Share

Kabanata One Hundred Twenty-Six

“SALAMAT, Helena, sa katapangan na iyong ipinakita. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng ito pero ito lang masasabi ko na labis akong natutuwa at taos puso akong nagpapasalamat sa ‘yo at nagawa mong mapigilan na madungisan ang mga kamay ng aking anak,” nagpapasalamat na sabi ni Don Emilio sa akin.

“Iginagagalak ko po na maging masaya kayo,” nakangiti kong tugon sa kanya.

“Humihingi ako ng tawad, Helena, Nina, sa ginawa ng aking anak. Wala siya sa tamang kaisipan para makapag-isip ng tama. Ako na ang hihingi ng tawad sa pagkakamali niyang ginawa,” sinserong paghingi ng tawad ni Don Emilio sa amin ni Nina.

“Huwag niyo na po alalahanin ang nangyari—”

“Ate Helena, paano mo po nasasabi ang bagay na ‘yan? Muntik ka na po mamatay kanina hindi lang po ikaw pati na rin ako at ang mga batang dinadala natin sa ating sinapupunan ay kanyang idinamay,” pag-aalmang sabi ni Nina. “Hindi mo po dapat ipinagsasawalang bahala ang mga ganoong bagay.”<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status