Share

Chapter Six

 [ AMIEL ]

 - Friday, February 11, 5:19 pm -

"So, that's the Kayden you' re talking about?" Sinagot ko naman ng tango ang tanong ni Sammy sa akin.

"Hmm."

"Hindi naman ako na-inform na diyan pala siya nagt-trabaho," bahagya akong napatawa dahil sa komento ni Rome.

"Hindi ko rin alam actually. Well, to be fair, I don't know much about him, just his name, ni hindi ko nga alam kung ano ang apelyido niya." Napa-iling na lang ako bago sumabay sa paglalakad nilang tatlo.

It's 5 in the afternoon, uwian na namin, at ngayon, naglalakad na kami palabas ng building at didiretso na nang uwi.

Sina Joelene at Sammy, ay sabay na magt-tricycle pauwi, dahil magkalapit lang naman sila ng tinutuluyan, habang si Rome naman ay dala ang kotse niya.

At ako? Magc-commute. May kotse rin ako actually, pero nasira na nga ito dahil sa nangyaring aksidente. Pwede pa rin naman itong ipa-ayos pero hindi na, na-trauma na rin kasi ako doon kaya naman ngayon, umaasa na lang ako sa mga pampublikong sasakyan.

"Want us to do the research?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Rome.

Agad naman siyang hinampas ni Joelene sa braso. "Gago no, that's kinda creepy." Napatrawa na lang ako, para talagang aso't pusa 'tong dalawang 'to.

"But, paano kayo nagkakilala?" Napalingon naman ako, at maging sina Joelene at Rome na itinigil ang kanilang pagaaway, matapos marinig ang tanong ni Sammy.

"Yeah right, paano nga ba?" Pagsang-ayon pa ni Rome habang paulit-ulit na tumatango si Joelene. Tsk, parang kanina lang nagaaway sila ah?

Napabuntong-hininga ako, I have no choice but to tell them anyway. "It's just last night actually, abala ako sa pagsulat nung essay na ipinagawa sa amin, then I heard some drums playing in his room, so ayon, kinausap ko siya tungkol doon."

Saglit muna silang nagkatinginan bago sabay-sabay na tumango. "Ah, that's an interesting way of meeting someone," komento pa ni Joelene.

"Pero alam niyo kung ano pa ang mas strange?"

"What is it?" interesadong tanong nila.

Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanila, "He knows me, kilala niya ako, at alam niya ang pangalan ko."

Dahil nga hindi ako nakatingin sa kanila, hindi ko alam kung ano ang naging reaksiyon nila sa sinabi ko. Well, that's my purpose why I looked away. I don't want to know their reaction.

"Eh?!" sa laking gulat ko ay sabay-sabay silang sumigaw at agad na niyugyog ang balikat ko.

Napapikit na lang ako, putangina,. Kahit na hindi nila direktang sabihin ay alam kong gusto nila ng further explanation.

"Tho, sinabi niya na he just thought that I'm his friend," dugtong ko pa.

Napareklamo na lang ako sa sakit nang bigla akong batukan ni Rome. "Gago, ayon naman pala eh, ang assuming mo," singhal niya sa akin.

Ilang beses akong napakurap, thinking about what he said. "Meh, you're probably right." I shrugged my shoulders.

"Anything strange happened after that?" rinig kong tanong ni Sammy.

Napatingala ako sa kalangitan na unti-unti na ring nababalot ng kadiliman. Ang aga magdilim ngayon ah? "Nung nakita ko 'yong mukha niya...it looks familiar," sagot ko matapos magsayang ng ilang minuto para mag-isip.

Kunot-noo na lumingon sa akin si Rome. "Baka you saw him somewhere? Like, baka artista siya?"

Umiling ako. "No, not that kind of familiar, alam mo yung deja vu? Ganon, para kasing nagkakilala na kami dati na at the same time hindi."

