Share

Episode 03

MARAHANG binuhat ni Conrad ang bagong silang na sanggol at siya na mismo ang magdadala niyon sa nanay nito. Baby iyon ng emergency patient niya kahapon na matagumpay na na-operahan kahit na may kakulangan sila sa gamit. Parehong ligtas ang mag-ina na siyang pinapapasalamat niya sa Diyos. Malusog ang sanggol na siyang lakas ng buong ospital. Bawat sanggol na pinanganganak doon ay binibigyan ng baby's kit na siyang proyekto niya at tulong na din sa pamilya nito. 

"Good morning!" aniya nang makapasok sa kwarto ng ginang.

Ngumiti ito at kinuha mula sa kanya ang sanggol. That mother-daughter bonding touches his heart. Advisable na magkaroon ng skin to skin contact ang mag-ina na malaking tulong sa growth ng sanggol. Hinayaan niya ang mag-ina sa ginagawa ng mga ito at bumalik na siya sa pag-ra-rounds. Kahapon, dagsa ang mga nagpapagamot doon at ngayon naman ay kalmado na ng bahagya.

"May ear infection siya, Doc at iyon ang cause ng lagnat niya." Tumango-tango siya sa sinabi ng nurse. Nginitian niya ang batang pasyente saka inabutan ng pagkain.

"Keep him well hydrated. Makakatulong ang warm compress para maibsan yung pananakit. You can do it at home, mommy. Just make sure that it's warm, not hot, okay?"

Tumango ang nanay ng pasyente niya saka ngumiti. Karamihan ng pasyente niya doon ay mga bata at matatanda na higit na nangangailangan ng atensyong medikal. Iyong iba na hindi makalabas sa kani-kanilang bahay ay pinupuntahan na lamang niya. Too much work for a doctor like him but he loves to extend his arms to help. Kaya nga siya nag-doctor ay dahil doon.

Lumaki siyang parte ng mga medical mission ng kanyang magulang. Katulong siya ng mga ito sa pagtugon sa atensyon na kailangan. Iyong huling misyon na hindi niya nasamahan ay siyang umagaw ng buhay ng mga ito sa kanya. Hindi na niya nakitang buhay ang mga ito at naka-kahon na ng umuwi. Sa murang edad, namuhay siyang mag-isa.

Nag-aral gamit iyong ipon ng mga magulang na dinagdagan din naman niya ng kita sa pagiging working student. A foster mother helps her who's the main reason why he immediately accepts the relocation proposal. Para mas malapit na siya dito dahil mag-isa na din naman ito sa buhay. Conrad did everything he can just to make his dream come true. Heto na siya ngayon, ganap na doctor at kagaya ng mga magulang niya ay tumutulong din sa ngangailangan.

"Conrad, we need to talk." Tinig ng ginang na humabol sa kanyang paglalakad palabas ng ospital. "We need to stop extending our helping hands to everyone. Mauubusan tayo ng budget at malao'y wala ng maipapasahod sa mga staffs mo."

Huminto siya saka tumingin kay Mrs. Montez. "Then, we'll make money."

"How?"

Ngumiti siya dito. "I'll figure it out."

Accounting department and the board hates him because of the too much expending he did the past years that helps many. Alam niyang kapag nagpatuloy siya, malulugi ang ospital at maaring magsara. Kailangan niya gumawa ng paraan para matugunan pa ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng Kennedy Town. 

Lumakad siya palabas ng ospital. Conrad hates to deal with Mrs. Montez. Wala kasi itong bukambibig kung 'di pera, saan kukuha at sino magbibigay. Nais nitong itigil na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga walang health insurance. Ang Kennedy Town ay bayan na pinagkaitan ng maayos na healthcare system na unti-unti naman niyang inaayos. Sa ginagawa niya, natututong magtiwala ang mga tao sa mga katulad niyang medical personnel.

May sumilay na ngiti sa mga labi niya ng mabanaag ang pamilyar na pigura na naglalakad kaliwa't kanan ng Kennedy Town entrance. It is the mysterious woman who doesn't need a family. Nilapitan niya ito ngunit hindi muna kinausap. Nakita niyang may benda ang paa nito at band aid yung mga sugat. Napaisip siya bigla kung naglakad ba ito mula sa bahay na tinitirhan hanggang doon sa ospital.

"Blondie!" tawag niya dito. Conrad doesn't know her name and it's a fit since her hair is blonde. Bumagay naman dito ang buhok nito kaya ayos lang. Kapansin-pansin ang maganda nitong mga mata at maging ang kutis. That's one of his weaknesses when it comes to the opposite sex.

Alright, Conrad stops checking her out. Nagiging creepy ka na... aniya sa isipan.

Conrad rarely praises the opposite sex. Bihira siya madama ng paghanga sa iba dahil mas lamang ang pagiging abala niya sa trabaho. Buong buhay niya, kung 'di libro ang hawak at chart naman ng pasyente ang binabasa. May mangilan-ngilan na siyang naging girlfriend noong nasa Manila pa. Wala ni-isang nagtagal dahil masyado siyang abala para maging ideal boyfriend sa mga ito. Only Kianna paved a way to his heart. A remarkable way that he could still not forget up until now.

Those relationships didn't work because of that one sole reason. Sa Kennedy Town, madami nagsasabi sa kanya gusto siya ng mga ito ngunit wala pa ni-isa ang umabot sa second date. Panirang pager na lagi natunog sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Laging naka-duty at bihira makapag-day off ng walang istorbo. Siguro nga masyado ng pagod ang katawang lupa niya kaya minsan hindi namamalayang may sakit na pala.

