Share

Kabanata Twenty-Three

Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa tabi ni Teresa at ramdam ko ang mga tingin niya sa akin na tila masinsin akong sinusuri. Lumingon ako na may kunot sa aking noo. “Bakit?” tanong ko sa kan’ya.

“Helena, bakit ka gan’yan? Hindi ka ba nagagalak na makita ako? Bakit parang wala lang sa ‘yo na nandito na ako?” tanong niya sa akin na may halong lungkot sa kan'yang tinig.

Mabilis kong iwinagayway ang magkabila kong mga kamay bilang pagtanggi. "Hindi, hindi sa gano'n, Teresa. Nagagalak ako ngunit labis lang talaga akong nabigla sa iyong biglang pagdating," pagdadahilan ko. Nagbabakasakaling hindi niya ako mahuli sa mata niyang labis akong sinusuri. Ngunit muli akong nabigla nang mabilis niyang hinablot ang aking mga kamay at lumapit sa aking tainga.

"Umamin ka sa akin, Helena. Ano na ang nangyayari sa 'yo?" seryosong bulong ni Teresa sa akin.

Bigla akong napalayo sa kan'ya at napatingin, "May nalalaman kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status