"You mean, baka magkakilala kayo dati pero nakalimutan mo lang?" sabat ni Sammy.

Tumango ako. "Yeah, it's more like that."

"Hm, pwede, but don't put too much thought into it, makakasama lang sa "yo yon." Pagbibigay ng opinyon ni Joelene. Napatingin ako sa kaniya subalit agad din naman akong umiwas ng tingin.

She's right

"I know, kaya nga I decided to say it to the 3 of you, para naman medyo mabawasan din ang alalahanin ko and also, to hear your thoughts about it."

"Our thoughts?" sabay-sabay nilang tanong.

"Hmm, like, ano sa tingin niyo? Yung tungkol sa... alam niyo na," sagot ko with matching hand gestures pa for the last part.

Nakita ko naman na napakamot sa batok si Sammy. "I'm quite not sure, eh."

"I don't know din, baka talagang deja vu lang, and it doesn't have anything to do with your amnesia thingy." sagot naman ni Joelene.

"I kind of agree with you, Candid, baka nga magkakilala kayo dati, at nakalimutan mo lang dahil nga sa aksidente," si Rome ang huling nagbigay ng sagot, at napuno nanan ng pagtataka ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Gosh, mas lalo pa nilang pinagulo ang isip ko.

"Ang galing, iba iba ang opinyon niyo." Irap ko.

"Heh, ano pa bang aasahan mo sa amin?" Napa-iling na lang ako dahil sa biro ni Joelene.

"Pero wait," muli akong lumingon sa kanila at sinalubong nila ako ng mga nagtataka nilang ekspresiyon, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Might as well ask this bago kami magkahiwa-hiwalay dahil iba-iba ang uuwian namin.

"Hmm?"

Humarap ako kay Rome, na naging dahilan ng pagtaas ng kilay niya. "Why did you call me Candid? I don't remember you giving me such a nickname."

---

Nagkasalubong ang mga kilay ko, "Candid?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kalsada.

// "Why did you call me Candid? I don't remember you giving me such a nickname."

   "Ha? You forgot? We used to call you that, eh." //

Kulang na lang ay magka-isa ang dalawa kong kilay sa kung gaano nakakunot ang noo ko ngayon. This shit is bugging me, and I hate it. It's pissing me off.

Kahit kanina pa naka-alis ang mga tatlo kong kaibigan, nanatili ang sinagot sa akin ni Rome sa isip ko, at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito maalis.

Tsk, bago na namang isipin.

Napabuga na lang ako ng hininga at inilipat ang bigat ko sa aking kanang paa tsaka humalukipkip. Tsk, wala pa akong masakyan. Ang dami ngang nadaan na mga pampasaherong sasakyan, subalit kung hindi puno, nauunahan naman ako ng iba pang mga pasahero sa pagsakay.

Tangina, kung pwede lang mag-teleport eh.

Tiningnan ko naman ang relo ko at napapikit na lang sa inis matapos makitang pasado alas-singko y medya na. For fuck's sake, may kailangan pa akong tapusin sa bahay tungkol sa trabaho ko. Like my new client.

Habang abala ako sa pagtitig sa mga streetlights na isa-isa nang bumubukas upang magbigay ng liwanag sa paligid na unti-unti nang nababalot ng dilim, naramdaman ko ang pagtayo ng mga buhok ko sa katawan nang makaramdam ng malamig na simoy ng hangin na dumaan sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko rin na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. What in the world is that?

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-inhale at pag-exhale. Matapos bumalik sa normal na ritmo ang tibok ng puso ko, ay inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at napagdesisyunan na lingunin ang kung ano mang nasa likuran ko.

I already expected and prepared myself for the worst case. What if may multo? O kaya naman ay si Ms. Aziale at may nakalimutan lang sabihin? Eh paano kung si Damien yon at nagtiyaga pang puntahan ako rito para lang pag-tripan ako?

Or.. it might be the person who's following me around.

