on the radio? Para naman medyo nabawasan ang awkwardness natin."

"Yeah, sure," sabay kaming napatawa dahil sa kung gaano ka-awkward ang ina-asta namin, pati na rin kung paano kami makipag-usap sa isa't isa.

And the fact that, hindi ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa kotse niya, at hindi niya ako nakasama sa loob ng isang kotse.

So what are we so nervous for?!

Tulad nga ng sinabi ni Kayden kanina, ay binuksan ko na ang radyo at inilipat ito sa istasyon na may magagandang kanta na mapapakinggan.

// "Everybody, loves somebody, somehow." //

What the actual fuck..

A love song?! At sa kalagitnaan pa talaga ng umaga?!

Kabado nanan akong lumingon kay Kayden, and I swear, nakita ko siya na ngumiti, subalit agad din itong nawala at para bang wala siyang pake sa narinig na kanta.

Did he really smile? O namamalik-mata lang ako?

"T-I'm changing the station," usal ko.

"Go on."

//"Darlin'I, will be lovin' you 'til we 're seventy, and baby, my heart-" //

Putangina-

"Ililipat ko ulit."

"Go on," pakanta pa niyang saad.

Argh! Inaasar niya ba ako?!

// "Iibigin kita, kahit gaano pa katagal, Tumingin ka sa king mga mata, at hindi mo na kailangan pang magtanong nang paulit-ulit-" //

Oh.

Napangiti ako.

A tagalog love song.

"Ikaw lang ang iniibig," sinabayan ko na ang kanta na tumutugtog mula sa radyo. I even held my hand against my chest, and started singing my heart out, na para bang nasa concert ako.

// "At kung 'di kumbinsado'y magtiwala ka, hawakaan mo ang puso't maniwala na-" //

"Ikaw lang ang s'yang inibig," muli kong pagkanta, subalit sa pagkakataon na ito, ay nanlaki ang mga mata ko matapos marinig na nakikisabay din pala si Kayden sa pagkanta.

Sa maikling linya na iyon, narinig ko kung gaano kaganda ang boses niya kapag kumakanta siya.

I mean, just by speaking. mahahalata na agad na maganda talaga ang boses niya, subalit ngayong narinig ko na talaga ang boses niya kapag kumakanta siya? Ay putangina-

His voice has this deep, yet very soothing voice. It's kind of raspy too, but that's the one putting flavor on his voice. At kahit na medyo walang effort ang pagkanta niya, he's still hitting every note right.

Fuck

"Amiel?"

"H-Ha?!" sa hindi na mabilang na pagkakataon, muling tinawag ni Kayden ang pangalan ko upang makuha ang atensiyon ko.

He let out a chuckle, "You seem to be zoning out again, ayos ka lang ba talaga?"

Paulit-ulit akong tumango bago umiwas ng tingin sa kaniya, upang maitago ang namumula kong mga pisngi. "Oo nga, may iniisip lang talaga ako."

// Ikaw. //

What?! Siya?!

Muli siyang tumawa, bago ko marinig na pinatay niya na pala ang radyo at muling ifi-nocus sa kalsada ang atensiyon niya.

So ayon, kasabay ng pagpatay niya ng radyo, ang pagdurusa namin sa kalagitnaan ng napaka-awkward na sitwasyon sa loob ng kotse. Ni wala sa amin ang naglalakas-loob na magsimula ng conversation.

Naka-cross arms ako na sumandal sa headrest ng inuupuan ko.

Hayaan mo na nga! Titiisin na lang namin to hanggang sa makarating kami sa cafè!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status