Share

Chapter 5

Days flew fast. 

Nagsimula na akong magtrabaho sa shop tulad ng napagkasunduan. 

Madali kaming nagkapalagayan ng loob ng mga katrabaho ko dahil na rin siguro halos malapit lang ang edad ko sa edad nila. 

Natunugan kong Civil Engineering din ang kinukuha ni Mel kaya nagtanong-tanong ako sa proseso ng pagsi-shift sa department nila. Ang sabi n'ya ay madali lang naman daw. 'Wag daw akong mag-alala dahil tutulungan n'ya ako. 

Sinagot ko lang s'ya ng maliit na ngiti. I don't wanna be indebted to someone I just met. Kaya hindi nakapagtatakang hindi ko maiwasang kabahan. 

"Gail, paki-assist naman 'yung customer sa table 8." 

Natigilan ako nang marinig si Ate Ria. Nadatnan ko 'tong nagsasalin ng drinks sa lalagyan nang marating ko ang counter. 

"Ikaw na ang bahala ha? I-seserve ko lang 'to!" narinig ko pang sabi n'ya bago ito magtungo sa dulong bahagi ng shop.

It's Sunday.

Tulad ng mga nagdaang linggo, hindi magkamayaw ang pagdagsa ng customer kaya medyo hirap kami. Idagdag pa do'n ang pag-absent ni Mart dahil daw may sakit ito. 

Tinanguan ko na lamang si Ate Ria na alam kong hindi n'ya na rin napansin dahil nakaalis na. 

As I approached table 8, I noticed a guy wearing a black cap. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil hanggang baba ng mata ang suot nitong face mask. He is almost a few inches away from the table. Pero feeling ko ay pareho sila ng features no'ng nakita ko sa grocery store. Oo, tama! Doon ko nga s'ya nakita. 

Nakatayo ito at tila handa nang umalis. Akala ko ba ay o-order s'ya?

Susundan ko pa sana ang lalaki ngunit dali-dali nitong tinungo ang pintuan. A couple of minutes passed, until no traces of him was left. Weird.

Napabuntong hininga akong bumalik sa counter. Ate Ria even asked me about it but I just shrugged and told her the guy seems to be in a hurry. Hindi ko alam kung nangpa-prank lang 'yon o ano. Pero baka may emergency. 

'Yon ang mahirap sa mga customers, minsan ay nilalayasan ang order nila. May mga nagpapareserve o umoorder pero hindi naman binabalikan o binabayaran. Hindi ko alam kung anong trip ng ibang customers at gano'n ang ginagawa nila.

The afternoon in the cafe is a bit smooth. May mangilan-ngilang customers. Ang iba'y dumadaan lamang para mag-take out, madalas mga businessman o mga abalang tao. Hindi naman nakapagtataka dahil maraming katabing establishment ang shop. 

At dahil nga kakaunti naman ang mga dumadagsang mga customer no'ng sumapit ang hapon, napagdesisyunan kong umupo muna sa upuan malapit sa counter. 

Come to think of it, Sabado kahapon at alam kong nagkita sina Prime at Olivia. I don't have any problem with that pero medyo nagdududa lang ako. 

Hindi ba dapat 'pag nanliligaw ka, sa isa lang? 

Bakit s'ya makikipagkita ro'n? I mean, hindi naman sa nagseselos ako, pero hindi magandang tignan 'di ba? 

Pero ang sabi ko sa kan'ya, ayos lang na magkagusto sa dalawa! I know, somehow, kasalanan ko rin. Kaya wala akong karapatang magreklamo. 

No… enough with those thoughts. Baka mabaliw lang ako 'pag inisip ko pa ang tungkol sa kanila. 

Now, I have to do something that'll make me forget about that thought. 

Saktong inilapag ni Ate Honey ang order slip sa harapan ko kaya medyo nawala ang pokus ko ro'n. 

1 Iced Americano

1 Baked Mac

"Gail!" 

Napapitlag ako dahil sa matinis na boses ni Ate Honey. Doon ko lamang napansin na puno na pala 'yung cup na nilalagyan ko ng Americano. 

