Share

Kabanata Twenty-Four

What exactly is really happening? Hindi ko makolekta ang aking isipan. Ano ba ang nangyari ngayon-ngayon lang? Sino ‘yong babaeng ‘yon? Bakit kamukha ko siya? I tried myself to analyze everything until I came up to my senses.

Hindi kaya siya ang tunay na Helena? tanong ko sa aking sarili. Doon ko lang napagtanto na maaari siya nga ang tunay na Helena pero bakit siya humihingi ng tulong? Napuno muli ng mga katanungan ang aking isipan hanggang sa narinig kong muli ang malakas na pagtawag ng aking pangalan ni Teresa.

“Helena!” sigaw niya dahilan para mapalingon siya kay Mang Vicente na nanatiling nakatingin sa daan.

“Ha? Bakit?” wala sa huwisyong tanong ko.

“Wala ka ba talagang naaalala?” mahinang tanong niya na halatang frustrated na sa akin.

Umiling ako bilang tugon dahilan para bigyan niya ako ng isang malalim na buntong-hininga.

“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Aniya at muling nagpakawala ng isang buntong-hininga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status