Share

Chapter 6

Maraming nagbago mula noong araw na 'yon. 

He became extra on everything.

Hindi ko alam kung magiging grateful ako pero mahirap na hindi ma-appreciate ang lahat ng ginagawa n'ya. He's genuine with everything he does. He cares about me a lot. At sa bawat magagandang ipinapakita n'ya sa akin, mas nagiguilty akong tinutulak ko s'ya palayo. 

Palagi na rin s'yang sumasabay kapag lunch. He brings me food na s'ya mismo ang nagluluto. He's being a real boyfriend material at mas lalo akong nalulungkot dahil doon. Lalo kong kinamumuhian ang sarili ko dahil doon. 

 

Alam kong gusto ko rin s'ya. Alam kong magiging masaya ako sa kan'ya. Pero alam ko ring hindi pwede. 

Hindi pwede ang nararamdaman ko sa ganitong sitwasyon. Hindi pwedeng isipin ko lang ang tungkol sa kasiyahan ko. 

Marami akong kailangang gawin at ayusin. At ayaw kong idamay s'ya do'n. Ayokong idamay s'ya sa problemang ako mismo ang gumawa. 

No'ng nalaman n'ya ang tungkol sa paglalayas ko, hindi n'ya iyon kinuwestiyon. Instead, he tried to tell me positive things. He always ask if I'm doing good, at ayokong masanay akong araw-araw n'yang tinatanong kung maayos ako o kung kumusta ang maghapon ko.

I don't want to get used to it.

I don't want to get used to something that might wholly ruin me in the end. Kasi sa tuwing nasasanay ako sa isang tao, nawawala sila sa akin. Si Mommy, si Giyo, pati na rin si Daddy. Kahit na alam kong ako ang naglayas, alam kong noon pa man unti-unti na ring nawawala si Daddy sa akin. 

At ako? Ako 'yong laging naiiwan. And the fact that everyone leaves you, makes you want to question your worth as a person. Paulit-ulit. Parang isang siklo na natural nang nangyayari sa buhay ng isang tao.  

But despite everything, tinuloy n'ya pa rin ang panliligaw sa akin. Kahit na walang kasiguraduhan, sinusubukan n'ya pa rin. 

This morning, I woke up in a bad mood. Alam ko kasing hindi ako makakapunta sa concert ng Green Day dahil hindi ako nakabili ng ticket no'ng nakaraan. Hindi naman big deal 'yon, pero hindi ko pa rin maiwasang manghinayang. 

Green Day has been one of my favorite bands and I want to see them performing live. Noong nakaraang mga taon kasi, isang beses lang silang nag-concert dito. Bumili ako ng ticket no'n na nasayang lang dahil may dinner party ang kumpanya na kailangan ko raw puntahan kahit na ang gagawin lang naman ay makipag-plastikan sa mga taong hindi ko naman lubusang kilala. 

Noong nakaraang araw, tinanong ni Prime kung libre raw ba ako ngayon. And since Saturday naman, um-oo na lang ako. I have no idea where will he take me. No'ng tinanong ko naman, ang sabi ay surprise raw. Hindi ko rin alam kung date ba 'to o ano. 

Honestly, I became too awkward to him since that day. I wasn't sure if that's because I told him I haven't moved on yet or because of his urge to pursue me despite the thing I've said. 

Ang totoo, naka-move on na ako. 

Yes, I lied. 

Sa ilang taong nakalipas, alam kong unti-unti ay naghilom na ang mga sugat sa loob ko. 

Death is inevitable but acceptance will always be a choice. When someone dies, it means their mission in this planet has ended. 

And I think, that's the case with Giyo. Noong gabing 'yon, alam ko sa sarili kong hindi na rin kami magiging maayos. Nabuhay man s'ya, alam kong malabo nang bumalik kami sa dati. 

Pero ang hirap kalimutan. 

Parang multo na paulit-ulit akong binibisita 'pag gabi at mag-isa ako. 

Siguro nga hindi totoo ang sabi ng iba. 

Minsan daw, kaya nahihirapan tayong lumimot ay dahil masyadong maraming memories ang naiwan ng mga taong nawala sa piling natin. 

But the real thing is, you can't forget an event that brought a huge impact in your life, you can only move forward and accept that it happened. 

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. I wore a faded ripped jeans, sneakers and a black shirt. Hindi ko alam kung saan n'ya ako dadalhin kaya mas mabuti na kumportable ako sa suot ko. 

When I looked at my watch, almost 20 minutes have passed after two o'clock. 

Actually, alas tres pa ang usapan namin. Inunahan ko lang s'ya dahil madalas ay maaga 'yon at inaantay pa ako. And I don't want to keep him waiting. 

"Aalis ka?" Pupungas-pungas na lumabas si Shillem sa kwarto n'ya. Halatang kagigising pa lang dahil humihikab pa. 

"Oo, nagyaya si Prime," tugon ko. 

She chuckled before making her way to the kitchen. "Sasagutin mo na?"

Natigilan ako. Hindi n'ya alam ang tungkol sa nangyari kaya hindi maitago ang nang-aasar na ngisi nito. It feels like I'm caught in the middle and I don't know what to think of. 

"Hindi ko pa alam…"

Pumalatak s'ya. "O may balak ka bang sagutin?"

