Share

Chapter Seven

 [ AMIEL ]

 - Friday, February 11, 6:30 pm -

"Kayden, aray naman!" daing ko habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ni Kayden sa braso ko, subalit nabigo rin ako dahil mas malakas talaga siya sa akin.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang ungot na lumabas sa bibig ko. Nararandaman ko na rin ang mga luha na nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.

Sobrang sakit na kasi!

Bago pa man ako muling makapagreklamo at paki-usapan si Kayden na pakawalan ako, ay marahas na niyang tinaggal ang pagkakahawak sa braso ko nang makarating kami sa tapat ng kotse niya na naka-park sa parking lot na nakapwesto lang sa gilid ng pinagt-trabahuhan niyang café.

Tahimik lang akong nakatayo sa harapan niya habang hinihimas ang braso ko na may bakas pa ng kamay niya, nagsasabi kung gaano kahigpit ang kapit niya sa akin.

Walang palitan ng salita sa pagitan naming dalawa, kahit na hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya dahil nakatungo ako, ay nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin. Dismayadong nakatingin sa akin.

Dahil sa ilang pulgada naming pagitan pagdating sa tangkad, he's basically looking down at me, and it makes me feel so small. Para akong anak na pinapagalitan ng magulang niya matapos nitong gumawa ng maling bagay.

Agad naman akong napatingala sa kaniya nang abutin niya ang pinto ng kotse at tsaka ito binuksan. "Get in."

Napakurap ako. "Ha?" Tingala ko sa kaniya.

Bahagya naman akong napa-atras matapos niya akong titigan nang masama. "I said, get in, bingi ka ba?" paguulit niya.

Alam kong this is not the right time to laugh, pero matapos marinig ang sinabi niya ay pilit kong pinigilan ang pagtawa ko.

I sent him a small smile. "Bakit? May balak ka bang kidna-"

"I said, get in," muli niyang saad na siyang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang sasabihin ko. It's the same sentence as earlier, but it's definitely more firm and stern.

Brr, ang cold naman. Team leader ako at ako ang kadalasang nagbibigay ng instructions, sa buong buhay ko bilang adult, ngayon lang ako nakaramdam ng takot matapos utusan ng isang tao. Kahit ang Director kasi namin ay bihira lang magalit sa amin.

Nakakakilabot.

Napalunok na lang ako at agad na sinunod ang sinabi niya, tahimik akong pumasok sa kotse at na-upo sa passenger seat at nanatili roon habang hinihintay na pumasok din siya.

Matapos ang ilang kalabog na narinig ko mula sa labas ng kotse, na sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan nanggaling, ay pumasok na rin si Kayden at na-upo sa driver's seat.

Sa laking gulat ko, nag-iba na ang ekspresiyon ng mukha niya ngayon kumpara kanina. Poker face na lamang ito, mukhang masungit pa rin, pero mukhang hindi na siya galit.

Umihip siya ng malalim na hininga, tsaka niya rin ito ibinuga at lumingon sa direksiyon ko. "Amiel, why the fuck did you do that?"

Matapos lumabas sa bibig ni Kayden ang matigas at may diin na mga katagang iyon, ay hindi ko mapigilang mapa-ihip ng hininga dahil sa kung paano niya binitawan ang tanong na iyon.

Dahil gabi at madilim na, hindi rin naman nakabukas ang ilaw sa loob ng sasakyan, at kakaunting sinag lang mula sa streetlights ang nakakapasok sa loob ng sasakyan, ay hindi ko magawang makita o siyasatin man lang kung ano ang sinasabi ng mukha niya ngayon.

Malay ko ba, sa kabila ng kalmado ngunit may bahid pa rin ng galit sa boses niya, baka ang mukha niya ay namumula na sa matinding pagpigil ng emosyon niya.

"Huh? Bakit mo ginawa yon?" muling tanong niya.nang lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nasagot at nanatiling naka-iwas ang tingin sa kaniya.

Fuck, kinakabahan na talaga ako pero, may parte rin sa loob ko na gusto siyang asarin at inisin.

Alam ko rin namang hindi ito ang tamang sitwasyon upang gawin iyon, but it wouldn't hurt to try, right? Tingnan natin kung hanggang gaano siya tatagal nang hindi ako ginagantihan o sisigawan dahil sa galit.

Let's see how much he will last staying calm like that.

