Share

Kabanata Twenty-Six

Gaya ng ipinaalam ni Teresa kina Don Raul at Doña Celestina ay nagtungo muna kami sa simbahan para magpasalamat sa ligtas na pagdating niya matapos noon ay nagtungo kami sa panahian para kunin ang mga pinasadyang kasuotan.

“Magandang umaga mga binibini ano po ang aking maipaglilingkod?” tanong ng isang dalaga sa amin pakabungad ng pinto ng bahay panahian.

“Magandang umaga rin, narito ako para kunin ang mga pinasadyang kasuotan ng aking ina Celestina Montecielo,” sagot ko.

Tinignan ako ng dalaga na may labis na pagkabigla at pagkataranta dahilan para mabilis itong humakbang paatras at yumuko sabay hingi ng dispensa. “Paumanhin, Binibining Helena sa aking inasal hindi ko po kayo agad nakilala,” wika nito na labis na humihingi ng dispensa at hindi magawang makatingin sa akin ng diretso. “Sandali lamang po at kukunin ko lamang ang mga kasuotan.” Paalam nito na nagmamadaling umalis at kinuha ang aking kailangan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status