Share

Chapter 2

23rd 

After my fight, I decided to go to the village where poor people are living. Nagdala ako ng isang sako na bigas, can goods, noodles at iba pa na kailangan ng mga ito sa pang araw-araw.

Sa ganoong oras ako pumuslit ng araw na iyon. Hindi ko na kasi maihatid sa kanila ang mga grocery na 'yon dahil magiging busy na ako after my birthday. Isa pa, nakaimbak lang ang mga 'yon sa kotse ko.

People in that area are so grateful to accept my help. Kilala na ako sa lugar na 'yon kaya maraming sumasalubong sa akin mapabata o matanda man.

"Maraming salamat, hija. Patnubayan ka nawa ng Diyos, bigyan ka lagi ng maayos na kalusogan at bigyan ka ng maraming biyaya."

"Salamat ho. Nako Lola Rita, Lolo Lito ako'y aalis na at siguradong hinahanap na ako ni Uncle sa mga oras na ito," paalam ko sa mga ito.

"Magingat ka, anak." Lolo Lito said to me.

I smiled and then I slid inside my car. "Balik na lang ho ako sa susunod."

Tumango ang mga ito.

"Happy Birthday, Yanna. Bye!" They both wave their hands on me.

I nod then I finally start my car engine.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko sa gitna ng kalsada. It's already 01:30 Am, halos wala ng tao at sasakyan sa buong kalsada na dinaraanan ko. Lahat ay namamahinga na dahil sa lamig na hatid ng hangin sa buong paligid ng Ontario, Canada.

"Saan ka nanggaling?"

"Oh, my, God." Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang may taong lumitaw sa huling baitan ng hagdanan kung saan patungo sa aking silid.

"Hi, uncle," nag-alangan akong ngumiti rito nang nasa harapan na niya ako.

"Saan ka galing, Yanna?" Seryosong tanong nito sa akin.

Napapakamot ako sa ulo ko. "Um, h-hinatid ko lang yung mga pagkain doon sa mga kaibigan ko," pagpapalusot ko rito.

"Sa ganitong oras ng madaling araw?"

"E—"

"What's this?"

"H-huh? Ouch..." Napangiwi ako ng matagpuan nito ang maliit kong daplis na hiwa sa may balikat ko sa likod.

"Tsk, tsk. Nakipaglaban ka na naman sa black society tournament?"

I just close my mouth. No words came out.

"Yanna, tinatanong kita?"

"Y-yes, uncle. But don't worry, hindi naman ako napuruhan. Daplis lang ng kuko ang tumama kaya nagkasugat ako sa likod."

Kumunot ang noo nito at inamoy ang banda sa may sugat ko. Napamaang ito nang may nakita sa sugat ko.

Inobserbahan nito ang sugat. Nagtataka naman akong nakatingin lang dito.

"Uncle?"

"It's time," he stated.

I frowned. "T-time for what, uncle?"

"Today is your born day, Yanna." Seryoso at bigla itong napatingin sa malayo.

"Yes, it's my birthday. My 23rd birthday." I smile a bit. "U-uncle?"

Nagtataka ako ng tumungo ito sa bintana at sumulyap sa malayong kagubatan na natatanaw sa likod ng aming bahay.

"Get ready, Yanna."

"H-huh?"

"Pangitain ang sugat mo. Kailangan na nating magumpisa sa misyon na gagawin mo."

I sighed, then I feel sad. "Birthday ko na naman.  Kung buhay lang sana sila mommy at Daddy, siguro masaya tayong nagdidiwang sa araw ng kapanganakan ko," nalulungkot kong wika.

He nods. "You are right, dear. Kung hindi sana sila walang awang pinaslang ng mga halimaw ay hindi ka sana nagiisa at naiwan sa aking pangangalaga ng mga magulang mo ngayon."

I gritted my teeth, my anger start to flood. I also feel like my eyes spread flames every time I think of how they died and who is the responsible of their death.

"I promise to give justice for my beloved parents, uncle!" May galit kong sambit rito.

