Share

Kabanata Fifty-Four

Natauhan ako nang magsalita si Joaquin matapos ang matagal na pagkakatulala ko at pagkakayakap niya sa akin. “Pasens'ya na, Helena at kailangan mo pang masaksihan ang gano'n bagay. Hindi ko sadya na mabigla ka kaso kailangan ko lang makahinga. Sobrang bigat na rin kasi,” nakayukong paliwanag ni Joaquin.

Hindi ako agad nakaimik ngunit mabilis kong ikinumpas ang aking sarili at hinawakan ang kan'yang mukha at iniangat iyon para magkatinginan sa mata. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil nauunawaan ko naman ang lahat ng iyon,” sabi ko at pilit na ngumiti.

Bigla akong nagulat ng hawakan niya ang aking pisngi. “Bakit?” gulat kong tanong.

“May bumabagabag ba sa iyong isipan?” tanong niya habang pinagmamasdan ang aking mukha.

“Ha? Wala!” natataranta kong sagot.

“Sigurado ka ba?” naninigurong tanong niya.

“Opo, ano ka ba?” sabi ko sabay tawa ng hilaw. “Kung ano-ano naiisip mo!”

Bigla siyang napabuntong-hininga. “Pasens’ya na kung pati ikaw na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status