I was left in awe. Nadumihan na tuloy ang apron na suot ko. 

"Gail, may problema ba? Pahinga ka na, ako na muna d'yan," nag-aalalang sambit ni Mel.

Pilit na ngiti lamang ang naisagot ko sa kan'ya. "Ayos lang ako… pasens'ya na…"

Come on! Brace yourself, Gail! 

Umiling si Mel bago ako daluhan sa ginagawa ko. "Ako na," wika n'ya. 

Wala akong nagawa kundi tumango. I don't know why I'm being this way but I don't like it. Naaapektuhan pati ang mga katrabaho ko. 

Ano bang nangyayari sa 'kin? 

I need to unwind and forget about those stuff so I decided to went to the kitchen and I found Shillem talking to someone on the phone when I arrived. 

"Dad, hindi ko s'ya pwedeng pabayaan..."

I think she's talking to Tito Ruzzel.

"Pero Dad..."

A hint of defeat became apparent on her face. Nakaharap s'ya sa may gawi ko kaya napansin ko ang paggalaw ng kanyang kilay at pagkalukot ng mukha. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-usapan nila ngunit base sa itsura n'ya, alam kong hindi 'yon maganda. 

Nang madako ang tingin n'ya sa akin, nanlalaki ang mga mata nito at parang hindi makapaniwalang nakikita n'ya ako. 

"Gaa-il, kanina ka pa ba d'yan?" A streak of horror is evident on her voice. Tila ba natatakot s'yang baka may narinig ako sa usapan nila ni Tito. 

"Kararating ko lang, sinong kausap mo?" 

She blink a couple of times before answering. "Uhm, si Dad, nangungumusta..."

Tumango lamang ako. I think she felt awkward and she doesn't want me to ask about what they've talked about kaya nagsalita itong muli.  "Anyway, umuna ka na sa condo ha? Mag-iinventory kami ni Ate Ria mamaya kaya medyo mahuhuli ako."

Nakunot ang noo ko. "Pwede naman akong tumulong, kung okay lang." Wala rin naman akong gagawin kaya okay lang kung magpapahuli ako.

She shook her head no. "Okay lang kami Gail, I know pagod ka. At saka maaga ka pa bukas."

Bukas ko iintindihin 'yung mga requirements para sa pagshishift. I know I need wake up early pero hindi naman siguro maaapektuhan ang pagtulog ko kung matatagalan ng isa o dalawang oras lang 'di ba?

Pero mukhang desidido na s'yang pauwiin ako nang maaga dahil sa ngiti n'yang nanghihimok, kaya wala akong nagawa kundi ang um-oo. 

Minutes before 5:00 PM, sabay kaming lumabas ng kitchen. Nang marating ko ang counter kung saan bahagyang nakikita ang mga paparating na mga customers, I noticed a familiar figure approaching the entrance of the cafe.

Hindi naman nakapagtataka 'yon dahil walang palya ang pagpunta n'ya sa cafe araw-araw. Kaya araw-araw din ang pangangantiyaw na nakukuha ko mula sa mga kasama ko.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pagsipol ni Mel no'ng dumaan ako sa pwesto n'ya upang salubungin ang papalapit na si Prime. 

Nang marating ko ang pintuan, bumungad sa akin ang matamis nitong ngiti. 

"Hi," kaswal na pagbati n'ya. 

"Hi. Ang aga mo yata?" 

"Galing ako sa school, out mo na?" luminga pa s'ya sa likuran ko at saka binati ng ngiti ang mga kasama ko.

Anong ginawa n'ya sa school? 

"Ah oo, magpapaiwan si Shillem, mag-iinventory daw. Saglit lang ha? Mag-aayos lang ako."

He nodded. 

Galing ba talaga s'ya sa school o nakipagkita s'ya kay Olivia? Who knows? 

Inayos ko na ang mga gamit ko at saka ay nagpalit ng damit. Nang makalabas sa banyo, sinalubong ako ng ngisi ng mga kasama ko. 