"That's right, dear. Bigyan natin ng tamang hustisya ang pagpanaw nila," sabi nito habang nakahapos sa buhok ko na kulay abo.

"Then, when is the right time, uncle?"

Mariin niya akong tinitigan ng kanyang berdeng mata. "The right time has finally arrived, Yanna. You get ready. On the other day— lalakbayin mo na ang Northern Boreal Forest kung saan sila nakatira."

"I am always ready as I strive justice for my beloved parents, uncle Roman." Sambit ko rito na may poot pa rin sa mga halimaw na taong lobo.

"Save your anger against the bad wolf, Yanna. It's your day today. So, keep calm and just always relax."

Tumango ako rito at mapait na ngumiti. "Tama ka Uncle. I should be glad and thankful for the another year of my life."

He caressed my head. "Happy Birthday, child."

I smile a bit. "Thank you, uncle."

He nods. "I will excuse you today. Hindi kita sesermonan dahil lumabas ka na naman ng walang pahintulot ko. You really a—"

"Ops. Akala ko ba walang sermunan ngayon?" I said as I wave of my hand.

Bumuntong hininga ito. "Alright, sabi ko nga."

I smirked. "But you know, mas gusto kong sinesermunan mo ako."

His eyebrows raise. "At bakit?"

"Dahil ramdam ko na mahal mo ako." Mas kumunot ang noo nito. "Don't get it wrong, uncle. I mean, feel ko kasi espesyal ako kapag over protected ka sa akin. Minsan kasi feel ko ay wala kang pakialam sa akin."

He sighed. "Do not feel that way, dear. Of course, you are special to me. So much special. Kaya huwag mong isipin na minsan ay wala akong pakialam sa 'yo. Ayaw lang kitang higpitan dahil ayaw ko rin na sumama ang loob mo sa akin kapag ginawa ko 'yon. Remember this always, child. No matter what happens, you are still the Uncle's Angel."

Natutuwang niyakap ko ito ng mahigpit. "Thanks, uncle. You really are the best uncle in the whole universe." I gladly said.

Ramdam ko ang biglang pagbitaw nito sa yakap ko.

I frown.

"Go now to your room and rest, Yanna."

Napapatango ako habang tinitignan ang pagbaba nito ng hagdanan.

I sighed.

Sometimes, I feel strange in my uncle's behavior. Sorry, but, I just feel coldness towards his approach to me. Yes, minsan ay napakabait niya, but I still feel odd.

Inalis ko sa aking isipan ang aking nararamdaman. I just got inside my room and I take shower before going to bed.

Habang nagpapahid ako ng moisturizing lotion sa aking buong katawan sa harap ng aking tokador, naramdaman ko ang pagkirot ng aking maliit na sugat sa likod. Gumilid ako sa salamin at sinulyapan iyon.

Biglang kumunot ang noo ko ng may nakita akong parang pinong buhanging ginto na kumikinang sa loob ng aking sugat. Sinuri ko iyong mabuti. I slowly reaching it. At tama, para nga iyong ginto nang pagmasdan ko sa aking daliri.

I'm just wondering, my heartbeat raised of a sudden. Para ba iyong tambol na hinahampas ng malakas at palapit ng palapit sa aking tainga.

Unti-unti akong napapangiwi dahil parang nabibingi ako sa palakas na palakas na naririnig ko sa loob ng aking tainga. I hardly covered my ears and I hardly closed my eyes.

Sa aking pagpikit, isang malabong anyo ng isang ginang na napakaputi ang aking nasusulyapan. The woman is very awful, and—

Bigla akong napahiyaw ng mariin ng bigla na lang may isang maitim na lobo ang siyang pumalit sa anyong nakikita ko. Napadilat akong bigla nang bigla akong takbuhin at sunggaban ng anyong nakikita ko.

"Yanna?!" My uncle immediately get inside my room. Nagtataka itong tumingin sa aking pawisang noo. "Anong nangyari? Why did you scream?"

"Uncle, I—I saw..."

"You saw what, Yanna?" nagtataka nitong tanong sa aking takot na mukha.

"I-I saw, a black b-beast."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status