Napalunok ako dahil sa mga naisip na bagay. Putangina, bigyan niyo lang ako ng sign at tatakbo na talaga ako paalis dito!

Habang nakikipag-debate pa ako sa sarili ko kung lilingunin ko ba o hindi ang kung ano mang posibleng sumulpot sa likod ko, ay nakuha naman ng isang nakakabingi at matagal na pagbusina ng isang bus na tumigil sa gilid ng kabilang sidewalk ang atensiyon ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, Gago, that nearly took my breath away.

Matapos ang ilang ulit na paghinga upang mapakalma ang sarili ko, muli kong ibinalik an9 aking tingin sa kabilang kalsada, tinitingnan ang mga pasaherong isa-isang sumasakay sa bus, na siya namang naging dahilan ng pagka-inggit ko.

Napanguso na lang ako, halatang dismayado. Nanatili akong ganoon hanggang sa nagpintig ang tenga ko matapos makarinig ng pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan.

"Shut up! Hindi naman ako nagmamadali!"

I blinked quite a few times, before gulping.

That voice... Don't tell me.

"Wala rin naman akong balak na madaliin siya, umuwi ka na nga! Napaka-chismoso mo!"

Mula sa bus, na kanina ko pa tinitingnan at kulang na lang ay matunaw na ito, inilihis ko ang aking tingin at sinubukang hanapin ang kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

I really hope it's not him.

Fuck, kakasabi ko lang na sana ay hindi siya 'yon.

Hindi nga ako nagkamali.

There he stood, right in front of the café, a bright smile plastered on his face as he waved at his friends, and his deep yet still loud voice that was still heard despite of the distance.

Putangina, bakit kailangan ko pa siyang makita dito?

Ilang beses akong lumingon at tuming in sa paligid, sinusubukang makahanap ng masasakyan nang maka-alis na rito bago pa man niya ako makita.

Shit, wala talaga eh, rush hour na kasi.

Tsk, dapat pala sumabay na ako kay Rome.

Habang nakapa-maywang, irita kong itina-tap ang paa ko sa sahig at doon din nakapako ang tingin ko, na para bang ang sahig na iyon ang pinakamaganda na bagay sa buong mundo.

Kahit na gusto kong tingnan kung nasaan si Kayden ngayon, o kung ano ang ginagawa niya, ay pinili ko na lamang na 'wag nang tumingala. Baka mapansin niya kasi ang pagtingin ko at muli na naman niya akong kausapin.

Ugh, Amiel! Kumalma ka ngal

Tulad ng ginawa ko kanina, pinakalma ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-inhale at pag-exhale, Para lang akong nagm-meditate ah?

It's all going well, effective siya. Unti-unti nang bumabalik sa normal na tibok ang puso ko at nawawala na rin ang mga bagay na kanina pa dahilan ng pagkabagabag ko.

Not until, bigla kong naalala yong sinabi ko kanina. Earlier, at the café, during our lunch break. Kung saan ko rin huling nakita si kayden.

// Ngayon, ako na mismo ang gagawa ng dahilan para lang mag-krus ang landas nating dalawa. //

What the- that came out of nowhere!

Fuck, is this a sign na imbes na iwasan ko si Kayden, ay puntahan ko na lang siya doon at kausapin?

Heck no, why in the world would I do-

/ Oh. Wait. /

Dahan-dahang tumaas ang magkabilang gilid ng labi ko sa bagay na naisip ko.

Heh, mukhang ngayon ko siya makikilala nang husto ah?

"Kayden!" sigaw ko, loud enough for him to hear. Ikinaway ko rin ang dalawa kong kamay sa ere para mas mabilis niya akong makita.

Wala na akong pake sa tingin ng ibang tao sa paligid, si Kayden lang naman ang pinupuntirya ko.

I don' t know why, but this is making me excited.

Who knows? After all, maybe Kayden is one of those interesting people.

Interesting enough for me to play with him.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status