Share

Fated to the Dark Beast
Fated to the Dark Beast
Author: Mairisian

Chapter 1

Tournament 

"Yanna, Yanna, Yanna..."

Ngumisi siya habang prenteng nakatingin sa isang nilalang na nakatayo sa kanyang harapan sa loob ng battleground, kung saan sinagawa ang isang sabong— hindi ng hayop kundi ng mga taong may taglay nang lakas sa larangan ng martial arts o taekwondo.

"Tsk, ako ang nanghihinayang sa 'yo. You look fragile, no mark that you are one of the black belter— Yanna, right?"

Tumikwas ang kilay ko at ngumisi rito. "Yes, Yanna."

"Are you sure that you have to accept to fight with me?" Kumunot ang noo ko. "Walo na ang napatumba ko sa ganitong laro, apat sa kanila ay injured at may bali sa buto. You want to be one of them?"

Isang ngisi lang ang itinugon ko rito.

"Don't blame me later, Yanna. I'm giving you a chance to change your mind now. Tsk, ako talaga ang nanghihinayang sa taglay mong ganda. Sayang."

"Tommy, right?"

"Yes. I'm glad you know my—"

"Huwag mong basta maliitin ang kayang gawin naming mga babae o nang kaya kong gawin sa 'yo."

"Oh, palaban..."

Ngumisi muli ako rito at umayos ng tayo.

The emcee starts talking on his post. "Ladies and gentlemen, first of all, good evening. Now, let me introduce you our player for this tournament. On the left corner, our very own stunning, Yanna. She is a certified black belter and a martial arts master." Pagpapakilala nito sa akin. "And, Tommy is on the right corner, he is a certified Huntsman, also a martial arts master." Marami rin ang pumalakpak ng ipakilala ito sa lahat ng manonood. "And now, let us begin the battle..." Ang malakas na sigaw ng emcee.

Pumalakpak ang lahat at naririnig ko na naman ang kanya-kanyang hiyawan ng mga ito kung saan sila pumusta.

The black society fight is held every 6 months of the year. It was legit gambling, and it was organized with the high civilization personnel.

"Yanna, may kaunting oras ka pa para umatras sa laban na ito," huling hirit nito.

"You really think that I can not beat you, huh?"

"Of course, you can't beat me. As I told you, I beat 8 people. I am dangerous,Yanna. Very dangerous!"

His words didn't bother me. "Well, let us see Tommy, if how dangerous you are."

"Ayaw mo talagang umatras sa laban na ito?"

"Shut up, Tommy. Hindi ako ang klaseng manlalaro na umaatras sa isang laban. Get ready and let us start the Battle!"

"Okay, pagbibigyan kita sa gusto mo, basta walang sisihan kung mababali ko man ang buto mo." Ang wika nito habang nakangisi.

"Sure, don't show mercy, okay?"

"I won't because I should have won this game, Yanna."

"Good luck, Tommy." Nakangisi kong tugon rito.

"People around here, are you ready?" sigaw muli ng emcee sa mikropono.

"Yes...." Hiyaw na Yes ang sagot ng mga tao.

"Who's going to Tommy?" Marami at malakas ang hiyawan sa pangalang sinambit ng emcee. "Wow, maraming supporters si Tommy ah. And how about Yanna's supporters?" Mas doble ang humiyaw sa pangalan ko.

I smirked. I'm glad how many proponents I have. I mean, mga manonood na sa akin pumusta.

"Tommy and Yanna! The battle will begin in 3, 2, and 1..."

They both threw their gowns as the whole crown shut down the lights. Tanging ang nasa gitnang parte lang ng stage kung nasaan sila naroon ang bukas ang ilaw. All the viewers put on their 3D glass, iyon ay upang mas tanaw ng mga ito ang laro sa gitna ng battleground.

Pareho kaming lumundag sa ere at tumungo na sa gitna.

Pumikit ako. I was concentrating and listening to the ground, also I am observing my opponent. Hindi ko alam, ngunit may taglay akong malakas ang pang-amoy at pandinig.

"Ahh..."

Bago pa man ako mapuruhan ng sipa ng kalaban ko ay naunahan ko na ito. I hold his heavyweight leg saka ako umikot at iniikot ko rin ito sa ere bago binalandra ng malakas sa sahig.

"Ugh!" Napangiwi ito sa sakit.

"Oh, my, God. In just one switch, napatumba na agad ni Yanna ang kanyang kalaban." Nagpapalakpakan ang lahat.

I smirk and move my head. "Get up, Tommy. Ngayon mo sabihin sa akin na kaya mong baliin ang mga buto ko."

His eyes shows anger. Tumayo ito at lumundag at sumipa sa akin.

"Oops..." Umilag ako at tumungo sa likod nito saka ko ito sinipa paitaas sa ere.

Napapaubo itong bumagsak sa sahig. Tumaas ang kilay ko rito habang tumayo sa paanan nito.

"Walo lang ang napatumba mo? Gosh, ang kaunti. Sa akin bente uno, at lahat sila ay bali-bali na ang buto. I think, pang 22 ka—" Hindi ko inasahan ang pagsipa niya sa paa ko.

I immediately work my reflexes. Nagtataka ako kung bakit parang nilipad ako sa hangin at tumayo bago pa man bumagsak sa lapag. Ramdam ko ang pagtayo nito. Bago pa ako makagalaw ay sumulong ito sa akin. Before he punches and kicks me, lumuhod ako at umilag. Pero nadaplisan pa rin ng kamay nito ang bandang likod ng balikat ko.

"Uh huh. Dangerous! Tsk." Hinaplos ko ang parteng nadaplisan nito. "Gusto ko pa sana patagalin ang laro natin e. Kaso yung galaw mo, very dangerous nga. And it's not good for my beauty, health, and body."

Sa isang iglap. Kinuyog ko ito sa kamay. Binali patalikod saka pinatumba. Umigik ito sa sakit. But I should have end the game kaya buong lakas ko itong itinaas gamit ang dalawa kong kamay. I count 1, 2, and 3 saka ko initsa, sinipa paitaas, and for my final moves— Tumalon ako lagpas sa katawan nito. Bumagsak ito habang nakatayo ako sa ibabaw ng katawan nito.

"Ugh!" Napadaing ito at napangiwi sa sakit na dulot ng pagbagsak nito.

"Sa susunod, bago mo ako yabangan, siguraduhin mong kaya mo akong tapatan. Don't judge the books by their cover, Tommy boy!" Sabi ko saka ito malakas na sinuntok sa gitna ng malapad niyang dibdib. Pumikit ito nang tuloyan matapos kong sundutin ang batok nito kung nasaan ang sensitibong ugat na siyang magpapawala ng ulirat ng isang tao.

"Woo. Woo... Winner, winner, winner!"

"Yanna... Yanna..."

Iyon ang  hiyaw ng mga tao sa palibot ng battleground. Ang pumusta sa akin ay masyadong masaya, bukod sa nanalo na sila napanood pa nila ang maganda ngunit mabilis na laban.

"She's still our remaining champion. Let us congrats our very own, Yanna, even though you end the battle in just 5 minutes quick."

I smile and mounted on the crown, "Thank you, all."

Yeah, tinapos ko sa kadahilanang malalim na ang gabi at magtataka na si Roman kung nasaan na naman ako!

And of course, napatingin ako sa aking orasang pambisig. The time check, exactly —12 midnight.

I sweetly smile. "It's my special day,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status