Share

Episode 02

KINUHA ni Faye yung bag ng hinimatay na babae na kanyang nasalubong kanina at inilagay iyon sa bandang likuran nito. Luminga-linga siya sa paligid, naghanap ng maaring makatulong sa kanila. Gaano ba kalayo ang ospital? Hindi pa siya gaano kapamilyar sa lugar kaya napaka-imposibleng masagot niya ang kanyang katanungan. She begin giving the woman CPR after clearing the airway.

Napatingin siya sa binti nito nang makakita ng tubig na umaagos. The woman's water just broke! Mabilis niyang kinuha ang bag at mula doon ay nilabas ang cellphone. She needs to call for help. Nag-dial siya ng emergency hotline at nagdasal na sana'y may sumagot sa kanyang tawag.

"Hello. Someone's fainted here and she's pregnant. Breathing is shallow and her water already broke." Luminga siya sa paligid. Wala siyang makitang anumang partikular na signage na pwedeng ibigay sa emergency response team. "Uhm, we're few blocks away from Delfin's General Merchandise." Iyon ang naalala niyang pangalan ng tindahan na kanyang pinanggalingan.

Isang sasakyan ang huminto sa kanilang harapan. Mula doon bumaba ang pamilyar na lalaking na kung hindi siya nagkakamali ay nakita na niya sa tindahan kanina. Kinuha nito sa kanya ang cellphone na hawak at nilagay iyon sa loud speaker mode.

"This is Doctor Conrad. Dispatched an ambulance with complete medical equipment. I need to operate the patient here."

Ooperahan niya dito yung babae? Paano?

Mga tanong na bumalong sa kanyang isipan. Gusto niya sumabat ngunit tila naintindihan naman ito ng tinawagan niyang tiga-emergency response team.

"Gaano na siya katagal unconcious?" tanong nito sa kanya.

"Six or seven minutes."

Hindi siya sigurado ngunit nagawa naman niyang i-establize yung breathing nito during those time. Umalis ang lalaki at may kinuha sa sasakyan nito na ilang gamit.

"She'll not gonna make it if we will rush her to the hospital." Nadinig niyang kinausap nito ang pasyente at dinikitan ng tila sticker sa leeg. "Can you hold this for me?"

Tumayo siya at lumapit dito saka hinawakan ang IV bag na kinonekta nito sa kamay ng pasyente. Hindi niya sukat akalain na doon sa kinaroroonan niya mabubuhay yung medical inner self niya. She heard a faint siren wailing not far from where they are. Malapit na iyon at maari ng gawin ng lalaking kasama niya ang balak nito sa pasyente. Hindi siya dapat nandito pero wala na, na-trap na siya sa sitwasyon na 'di inasahan.

"You know how to respond to an emergency like this. Are you a medical practitioner? Perhaps, a doctor or a nurse?"

Hindi siya sumagot at huminto na din naman sa harapan nila yung ambulansya. Mula doon bumaba ang mga emergency practioner at tinulungan yung lalaking kasama niya na mailipat sa stretcher ang pasyente. Kinuha nang isa sa mga bagong dating na practioner ang hawak niyang IV bag at sinabit iyon sa IV fluid rod. That's her cue to exit that place. Ligtas naman na yung mga babae kaya pwede na siyang umalis.

Nilipon niya ang pinamiling nagkalat sa daan at saka binuhat na iyon at naglakad paalis. Matagal na panahon na niyang kinalimutan ang sarili niyang pangarap. Matagal na niyang naibaon iyon sa limot matapos masira ng kanyang buhay. Pagkadating niya sa bahay ay agad na sinimulan ang kanyang dapat gagawin. Naantala na nga ang kanyang schedule dahil sa unexpected na pangyayari.

Naisipan niyang maligo muna upang ma-preskuhan. May kainitan na ang panahon at kung hindi niya gagawin iyon ay maari lang siyang makadama ng pagod. Binukas niya ang shower at tinapat sa dutsa noon ang ulo. Sa bawat lagaslas ng tubig, tila pelikulang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kanina. That emergency situation ignites something she already tossed away.

"Pull yourself together, Faye. You're not that woman you buried when you decide to go here." aniya sa sarili.

Malalim siyang huminga saka pinagpatuloy na ang paliligo. Nang matapos, agad siya nagbihis ng komportableng damit at nagsimula sa pag-re-repair ng kanyang bintana. Medyo may kainitang hangin ang sumalubong sa kanya ng buksan niya iyon. Her new house is far from the other houses there. Siya lang ang nasa dulo at may malapit na parke doon.

May nadidinig siyang ingay mula doon ngunit mas pinili niyang h'wag na lamang pansinin. She focuses her full attention on fixing the window lock she bought a while ago. Being an independent woman at her age is a big challenge. Ngayon lang siya nasisikatan ng araw at 'di na alintana pa ang init ng panahon.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nakalaya na sa gapos ng mapait na kahapon. Alam niyang physical palang ang nakakalaya at matagal pa bago lumaya ang kanyang emosyonal na bahagi. She was consumed, abused, and deprived of liberty for long years. Now that she's here, Faye hopes for a better life in this small town. She must carry on to be able to survive alone in this unfamiliar place...