Sa wakas ay lumingon na ako sa kaniya at nakita ang mga mata niya na para bang umiilaw sa kabila ng madilim na paligid. "Bakit? Are you that concerned for-"

"Amiel, tangina."

Tulad ng kanina, napakurap na lang ako nang putulin niya ang pangungusap ko at pinanood lang siya na tumungo sa manibela at hindi na muling nagsalita pa.

"T'm asking you, what the fuck did you do that?"

I'm literally holding back a laugh right now. "D-Do, what?"

Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nang bumangon siya mula sa pagkakatungo bago malakas na hampasin ang manibela, tsaka niya mabilis na inilihis ang tingin niya papunta sa akin.

"That! 'Yong bigla ka na lang patakbong tumawid sa kalsada para lang puntahan ako doon sa sidewalk! Hindi mo pa nga tinitingnan 'yong paligid mo kung meron bang sasakyan na posibleng humaharurot papunta sa'yo, eh!"

Mukhang hindi na siya nakapagtimpi at sumabog na. Sinigawan niya na ako eh.

"Paano kung bigla kang nasagasaan, ha?" Napatungo na lang ako dahil sa sunod niyang sinabi.

Nasagasaan na nga ako eh, pero nasa loob ako ng sasakyan kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon.

Tsk, it's not like he knows that.

"I'm sorry, wala naman kasing sasakyan nung tumawid ako eh," mahina kong sagot habang pinaglalaruan ang mga dulo ng suot kong polo.

"Kahit na! That's still dangerous," Nanlaki naman ang mga mata ko bilang reaksiyon nang sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan matapos sabihin ang pangurgusap na iyon.

Gago, wait, nagp-panic ako.

Paulit-ulit ko siyang tinatampal sa balikat. "H-Hoy. saan mo 'ko dadalhin?!"

He gently removed my hand on his shoulder and patted my thigh, na siya namang nagpagulat sa akin. "Shush, 'wag ka mag-alala, hindi kita ki-kidnapin, we're just gonna eat dinner."

Eh? Dinner?

Matapos marinig ang paliwanag niya, pumirmi na ako ng upo at ihiniga na lang ang ulo ko sa headrest. "Dinner? Okay, hindi pa rin naman ako nagha-hapunan eh," sagot ko.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko siyang tumango. "Yeah, hindi ka pa kasi nakaka-uwi eh, so I figured out that you didn't had your dinner yet."

'I figured out,' Mahina naman akong napatawa matapos muling marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya.

"Heh, you figured out, huh? You love figuring out things, don't you?" mapang-asar ang tono ko na saad sa kaniya. Lumingon naman ako sa direksiyon niya at nakitang nakakunot ang noo niya.

"Ha? What makes you say that?"

Umayos ako nang upo. "Nung gabi na pumunta ako sa tapat ng kwarto mo para i-reklamo 'yong ingay galing sa kwarto mo, sinabi mo rin 'yon, eh."

"Ahh, okay," sagot niya at napatawa na lang din habang natango-tango.

Matapos ng tugon niyang iyon, ay namagitan na ang katahimikan sa aming dalawa. Walang nag-uusap walang nagsisimulanng panibagong topic, subalit wala ring awkwardness.

Upang maibsan ang pagkabagot na nararamdaman ko dahil sa tahimik na paligid, ay nagsimula nang libutin ng paningin ko ang paligid.

Si Kayden, na abalang nagmamaneho ay tahimik lang na pinapatakbo ang sasakyan sa normal na bilis. Angg kamay lang din ang gamit niya sa manibela, habang ang kanang kamay niya ay nakapatong lang sa hita niya.

Lumingon naman ako sa likuran at sinalubong ako ng mga unan at kumot na maayos na nakasalansan. Mayroon ding dalawang neck pillows na nakasabit sa upuan.

Samantalang ang kabuuan ng sasakyan niya ay nakapalinis, na para bang bagong bili lang ito.

"Ano? Ayos ba 'tong sasakyan ko?" Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kayden. Napangiti na lang ako at muling ihinilig ang ulo ko sa headrest.

"Oo, ang linis at ang ayos, parang bagong bili lang," sagot ko na naka-ani ng bungisngis sa kaniya.

"No, sadyang malinis lang akong tao."

"Edi sana ol, magmaneho ka na nga lang diyan" medyo bitter na sagot ko sa kaniya at tsaka tumingin sa labas ng bintana.

"Yes po, Sir!"