"Did you swallow your tongue?" tanong niya ulit sa dalaga.

"I just want to ask if the baby is fine as well as the mom."

"Ah. They're fine. Do you want to see them?"

"No." Iyon lang saka iniwan na siya nito. Sinundan niya ito saka pinigilan sa paglalakad. "Ano ba?"

"You're concern but you keep on hiding it."

"You don't know me. Stop acting as you do."

Pinalis nito ang kamay niya saka muling lumakad palayo doon. Palayo sa kanya. Tama ba yung nakita niya? Lungkot ang rumehistro sa mga mata nito na panandalian lang niya napagmasdan. Why does his heart keeps on telling him to know that lady more? Bakit ba sobrang curious niya dito?

*****

BAKIT ba siya nagpunta pa sa ospital? Hindi niya maintindihan na bigla na lamang nakadama ng pag-aalala doon sa babaeng bigla na lang hinimatay sa harapan. Maybe because she once in that woman shoe before. That feeling of having a life beating inside her tummy was the best. Iyon na yata ang pinaka-masayang parte ng buhay niya bilang Sophia Delos Ama.

Kung hindi lang nangyari yung aksidente. Kung 'di lang siya iniwan nang lalaki akala niya'y nagmamahal sa kanya. Kung 'di lang sana nangyari ang lahat wala siya dito at hindi nagtatago sa pekeng identity. Iyon yung nakaraan na pilit humahabol sa kanya kahit saan 'man siya magpunta. Nakaraang nais na niyang ibaon sa limot.

"Welcome to Grae's Bar!" Bungad na bati sa kanya ng nang tao sa counter. Lahat ng madaanan niya'y tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Bago siya sa lugar na iyon kaya natural lamang na gano'n ang gawin ng mga ito. "Anong pwede kong maitulong sayo?"

Pinasadahan niya ng tingin ang mga klase ng alak na naka-display sa likuran nang bantay sa bar na pinasok. Lahat hard drinks at walang na-angkop sa kanya. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya ang pag-inom noon. No one will stop her and drag her out of that place. Kristoff is not around her now and may God forbid her for thinking bad right now.

"Tequilla..." Nagbakasali siya na sa klase ng alak na nais inumin. "do you have that kind of drink?"

"We only served hard drinks... you know for men because girls here are all in their kitchen baking some welcome cookies for everyone."

She scoffed and smile bitterly. Pinalaki din siya sa gano'ng kaisipan kaya hindi niya magawang maintindihan paanong nagawa iyon ng kanyang mga magulang. They sold her and forget that she actually exists.

"I guess I'm different," sagot niya dito.

Ngumiti lang ang babae at naglagay na ng shot glass sa kanyang harapan. Sinalinan nito iyon ng whiskey na bihira niya inumin noon. Wala naman siyang ibang choice at minsan maganda din iyong gano'n. Walang ibang pwedeng gawin kung hindi ang magpakalango kahit na tanghaling tapat.

"I'm Celine." Pakilala nito sa kanya. Inangat niya ang shot glass at inisang lagok ang laman noon.

"Faye." Pakilala naman niya sa sarili saka muling humingi ng alak. Nilagyan naman nito iyong shot glass niya ulit kada mauubos.

"You're the new girl in town,"

"Yeah." Madali talaga kumalat ang tsismis at iyon ang nakakabilib sa maliliit na lugar gaya nitong Kennedy Town.

"Nakapag-ikot ka na sa lugar?"

Umiling siya bilang tugon. Wala siyang oras para doon at mahirap para kanya ganito ang dami niyang injury. Mabuti at hindi namaga ang na-sprain niyang paa. Masakit pa din kapag nilalakad pero wala naman siyang ibang choice. Bihira ang may dumaang tricycle doon at pulos galing pa sa kabilang baryo. 

"I don't have time to roam around. I need to fix my house. My old house to be exact."

Tumawa si Celine saka tinigilan na ang pagsasalin sa kanyang shot glass.

"You should try our best seller here." May tinawag ito mula sa isang lamesa at inutusan kaya pumasok agad sa kitchen. Nilinga niya pang muli sa paligid ang tingin. Lahat abala sa mga ginagawa o 'di kaya'y kausap. Tama nga siguro si Conrad na lahat sa lugar na iyon ay pamilya ang turingan. "Small towns like this always have something to take new citizen's breath away. Naalala ko yung unang beses ko dito at aloof pa ako sa mga tao."

"Can't I just live here without socializing?"

"Boring naman 'non." Bumalik na yung inutusan nito na may dalang pagkain. "Tikman mo 'to at sinisiguro kong malilimutan mo lahat."

Sana nga gano'n kadali ang lahat...

Tinanggap niya ang pagkain at sinimulan na iyong kainin. That dish literally has flavors that explode inside her mouth. Sobrang sarap noon at tama si Celine dahil sandali siyang nakalimot bakit imbis na sa bahay tumuloy ay doon siya nauwi? Si Celine na ang pangalawang tao na nagpadama sa kanya na boring nga kung hindi siya makikisalamuha sa lahat. Ngunit paano kung may takot pa din sa dibdib niya? Paano kung masaktan na naman siya uli ng dahil sa tiwala?

Bahala na nga lang...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status