Share

Chapter Five

 [ AMIEL ]

 - Friday, February 11, 10:49 am -

"Ugh!" pagod at inis kong reklamo bago sumalampak ng upo sa upuan ko. Halos isang oras ba naman akong paulanan ni Ms. Gonzales ng mga tanong doon? Akala ko nga hindi na ako papaalisin eh.

"Oh Ssob? Ang tagal mo yata, ah? Bakit ka raw pinatawag ni Director?" Tumingala naman ako at sumalubong sa akin si Joelene na nakatayo sa harapan ko habang may bitbit na laptop.

Napadaing na lang ako at padabog na umayos ng upo. Tangina, kakabalik ko lang at mukhang may bago na naman kaming trabaho.

"Yeah, binombahan ako ni Ma'am ng mga tanong eh," paliwanag ko at pinaglaruan ang ballpen na nakabuyangyang sa ibabaw ng mesa ko.

Narinig ko namang napatawa si Joelene bago siya umupo sa harapan ko. "Yeah, alan mo naman si Ma'am, madaldal talaga at gusto niya na as much as possible, ay alam niya ang mga kaganapan o problema ng mga empleyado niya, para naman makatulong siya kahit papaano."

Napatango naman ako. Yeah, hindi na nga ako magrereklamo.

"Anyway, I'm sorry Ssob, pero may bago na naman tayong trabaho." Napangawa na lang ako dahil sa sinabi ni Joelene samantalang tinawanan niya lang ako.

"Ano ba yan," kulang na lang ay magpapadyak ako at mag-tantrums dahil sa paulit-ulit kong pagrereklamo.

Pero ano bang magagawa ng pagrereklamo ko? It's not like complaining is gonna do my works and solve my problems.

"Okay," matapos ang ilang minutong pagngawa, umayos na ako ng upo at nakangiting hinarap si Joelene, na binigyan lang ako ng concerned na tingin. "Okay na ako, so what about the job?"

"We have 2 new clients," panimula niya bago pakita sa akin ang screen ng laptop niya, at ipinakita nito ang email na galing kina...

"Kirsden Macalintal and Axel Villano," dugtong ni Joelene bago muling iharap sa sarili niya ang laptop. Inilabas ko naman ang notepad ko at sinimulang isulat ang mga pangalan na idinidikta ni Joelene.

/ Axel Villano, and... /

Napatingala ako. "Who's the other one?"

"Kirsden Macalintal," tila nag-aalangan pa niyang sagot.

Despite of still being confused, isinulat ko na rin ang pangalan na binaggit niya.

Hays, this again. Encountering a familiar name and not knowing where I heard it or if I really used to know this person.

Pero wait. "Axel Villano? Isn't he Parisa's older brother?" tanong ko kay Joelene na sinagot niya naman ng tango. Pinipigilan niya pa nga yatang ngumiti matapos kong banggitin ang pangalan ng nobya niya.

"Yeah, my girlfriend's older brother."

"So bayaw mo? Like, brother in-"

"Amiel!" malakas naman akong napatawa matapos akong paulit-ulit na hampasin ni Joelene. Kahit naman umiwas pa siya ng tingin o takpan niya ang mukha niya, alam kong namunula siya ngayon.

Peke naman akong umubo. "Anyway, ano ng sabi sa emails nila? How can we help them?"

Agad naman siyang muling humarap sa akin. "Mr. Macalintal is looking for an editor for his book, he also stated that he wants to publish his book under our company."

"Meanwhile Mr. Villano, is looking for an event organizer for the event he wants to held with his band this Valentine's day." pagtatapos niya.

Tumango na lang ako bago isara ang notepad ko. I had a habit kasi of writing down our client's names, at kapag tapos na ang business namin sa kanila, I'm just gonna cross out their names.

She looked at me. "So, what are you gonna do?"

Napa-iwas ako ng tingin. Tinutukoy niya kung kanino ko balak i-assign ang mga bago naming trabaho ngayon.

Nanlaki naman ang mga mata ko bago muling harapin si Joelene. I pointed the ballpen I was playing with earlier at her. "Sino nga ulit 'yung nangangailangan ng event organizer?"