---

 - Friday, February 11, 7:41 pm -

"Welcome to Rex's Taurant!"

"Salamat, good evening na rin."

Hindi ko na nagawang batiin pa pabalik ang security guard na siyang nagbukas ng pinto para sa amin dahil abala ang mga mata ko sa paglingon sa paligid at hindí maiwasang mapanganga na lang sa kung gaano kaganda ang interior design ng restaurant na ito.

At my gosh, ang witty din ng name. Rex's Taurant.

Rex ba ang pangalan ng may-ari nito, or it's just for the sake of the rhyme?

"Uy, Amiel." Nakaramdam ako ng magaan na tapik sa bewang ko at mabilis kong nilingon si Kayden na parang concerned na concerned sa akin.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa nakatunganga," tatawa-tawang tanong niya bago hawakan ang pulsuhan ko at hinila ako papunta sa isa sa mga bakanteng mesa.

"Ayos lang, sadyang nagandahan lang ako sa interior design ng restaurant na 'to," sagot ko at na-upo na sa pwesto sa tapat ng inupuan niya.

Tungkol sa interior design na kanina ko pa hindi mai-alis ang tingin ko, marami at iba't iba ang kulay na nakapintura sa loob at labas ng establisyemento, subalit different shades of brown ang nangingi babaw. Kaya naman may vibes ng restaurant na 'to na para bang nasa vintage house ka.

Speaking of vintage house, ang mga upuan at mesa na ginamit dito ay puro gawa sa kahoy, halos lahat nga ng bagay dito ay gawa sa kahoy. Mula sa sahig, sa hagdan na patungo yata sa second floor ng restaurant, hanggang sa counter.

Wow, napakaganda, ang sarap sa mata.

"Hoy!" Napapitlag naman ako nang tampalin ni Kayden ang kamay ko. "Parang sa design pa lang ng restaurant, busog na busog ka na," pangaasar niya.

Napatawa na lang ako.

"What do you want to eat?" tanong niya kaya naman inilipat ko ang aking tingin sa menu na nakalapag sa mesa namin.

Wow, they do have different kinds of recipes.

"I'I have this, tapos water na lang for the drink," sagot ko habang tinuturo ang panglima na nakalista sa menu, Tocilog.

"Okay then, wait here, ako na ang o-order." Tumango na lang ako tsaka siya tumayo at pumila na sa counter.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at nangalumbaba habang bagot na sinusundan ng tingin si Kayden na kasalukuyan nang umo-order. Kakaunti lang kasi ang mga tao kaya hindi ganoon kahaba ang pila.

It's quiet, ang mga tunog lang ng kubyertos na gumagasgas sa plato ang maririnig mo, na sinamahan din ng mahinang buga ng malamig na hangin galing sa aircon.

Hanggang sa makuha ng isang matinis na boses na nagmula sa isang babae galing sa likod ng counter ang atensiyon ko.

"Gago, Kayden! Long time no see!"

Agad na nagkasalubong ang mga kilay ko matapos makitang nagyakapan silang dalawa at nagsimulang mag-usap, na nabigo kong marinig dahil sa distansiya at sa hina ng boses nila.

"Tsk." Irap ko bago tumungo at saglit na pumikit.

Why am I reacting this way?

It's not like I'm.. jealous-

"No?!" pabulong kong sigaw sa sarili at paulit-ulit na umiling. Bakit naman 'yon ang pumasok sa isip ko? We literaly just met last night?!

"Amiel? Ayos ka lang?" pagkalipas ng ilang minuto, ay nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Pagkatingala ko ay bumulaga sa akin si Kayden na may bitbit na tubig.

Hindi ka alam kung bakit, pero agad kong inayos ang buhok ko kahit na maayos pa rin naman ito, at dumiretso rin ng upo. "A-Ayos lang! Bored lang talaga," sagot ko at kabadong tumawa.

Tumango lang siya bago muling ma-upo sa harapan ko. "Anyway, mga 5 minutes pa raw bago dumating yong order natin." Tumango lang din ako bilang sagot sa sinabi niya.

Tulad ng kanina, nanaig na ang katahinikan sa aming dalawa matapos noon at tahimik na lang kami na na-upo sa harap ng isa't isa.

I badly want to ask him about the girl earlier.

But something is holding me back.

I lightly shook my head. Ewan, I"Il probably ask him next time.

We'll meet each other again soon naman, 'di ba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status