Share

Kabanata Twenty-Seven

Nagulat ako sa aking mga narinig. No way, kapatid siya ni Joaquin? Napalingon ako kay Teresa na tila nagulat din sa kan’yang narinig.

“Kahit sabihin mo man na wala silang kasalanan, anong ebidensiya ang magpapatunay na hindi totoo ang ipinaparatang sa pamilya ninyo?” tanong ni Teresa na puno pa rin ng pagdududa.

“Hindi sila ganoong klase ng tao gaya ng inaakala mo! Hinding-hindi nila magagawa ang ganoong bagay!” mariing tutol ni Nina.

“Bakit? Ano bang alam mo sa pamilya mo? Alam mo ba ang lahat?” nanghahamong tanong ni Teresa.

“Teresa, ano bang sinasabi mo?” awat ko sa kan’ya.

“Bakit, Helena? Totoo naman na wala silang sapat na ebidensiya para mapatunayan na hindi totoo ang mga paratang na iyon sa kanila. Kung hindi totoo iyon, hindi sana sila mapaparusahan ng ganito. Mabait pa nga ang pamahalaan para buhayin sila sa kabila ng pagpatay nila sa gobernador-heneral,” marahas na sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status