Nasa loob na ako ng k’warto para mamahinga matapos ang mahabang pagkuk’wentuhan namin nina Don Raul at Doña Celestina. Ang saya na ng araw na sana ng araw na ‘to kung hindi lang sinira ng mag-amang iyon pero thankful pa rin ako dahil nagkaayos na rin kami ng mga magulang ni Helena. I can’t afford to be in their bad side baka mas mahirapan akong maisagawa ang pagtulong kay Joaquin at ang malaman kung nasaan ba talaga ang tunay na Helena, kung totoo ba na pinatay siya gaya sa aking panaginip. Biglang nanariwa sa aking isipan ang mga nakangiting mga mukha nina Don Emilio at Mateo na dahilan para magpakulo sa aking dugo. Hanggang sa alaala ko naiinis ako kapag nakikita ko sila how much more pag in person? Itinapon ko ang aking katawan sa kama na agad na nagdala ng ginhawa sa aking katawan. Napatingin ako sa kisame ng may ngiti sa aking labi nang muli kong maalala ang nakakahiya pero nagbigay ng kilig sa akin kanina ngunit lahat ng tuwa at ngiti ay nawala n
Natauhan ako nang magsalita si Joaquin matapos ang matagal na pagkakatulala ko at pagkakayakap niya sa akin. “Pasens'ya na, Helena at kailangan mo pang masaksihan ang gano'n bagay. Hindi ko sadya na mabigla ka kaso kailangan ko lang makahinga. Sobrang bigat na rin kasi,” nakayukong paliwanag ni Joaquin.Hindi ako agad nakaimik ngunit mabilis kong ikinumpas ang aking sarili at hinawakan ang kan'yang mukha at iniangat iyon para magkatinginan sa mata. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil nauunawaan ko naman ang lahat ng iyon,” sabi ko at pilit na ngumiti.Bigla akong nagulat ng hawakan niya ang aking pisngi. “Bakit?” gulat kong tanong.“May bumabagabag ba sa iyong isipan?” tanong niya habang pinagmamasdan ang aking mukha.“Ha? Wala!” natataranta kong sagot.“Sigurado ka ba?” naninigurong tanong niya.“Opo, ano ka ba?” sabi ko sabay tawa ng hilaw. “Kung ano-ano naiisip mo!”Bigla siyang napabuntong-hininga. “Pasens’ya na kung pati ikaw na
LUMAPIT ako sa Danz Base at pumili ng kantang sasayawin ko habang nag-iiscroll ako ay nakita ko na naroon ang kanta ng BTS na last year lang nag-hit sa music chart.“Nakakatuwa naman. Tagal ko ng gustong sayawin ito.” Wika ko sa aking sarili. Sinelect ko agad iyon at pumunta sa gitna. Inayos ko ang tayo ko at saka huminga ako nang malalim. Narinig ko na ang simula ng kanta na napakalas dahilan para maagaw ang atensyon ng ilang mga taong naroon. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-concentrate sa tugtog at saka ko iginalaw ang aking katawan nang marinig ko na ang first line ng lyrics. Patuloy lang ako sa pagsayaw hanggang sa umabot na ng chorus ang kanta nang makita ko na dumarami na ang nanunuod sa akin. Buti na lang naka-hoodie ako at may talent talaga ako sa pagsasayaw kun'di nakakahiya kung sasayaw ako rito na mukhang tanga sa harap nila.“Ang galing niya.”“Foreigner ba siya?”“Ang galing niya talaga ang lini
MAKALIPAS ang ilang oras ng pagbabasa ay nanlaki ang aking mga mata at halos hindi ako makapaniwala sa aking mga nabasa na isinulat ni Lola Linda. Paanong lahat ng nangyari sa akin at mga naganap sa panahon na iyon ay tugmang-tugma sa nakasulat dito? Simula sa unang pagkikita namin ni Lita, ang unang pagtatagpo namin ni Joaquin, ang pagbabalik ni Teresa, ang kaarawan ko, ang kasuklaman ko kay Don Emilio at maging ang naging iringan namin nina Mateo maging ang pagsusuplada ko sa kanya. Lahat ng nangyari ay nakasulat dito wala ni kahit isang eksena ang naganap sa akin ang hindi nakasulat dito. Paanong nangyari ang lahat ng ito? Paano nagawa ni Lola Linda ang lahat ng ito? Paano?“Does magic really exist?” hindi makapaniwalang tanong ko sa ere.Lumipas pa ang mga oras at hindi ko pa rin na pagdudugtong-dugtong ang mga pangyayari. Narinig ko ang sunod-sunod na pagtilaok ng manok dahilan para mapatingin ako sa orasan at nakita ko na alas singko na ng umaga. Napaungot ak
ILANG ARAW na ang lumipas nang maiburol si Lola Linda pero hindi pa rin ako natitigil sa pagdalamhati sa kanyang pagkawala. Ang sakit. Ang hirap. Hindi ko matanggap na wala na siya. Hindi matigil ang pagragasa ng mga alaala namin ni lola sa aking isipan. Mga ngiti ni lola na pumuno sa aking pagkatao. Mga maiinit na yakap niya na bumabalot sa tuwing malamig ang palagid at kapag may sakit ako. Mga pangaral at pingit niya sa akin na nagturo ng malaking aral sa akin hanggang sa ako’y lumaki. Lahat ng iyon ay wala na. Wala na si lola.Muling bumuhos ang aking luha sa mga alaalang pilit na nanunumbalik sa aking isipan na mas lalong dumudurog sa akin. Mas lalo pa akong dinurog nang makita ko ang kanyang mga akda na labis kong minahal at nagustuhan. Mga lumang pag-ibig na pinakilig ako. Mga aral ng nakaraan na tumatak sa aking isipan.“Bakit lola?” naghihinagpis kong tanong sa ere.Habang narito ako sa kanyang k’warto mas pinapatay ako ng masasayang alaala namin. Ang boses
