Sobrang dilim pa ng paligid at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin ng umaga nang magising ako dahil sa sakit ng tiyan na nararamdaman ko na sa sobrang sakit ay halos nakabaluktot na ako sa pagkakahiga.
“Shit! Ang sakit ng tiyan ko!” ani ko sa aking isipan na halos gusto kong sumigaw kaso hindi p’wede. Baka pati mga tao rito ay mabigla kapag bigla akong sumigaw ng dahil lang sa kabag. Hindi ko ini-expect na magiging issue sa akin ang hindi pagsuot ng panty sa panahon na ito kahit walang bentelador sa panahon na ito ay kakabagin pa rin pala ako.
Kahit pinipilipit na ako sa sakit dahil sa kabag ay naglakad ako patungong kusina para maghanap ng mainit na tubig para mag-hot compress at t’saa. Nang makarating sa kusina ay iginala ko ang aking mga mata ngunit ngayon ko lang napansin na wala man lang thermos sa panahon na ‘to. Bigla akong napasapo ng aking noo sa sobrang pagkadismaya.
“Kung kailan emergency saka pa pahihirapan ng ganito,” nanghihinang angal ko.
Hindi ko alam kung ‘yong regla ang aalalahanin ko o si Lita. Kung tatawanan ko ba siya dahil sa ikinilos niya o maiinis dahil sa overreaction niya at kailangan ko siyang pangaralan ng tungkol sa monthly cycle ng babae.Huminga ako nang malalim at hinawakan si Lita sa balikat. “Lita, hindi ako nasugatan para dalhin sa pagamutan. Karaniwan na ito sa mga kababaihan sa oras na tumuntong na sila sa edad na 12-16. Tawag diyan regla, hindi sugat. Kaya huminahon ka na kasi hindi ‘to sobrang lala gaya ng iniisip mo.” Paliwanag ko sa kan’ya.May pag-aalinlangan pa sa kan’yang mukha nang sandaling iyon ngunit makalipas ang ilang segundo ay doon niya lang naunawaan ang lahat ng aking sinabi.“Paumanhin binibini, hindi ko sinasadya ang aking maling ikinilos. Hindi ko po alam na regla ang tawag diyan, pasens’ya na po sa kakulangan ng aking kaalaman tungkol sa gan’yang bagay.” Paghingi niya ng dispensa nang nakayuko.Hinimas ko ang kan’yang buhok at ngumiti. “Ayos lang ‘yon
Inalis niya ang suot niyang salakot at iniligay iyon sa kan’yang dibdib sabay yuko. “Magandang umaga, Binibining Helena.” Bati niya sa akin.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kan’ya. “Anong ginagawa mo rito, Joaquin?” tanong ko.“Nautusan ako ni Padre Tonyo na magdala ng gatas at keso para sainyo.” Sagot niya.“Ganoon ba? Tulog pa kasi sina ina at ama baka maaaring mamaya na lang ang bayad para sa mga gatas at kesong iyong dinala. Idadaan ko na lamang sa parokya ang kaukulang bayad para roon.” Tugon ko.Biglang kumunot ang noo ni Joaquin sa aking mga sinabi. “Walang bayad ang mga iyan, binibini. Ito ay kusang bigay ni Padre Tonyo kina Don Raul at Doña Celestina.” Aniya.I felt awkward of what I’ve just done. Full of confidence pa naman ako tapos mali pa nasabi ko. It’s so embarrassing!“A, gano’n ba? Pasens’ya na hindi ko kasi alam. Kailan lang kasi ako umuwi rito sa Montecielo.” Pagdadahilan ko. Sana naman hindi na ako magkamali, nakahihiya kapa
Honestly, that’s where I work so obviously, “Yes, I am.” That’s what supposed to be my answer if I’m going to tell the truth pero dahil nandito ako sa panahon na ito, I should make a story that would fit in four corners so that he won’t doubt me.Tumango na lang ako bilang tugon sa kan’ya para safe.“Napakapalad mo naman para makapunta sa Estados Unidos.” Aniya na tila may panghihinayang sa kan’yang boses.“Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta ng Estados Unidos?” pangungusisa ko.Ngumiti ito ng may galak. “Bagamat dati akong nabibilang sa nakakaangat sa lipunan ay hindi ko nagawang makapunta sa Estados Unidos kahit gustuhin ko man.” Huminto ito sa pagsasalita at ngumiti. “Higit na mahalaga ang aming nasasakupan ng tulong kaysa sa pansariling kagustuhan.” Paliwanag niya.They were human who acts humane; who acts for good deeds but was wrongly accused.“Nakalulungkot naman,” mahina kong saad at napayuko.“Vita non est vivere, sed valera