*****

MATAMANG pinagmasdan ni Conrad mula sa kinatatayuan niya iyong babaeng tumulong sa emergency patient na inoperahan niya kanina. Alam niyang mali pero habang tumatagal lalo siyang nagiging curious dito. From where he's standing, he see her fixing a window lock. Malapit lamang parke doon at kasama niya ang mga matatandang kausap kanina sa tindahan ni Mang Delfin. May i-dadaos kasing fiesta at kapag may gano'ng kasiyahan sa Kennedy Town, tumatagal iyon ng isang linggo.

Doon na siya dumiretso pagka-galing sa shift niya para tumulong sa mga ito na mag-ayos. Dinig na dinig niya ang kwentuhan ng mga matatanda at pulos tungkol iyon sa bagong lipat na residente. Hindi lamang siya ang curious kung 'di lahat silang nakatira sa Kennedy Town. Wala pa kasi itong hinaharap miski isa sa kanila at nakagawian na noon pa 'man na dapat nagpapakilala sa lahat ang mga bagong lipat. Naalarma siya nang makitang nahulog ito mula sa bintanang inaayos nito. Binitiwan niya ang hawak na inumin at mabilis na tinakbo ang pwesto ng babae.

"Okay ka lang?" tanong niya ng makalapit dito.

Hindi ito sumagot bagkus ay pinilit ang sarili na makatayo. When she stumbled again, he immediately holds her arm and pulled her up.

"I'm fine." Pinalis nito ang kamay niya saka bahagyang lumayo sa kanya.

"I know someone who can fix this for you." Suhestyon niya sa dalaga.

"Thanks, but no thank you. I can handle all of this."

"With a sprained foot and bruised arms and legs?" Napatingala ito sa langit marahil ay naiinis na o nasasaktan dahil dumudugo yung mga sugat na mayroon ang dalaga. "I'll get my first aid kit," wika niya saka patakbong tumungo sa sasakyan.

Binukas niya ang likurang bahagi noon at kinuha ang isang box niya na naglalaman ng mga medical kit. Parang ospital na din kung maituturing ang sasakyan niyang iyon. Lahat ng kailangan ay naroroon na kaya hindi na mangangamba pa ang tutulungan niya. Mabilis niyang sinara iyon muli at patakbong bumalik sa bahay nung babae. Naabutan niyang tinutulungan na itong makalakad nina Aling Graciella at Aling Fely.

"Siya ang pinaka-magaling na doctor dito." Napangiti siya sa tinuran ni Aling Fely.

"Mabait pa." Dagdag naman ni Aling Graciella.

"Kayong dalawa nga'y lumayo na para magamot na siya." singhal ni Mang Delfin sa dalawang matandang babae. Nilapitan niya ang babae at hinanda ang mga gagamitin para magamot ang mga sugat nito.

"Ganyan talaga sila lagi kaya masanay ka na," wika niya sa dalaga. Nagpaalam sa kanila si Mang Delfin at ito na daw ang aayos doon sa bintana at pintuan.

"Wala akong ibabayad sa inyo." Simple nitong sabi na kinatawa niya. Nag-iwas ng tingin ang dalaga na kina-iling naman niya.

"Hindi kami naniningil ng kahit ano. We treat everyone here a family."

Si Mang Delfin ang unang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon. Bago pa lamang siya sa Kennedy Town noon at hindi alam kung saan magsisimula. Sa dami ng hinarap ng hamon doon sa Kennedy Town, subok na subok na talaga ang kanyang tibay at lakas. Conrad found a family there which he didn't have since an accident took his parents. He has a foster mother who's living outside Kennedy Town. Napunta lamang doon kapag nagdadala ng mga pagkain sa kanya. Sa pagtulong sa kapwa niya tinuon ang buong atensyon at wala pang isang buwan ay nasanay na siya sa pamumuhay na mayroon doon.

"I don't need a family."

Napatingin siyang muli sa dalaga at gaya kanina nag-iwas lamang ito ng tingin. He continously clean all her wound and put a cream on the sprained foot. Pagkatapos iyon ay umalis na ito at naiwan lamang siya sa front porch ng bahay nito. Sinong tao ang hindi nangangailangan ng pamilya? Dahil sa nadinig, lalo siyang naging curious dito. 

"Naayos ko na iyong bintana at pintuan, Conrad. Lumang luma na yung bahay ni Corazon dati at tingin ko'y kailangan na palitan lahat."

Muli siyang tumingin sa bahay na tinutukoy ni Mang Delfin. Tama ito, luma na nga iyon at iyong kasalukuyang nakatira ay ayaw ibukas ang pintuan sa kanilang lahat. She's a hardwork that made him more curious. Kapag gano'n siya, hinding hindi titigil hangga't 'di nalalaman ang kwento. Conrad wants to know how he can help that lady.

Gano'n na ang personality na mayroon siya kahit noon nasa Maynila pa. Alam niyang may maitutulong siya dito ngunit hindi malaman kung paano sisimulan. Sa paanong paraan niya maipaparating iyon? Saka, saan ba nanggagaling ang tila galit na nararamdaman niya kahit sa tinig palang nito pagkalamig lamig? Ano ang dahilan noon? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status