"I don't know."

She looked at me, brows were furrowed. "Bakit?Ayaw mo? Mabait naman 'yon, matalino, gwapo tapos feeling ko rin masarap maging asawa…"

Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko. Kaya nga, kaya nga ayoko, dahil do'n. He's too precious to get hurt dahil lang hindi ko pa kayang sumugal. 

"Ang hirap kasing ipaliwanag," nangingiti kong wika. 

Nagkibit balikat ito bago umupo sa upuan malapit sa countertop. "Mararamdaman mo naman 'yon. Kung mahal mo, bakit hindi 'di ba?"

That might be the case, but still I don't want to put myself into something I might regret in the end. 

Hindi ko s'ya sinagot. I returned my gaze to the mirror. Sandali pa akong nag-ayos bago magpaalam sa kan'ya. Tinugon n'ya lang 'yon ng ngiti at kumpas ng kamay. She didn't mention the thing about us again. 

Pagdating ko sa baba, napansin ko agad ang motor ni Prime. 

See? Maaga s'ya lagi. At never s'yang nagtetext na nakarating na s'ya. He usually says, ayaw n'yang magmadali ako, na kaya naman daw n'yang mag-antay. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin wala s'ya sa may bench malapit sa motor n'ya. 

Luminga-linga ako sa paligid. Then, there I saw him. 

May dala itong basket sa kaliwang kamay habang inaalalayan sa kanan ang isang matandang babae sa pagtawid.

The old lady is smiling at him while saying something. Hindi ko sila marinig dahil medyo malayo ang tayo nila sa akin. Nang tingnan kong muli si Prime, tumatango ito at bahagyang ngumingiti. Kumaway pa siya bago tuluyang iwan ang matanda. 

Napaayos agad ako ng tayo at umiwas ng tingin nang bumaling s'ya sa may gawi ko. Baka sabihin n'yang tinitingnan ko s'ya… which is really true. Pero ayaw kong mahuli n'ya. 

Saka ko lamang napansin ang mga sasakyan sa harapan ko nang magkunwaring hindi ko pa s'ya nakikita. Though this place isn't a busy street, medyo marami pa rin ang dumadaan na mga sasakyan dahil shortcut ito papunta sa maraming establishments. 

"Gail!"

I finally turned my gaze when I heard him calling me. 

Waving my hand, I showed him a light smile. Ngiting kunwari ay kakakita ko lang sa kanya. Come on, you can't fool yourself, Gail. 

"Kanina ka pa? Nahihirapan kasing makatawid si Lola, pasensya na," napakamot sa batok nitong wika habang lumilingon sa matandang babae.  

Mas nilakahan ko ang ngiting pinapakita sa kanya bago muling tanawin ang tinatanaw n'ya. "Ayos lang, tara na?"

"Tara!" magiliw nitong wika. 

Hindi ba s'ya nauubusan ng energy? He always plaster a smile whenever he's with me. Kaya siguro nahahawa na rin ako. 

Sabay kaming nagtungo sa kinaroroonan ng motor n'ya. When I was about to get the white helmet I used to wear, he took it first. 

Na-estatwa ako nang lumapit s'ya at ingat na ingat na isinuot 'yon sa akin. 

He touched my jaw unintentionally that I almost freak out after feeling the heat his fingers transmit. I can't look at him straight in the eyes kasi feeling ko ay maduduling ako dahil sa katiting na distansya sa pagitan namin. My knees are wobbling and the overall tingling I'm feeling makes me catch my breath. 

Mabuti na lamang at hindi n'ya napansing nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil agad din itong nagtungo sa motor n'ya.

"Gail? Ayos ka lang ba?"

Napakurap ako. "Huh?"

"Are you okay?"

"Ako?"

"Gusto mo bang… buhatin kita papunta rito?"

Napangiwi ako sa narinig. 

"A-ano?" 

He chuckled. "Hindi ka ba sasakay?"

I gasped. "Sasakay!"

Shit. 

I probably looked crazy a while ago! Nautal lang naman ako sa harap n'ya, na never namang nangyari! 

But when chances is playing with you, you can't avoid it. At kahit hindi pa ako nakakamove-on sa kahihiyan, inabot nito ang kamay ko at saka inilagay sa t'yan n'ya. 

The possibility of our bodies having a contact is at stake and I can't get control of the thumping inside my chest. 

Ang sabi ko, ayoko, pero sadyang salungat ang lumalabas sa bibig sa kinikilos ko. And it's dooming me now. Para akong nauupos na kandila dahil sa init na dulot ng katawan n'ya. 

And for me not to get closer to him, I stooped down on his back. Kaya naman bago pa paandarin ang motorsiklo, bumaling na ito sa akin. 

"Are you okay? You've been fidgeting. Ayaw mo bang tumuloy tayo?"

Ngumiti ako kahit alam kong hindi n'ya 'yon pansin dahil sa suot kong helmet. "I'm good, tara na!"

"Are you sure?"

"Oo naman!" sinubukan kong ayusin ang tono ng boses ko. 

Though hesitant, he still started the engine. At kahit na umaandar na ang motor n'ya, hindi pa rin maiwasang tumigil ng mundo ko. And I'm sure, he's the reason why.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status