Share

Kabanata Ten

Napapalatak ako sa labis na inis at pagkadismaya. “They are really disgusting! Paano nila nagagawa ang ganoon? Napakahalang ng mga kaluluwa ng mga hayop!” Mura kong paghihimutok.

Ngunit natauhan ako nang hindi ko namalayan na nakarating ako sa likod ng simbahan sa labis na lalim ng aking iniisip. Napalingon ako sa aking paligid at walang tao roon kung kaya doon na ako nagbuhos ng sama ng loob.

“Bullshit! Hypocrite! Mga bahagi kayo ng kasaysayan pero ano ang ginagawa niyo? Akala ko may basura pa sa kasalukuyang pamahalaan ngunit mas bulok at makasarili ang mga namamahala rito!” gigil kong paghihimutok sabay palatak at namaywangan. “Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit basura ang namanang paraan sa pamahalaan sa nagdaang henerasyon, bulok din pala ang pinagsimulan!” sarkastiko kong saad sa hangin.

Napahalukipkip ako bigla ng sumagi sa aking isipan ang mga napag-aralan ko noong elementary at high school ako at napabunga ng may pagkasiphayo. “Ang galing! Ha-ha-ha

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status