"Mr. Axel Villa-"

Napangiti ako. "Ah, 'yung bayaw-"

"Amiel! Putangina mo!" mahina akong napahiyaw sa sakit nang kurutin niya ako sa braso at diniin pa ang kuko niya sa balat ko.

Putangina mo rin.

"But yeah, ako na ang gagawa noon, I'll be the event organizer," saad ko habang hinihimas ang braso ko at binigyan na lang ng maliit na ngiti si Joelene na masama pa ring tingin sa akin.

"Then ako na sa isa, I'l be the editor." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Joelene, bago siya tumayo at bumalik sa desk niya.

"Okay then, it's settled na," bulong ko sa sarili at nagsimula nang iligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa.

"Ay, Amiel." Napakunot naman ang noo ko nang tawagin ni Joelene ang pangalan ko.

"Oh?"

"Alas-dose na pala, mag-lunch na tayo."

"Ha?! Lunch na agad?!" mabilis ko namang ipinihit ang ulo ko papunta sa direksiyon niya.

"Yeah, hindi ko nga rin namalayan ang oras, eh."

"Okay then, let's go to the usual?" tanong ko sa kaniya at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Okay, sabihan ko na sila."

Subalit bago pa man tuluyang tumalikod papaalis si Joelene, ay may pahabol siyang sinabi,

"Nga pala, turn niyo na ni Chris na manlibre today 'di ba?"

"Putangina, oo nga pala."

---

"Sino 'ng manlilibre ngayon?" Napa-irap na lang ako bago hampasin si Joelene nang magparinig siya at talaga namang inaasar ako.

Kanina niya pa ihinihilamos sa mukha ko na manlilibre ako ngayon, like, alam ko?!

"Today is mine and Sir Amiel's turn, 'di ba?" Napatango na lang ako matapos marinig ang sinabi ni Chris.

Luckily, si Chris ang kasabay kong manglilibre, isa rin siya sa mga responsableng empleyado ko, eh.

Tungkol nga pala sa librehan at sabay-sabay na paglu-lunch na nagaganap, nakasanayan na kasi sa company namin na by department ang paglabas for lunch. Pasimuno lang talaga namin na may librehan na magaganap, at by partner naman ito.

"Good day!" Binati rin namin pabalik si Kuyang Guard nang batiin niya kami matapos kaming pagbuksan ng pinto.

Café de Resto, ang suki naming coffee shop, na restaurant, hence the name, sa tuwing kakain kami ng lunch. Minsan naman ay dito rin kami tumatambay tuwing weekends at may kailangang tapusin na trabaho.

Katapat lang kasi ng company namin.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at napabuga na lang ng hininga matapos makita na wala pang masyadong tao. Dinudumog kasi dito kapag tanghalian na, mabuti na lang talaga at maaga kaming dumating.

"Pumili na kayo ng uupuan, ako nang bahala sa mga order natin." Nilingon ko naman si Chris nang magsalita siya.

Tatanggi pa sana ako at sasabihing sasamahan ko siya sa pag-order subalit umiling lang siya sa akin at nauna na sa pila. Ano ba 'yan.

Bahala na, maghahati rin naman kami sa bayad, eh.

Nanatili lang kaming nakaupo sa isang gilid, nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang mga pagkain namin.

Matapos ang ilang minuto, sa wakas ay nakarating na rin ang mga in-order namin at kasalukuyan na itong sine-serve sa amin.

"Here's your food, enjoy."

"Thank-" Napatigil naman ako sa pagsasalita at agad na sinundan ng tingin ang waiter na siyang naglagay ng order ko sa harapan ko.

Shit, nabobosesan ko siya!

At hindi nga ako nagkamali. Paglingon na paglingon ko sa kaniya ay sumalubong sa akin ang maaliwalas niyang mukha. 

Nagsimula naman akong mainis nang tumingin siya sa direksiyon ko at binigyan ako ng malawak na ngiti. Tsk.

Ang mukha na hindi ko malaman kung kakainisan ko ba o kakikiligan.

"Kayden, tsk." Napangiwi na lang ako bago tanggalin ang tingin ko sa kaniya.

Out of all places, bakit dito ko pa siya makikita?! At bakit ngayon lang? Ang tagal ko nang pumupunta dito, pero bakit ngayon ko lang siya nakita dito?