Nasa harap ngayon kami ng hapag-kainan habang ini-enjoy nina Amang Don Raul at Inang Doña Celestina ang pagkain.“Anak, malapit na ang iyong kaarawan ano pa ba ang iyong balak ng sa gayon ay maayos na namin ng iyong ina ang ibang kakailanganin.” Tanong ni Don Raul sabay subo ng paborito niyang itlog na maalat at sinangag.“Ama, nais ko sanang magkaroon din ng salo-salo ang ating manggagawa kasabay ng pagdiriwang natin ng aking kaarawan.” Pakiusap ko kay Don Raul.Ngumiti si Don Raul sa akin na tila proud sa aking sinabi. “Kaya mahal na mahal ka namin ng iyong ina. Hindi lamang sa angking kagandahan at malawak na kaalaman ang mayroon ka kun’di pati ang pagmamahal sa ating mga manggagawa. Labis ka naming ipinagmamalaki, Helena.” Wika ni Don Raul.Hindi ko naman akalain na despite sa hindi ko gaanong pagkakakilala kay Helena ay may mga ugali kami na magkatulad and it saves me from big troubles para hindi talaga ako maging ibang tao sa paningin nila.“Anak,
“Bakit anak?” Ito ang unang katagang sinabi ni Don Raul matapos niyang makolekta ang kan’yang sarili sa pagkakabigla.Bigla akong napakunot sa naging reaksyon ni Don Raul. Tinignan ko siya at gano’n rin siya sa akin.“Bakit anak?” Muli niyang tanong sa akin na may seryosong mukha.“Kailangan po ba ng rason para tumulong ama?” tanong ko sa kan’ya.“Bakit mo siya gustong tulungan, Helena?”“Dahil hindi po tama ang nangyayari sa kanila. Maling-mali ama! Bakit kailangan nilang magdusa sa isang krimen na hindi nila ginawa?” mariin kong saad.“Anong sapat na ebidensiya ang meron ka para masabi mo na wala silang ginawang krimen? Paano mo sila pinaglalaban sa aking harapan kung wala kang sapat na ebidensiya para mapatunayan na wala silang kasalanan?”“Ikaw na po ang nagsabi ama na walang masamang salita ang makakapaglarawan sa pamilya ni Joaquin bakit po iba na ang lumalabas sa inyong bibig ngayon ama? Bakit po parang sinasabi mo na maari nilang mag
Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa buong kabahayan. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Teresa, napakapilya mo pa rin talagang bata!” natatawang sabi ni Don Raul.“Salamat sa papuri, Tiyo Raul.” Wika ni Teresa sabay hawak sa magkabilang saya niya at nag-bow.Natawa kaming lahat sa itinuran ni Teresa maliban sa kan’yang ama na stress na stress sa kan’yang mga pinaggagagawa.“Halina’t saluhan niyo kami sa aming agahan Carlos. Manang Miling! Magdala ka pa nga rito ng mga plato at kubyertos para sa aking kumpare at aking inaanak!” masayang utos ni Don Raul.Mabilis na kumilos sina Rosa at Aling Miling at sinunod ang utos ni Don Raul.“Maupo kayo Carlos at Teresa. Matagal-tagal na rin ng huli tayong nagkasama sa hapag.” Wika ni Don Raul.“Oo nga, Raul, masyado rin akong naging abala sa aking bayan gayon din itong si Teresa na kararating lamang galing Estados Unidos.” Paliwanag ni Ginoong Carlos.Napalingon kami na may labis na pagkabig
Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa tabi ni Teresa at ramdam ko ang mga tingin niya sa akin na tila masinsin akong sinusuri. Lumingon ako na may kunot sa aking noo. “Bakit?” tanong ko sa kan’ya.“Helena, bakit ka gan’yan? Hindi ka ba nagagalak na makita ako? Bakit parang wala lang sa ‘yo na nandito na ako?” tanong niya sa akin na may halong lungkot sa kan'yang tinig.Mabilis kong iwinagayway ang magkabila kong mga kamay bilang pagtanggi. "Hindi, hindi sa gano'n, Teresa. Nagagalak ako ngunit labis lang talaga akong nabigla sa iyong biglang pagdating," pagdadahilan ko. Nagbabakasakaling hindi niya ako mahuli sa mata niyang labis akong sinusuri. Ngunit muli akong nabigla nang mabilis niyang hinablot ang aking mga kamay at lumapit sa aking tainga."Umamin ka sa akin, Helena. Ano na ang nangyayari sa 'yo?" seryosong bulong ni Teresa sa akin.Bigla akong napalayo sa kan'ya at napatingin, "May nalalaman kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko siya
What exactly is really happening? Hindi ko makolekta ang aking isipan. Ano ba ang nangyari ngayon-ngayon lang? Sino ‘yong babaeng ‘yon? Bakit kamukha ko siya? I tried myself to analyze everything until I came up to my senses.“Hindi kaya siya ang tunay na Helena?” tanong ko sa aking sarili. Doon ko lang napagtanto na maaari siya nga ang tunay na Helena pero bakit siya humihingi ng tulong? Napuno muli ng mga katanungan ang aking isipan hanggang sa narinig kong muli ang malakas na pagtawag ng aking pangalan ni Teresa.“Helena!” sigaw niya dahilan para mapalingon siya kay Mang Vicente na nanatiling nakatingin sa daan.“Ha? Bakit?” wala sa huwisyong tanong ko.“Wala ka ba talagang naaalala?” mahinang tanong niya na halatang frustrated na sa akin.Umiling ako bilang tugon dahilan para bigyan niya ako ng isang malalim na buntong-hininga.“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Aniya at muling nagpakawala ng isang buntong-hininga