BUONG biyahe namin ni Lita ay naging tahimik matapos ang kanyang mga sinabi sa akin. Sinubukan kong iwaglit sa aking isipan ang mga sinabi niya ngunit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na tanungin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Kung may posibilidad nga ba talagang nagkagusto si Teresa kay Joaquin… pero sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Joaquin? Mabait, maginoo, mapagmahal, mapag-aruga at maalalahanin. Bonus pa ang kanyang matipunong pangangatawan at g’wapo nitong mukha kahit sino ay pagnanasaan siya. Kahit na nga hindi na gaya ng dati ang kanyang pamumuhay ay marami pa rin ang nagkakaroon ng pagnanasa sa kanya paano pa kaya noong hindi pa sila naakusahan? Marahil ay marami ang nagkakandarapa at nangangarap na pangsawahin siya. Sino nga bang hindi? Total package na siya! Pero nagtatalo ang isipan ko na baka hindi iyon magagawa ni Teresa dahil sa alam niya naman na may nararamdaman ako kay Joaquin mas nauna niya pa ngang nalaman na may gusto ako kay Joaquin k
MALALIM na ang gabi ng bigla akong magising sa mga mumunting ingay na aking naririnig. Nanlalagkit la ang aking mga mata kung kaya nanatili itong nakapikit ngunit ang mga mumunting ingay ay unti-unting naging malinaw sa aking pandinig. Malalalim, nananabik at kinakapos na mga halinghing ang aking naririnig dahilan para magising ang buo kong diwa.“What the hell? Who's making out at this hour?” tanong ko sa aking sarili na ngayon ay nakadilat na ang aking mga mata ng buong-buo.Ramdam ko ang mabibigat na paghalinghing ng babae na animo'y sabik na sabik ang puke sa paglamas-masok ng naninigas na titi sa kanyang namamasang puke. Mas umigting pa nga ang pag-iisa ng dalawang nagtatalik dahilan para mapabalikwas na ako sa aking pagkakahiga.“Shit! Bakit kailangang malapit pa sa bintana ko sila magkantutan?” naiirita at namumula kong maktol.Tatayo na sana ako ngunit doon ko lang napansin na nawala sa tabi ko si Teresa. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na dumuk
“Ano ba? Bitawan niyo ako!” hiyaw ko at pilit na nagpumiglas ngunit mahihigpit ang kanilang pagkakahawak sa akin dahilan para mahirapan akong makakawala.“Sabi ko, bitawan niyo ako! Hindi niyo ba ako kilala? Isang kalapastanganan ang iyong ginagawa!” naghuhumiyaw kong pagbubunganga.“Kahit na ipangalanakan mo pa ang iyong sarili walang may nais mangialam lalo na sa isang tulad mong rebelde at espiya,” saad ng matabang Guardia Civil.“Sino bang tanga ang nagsabi na rebelde at espiya ako? May sapat ba siyang batayan sa kanyang mga ipinaparatang sa akin?” tanong ko.“Hindi pa ba sapat ang nakita namin ngayon? Kaya kung ako sa ‘yo manahimik ka na lang ang ingay-ingay mo,” inis na sabi niya na may kasabay pang panlilisik ng kanyang mga mata.“Bakit mo ako patatahimikin kung alam kong wala naman akong ginagawang masama at pinagbibintangan lamang ako?” sikmat kong tanong.“Hindi ka talaga titigil?” pagbabanta niyang tanong na namimilog ang kanyang mga ma
DISAPPOINTMENT and frustration was all over me though I already exhaust it through shouting it those feelings never gone. I felt I was a big dope who's acting like a doctor after all those fucking and tormented years in my life since I went in med school and work in my profession. Am I a certain joke all along?Napapalatak ako at napailing. “Grabe! I can't believe this!” Patuloy sa pag-iling kong sabi habang naglalakad ako nang pabalik-balik sa loob ng kulungan.“This face, this beautiful face? Is this face of a quack?” tanong ko sa aking sarili habang itinuturo ang aking mukha at napabuga sa labis na pagkasiphayo. “This is really unacceptable!”Sa sobrang frustration ay napasalampak ako sa sahig at napahalukipkip. “I really can't believe this!” paghihimutok kong sabi.Habang patuloy pa rin ako sa paghihimutok ay bigla akong nakarinig ng kaluskos sa aking likuran dahilan para magsitayuan ang aking balahibo.“What was that?” tanong ko sa aking sari