"Thank you for the food!" Napatigil lang ako pag-iisip nang sabay-sabay na nagpasalamat ang mga ka-trabaho ko, kaya naman nakisabay na rin ako.

Ewan, makakain na nga lang, imbes na pasakitin ko ang ulo ko sa kakaisip.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng sitsit na nanggaling sa bandang kaliwa ko, pero isinantabi ko lang ito.

"Hoy, napansin mo ba yung nag-serve sa' tin kanina?"

Saglit naman akong napatigil sa pagnguya matapos marinig ang bulong, na para namang hindi talaga bulong dahil narinig ko pa rin, na nanggaling din sa kaliwa ko.

"Oo! Paanong hindi ko 'yun mapapansin?!"

Gago, are they talking about Kayden? Tsk.

"I know right! Ang gwapo 'di ba?"

"Oo nga! Tapos ang bango pa nung dumaan siya dito!"

I mean, yeah. I had to agree with that. Ang lapit niya sa'kin kanina nung nilapag niya sa harap ko yung plato eh, paanong hindi ko siya maaamoy?

I can't really tell how he smells dahil wala naman akong alam sa mga bagay na 'yon, but if I had to explain what I felt when I smelled him?

It's the exact balance of masculinity, the feeling of freedom, and the breeze of the ocean.

I don't know, my description doesn't even make sense. Basta ang bango niya.

"Pero alam mo ba kung ano pangalan niya?"

"Not sure, pero Kayden nakita ko sa name tag niya eh."

"Kayden? I think I heard that name somewhere."

Napataas ang kilay ko habang pasimpleng nakikinig sa usapan nila at kasalukuyang nainom ng tubig.

"Oh? Saan?"

"You know the band Marahuyo?"

Muntik ko na akong mabulunan dahil sa narinig ko. What does Marahuyo have to do with Kayden?

"Parang siya daw yung-"

Wait, bakit nga ba ako nakikinig sa usapan nila? It's not like I'm interested in him nor anything that is related to him. Tsk.

Ang malakas at pekeng pag-ubo ko, kasabay ng marahas na pagbaba ko ng hawak kong baso sa mesa, ang dahilan kung bakit napatigil sa pagdadaldalan ang dalawang babae sa kaliwa ko at sabay-sabay na napalingon sa direksiyon ko ang mga ka-trabaho ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang ginawa ko.

Shit, did I do that unconsciously? Para lang hindi ko na marinig ang susunod na sasabihin nila?

Dahan-dahan akong napatingin sa paligid ko at napatungo na lang dahil sa kahihiyan nang mapagtanto na maliban sa mga ka-trabaho ko, maging ang iba pang staff dito sa café, pati na ang iba pang costumers ay nakatingin din sa akin.

And fuck, hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maiinis matapos makita na nakatingin din sa akin si Kayden. Hindi lang tingin! Nakangisi pa sa akin ang loko na para bang inaasar niya ako dahil sa nagawa ko.

"Ssob? Okay ka lang?" mabilis ko namang nilingon si Joelene nang tanungin niya ako.

Tumango lang ako at tsaka sinimulang himasin ang ulo ko, nagkukunwaring may masakit sa katawan ko. "Y-Yeah, medyo sumakit lang ang ulo ko."

Matapos marinig ang sagot ko, sa kabila ng tahimik at awkward na atmosphere, ay bumalik na sila sa pagkain kaya muli akong sumubo ng ulam at pilit na hindi makipagtitigan kahit kanino.

Tangina, self, kinakahiya kita.

But that man, Kayden. Despite of him getting on my nerves, matapos marinig ang mga bagay na iyon tungkol sa kaniya, na hindi ko rin naman masabi kung totoo ba o hindi, ay mukhang... magbabago na ang pananaw ko tungo sa kaniya.

I'm taking back what I said about you before, about me, trying not to interact with you in any way possible. I'm taking that back.

Ngayon, ako na mismo ang gagawa ng dahilan at paraan para lang mag-krus ang landas nating dalawa

Patago akong napangisi habang kalmadong nainom ng tubig. Excited to get to know you soonest. Kayden.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status