"Ingat Gail, mahirap ang buhay ngayon!" nang-aasar na wika ni Mel na tinugunan din ng hagikhik nina Shillem at Ate Honey.

Mabuti na lang at wala na masyadong customer na malapit sa amin. Mga baliw talaga. 

"Sabihin mo 'pag kailangan n'yo ng privacy, pwede naman akong umuwi sa bahay!"

"Gumamit ng protection!"

"As if naman! Baka marinig kayo no'n."

They just laughed hysterically. Mga walang magawa sa buhay. Palibhasa walang nagsusundo. 

I smiled bitterly with that thought. I was thinking, maswerte nga ba ako? I want to give him a chance, kahit na alam kong mahihirapan ako. Oo, napapakilig at napapangiti n'ya ako, pero sapat na ba 'yon? Sapat na ba 'yon para sumugal muli? Paano kung dumating 'yung araw na mawala 'yung kilig? What if he leaves me in the end? 

"Tara na?" Iginiya n'ya ako papunta sa motor n'ya at saka kinuha ang backpack na dala ko.

"Prime..." A hint of excitement became apparent on his face as I call his name. "Daan muna tayo sa Lunti, okay lang?"

He flashed a genuine smile, the usual smile I see when he's with me. Totoo ba talagang gusto n'ya ako?

I was afraid. There's a half of me that's hesitating. Paano kung pinaglalaruan n'ya lang pala ang damdamin ko? Paano kung si Olivia talaga ang gusto n'ya at ginagamit n'ya lang ako para pagselosin ang babae? 

Paano kung dumating 'yung panahong magsawa s'ya sa akin at iwan din ako?

Hindi ko alam. 

Sa daan, sinadya kong hindi humawak sa balikat n'ya tulad ng dati. As much as possible, I want to distance myself from him. Kailangan ko nang simulan ngayon dahil 'pag pinatagal ko, sa huli, baka ako ang talo. 

As I see the sun peeking from the West, making streaks of bright colors in the sky, the visibility of foliage, and the smell of petrichor, I can tell that we'd arrive at Lunti. It has been our rendezvous for the past few weeks. 

We sat on the bench under the shade of pine tress. Masarap sa mata ang itsura ng mga dahon ng puno na sumasayaw sa saliw ng hangin.

Pinakikiramdaman ko ang kasama ko ngunit ang minuto akong walang narinig na salita sa kanya. I felt the urge to collect the words I'll say. Pero hindi ko naituloy ang sasabihin dahil inunahan n'ya ako. 

"Alam mo ba, dito ako laging tumatambay 'pag gusto kong mag-isip," his eyes glistened as he gaze at the setting sun being surrounded by mixed colors of yellow, pink, orange, and blue. 

I fixed my eyes to where he's looking at. Ang ganda nga. Nakakarelax talagang tumambay dito. 

But not so long when I sensed him staring at me. Para akong niluluto ng mga matang 'yon dahil sa nararamdaman kong init sa pisngi ko. 

My hands trembled. His stare brought anxiety in me that made me bit the inner side of my cheeks unconsciously. 

Tinititigan ko lamang ang magandang kalangitan dahil baka 'pag humarap ako, hindi ko na maituloy ang plano ko.

Hanggang sa… hinawakan n'ya ang kamay ko. 

Parang tumigil ang oras nang bumaling ako sa kan'ya at makita ko ang mga mata nitong nangungusap.

Those eyes, ilang beses ko na bang sinabing napakaganda no'n? 

"Thank you," his eyes twinkled as he uttered those words. 

Nakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Thank you for what? 

"Bakit ka nagpapasalamat?"

He returned his look to the sky as his smile reached his eyes. "Thank you for coming into my life. No one ever makes me happy more than you do."

His words made ponder on my plans. Ang plano ko kanina ay patigilin na s'ya sa panliligaw sa akin, pero mukhang masasaktan ko s'ya 'pag tinuloy ko 'yon. 

I hate it.

I hate myself.

How can I be so cruel to him?

"Prime..."

"Hmm?"

"Do think I'm worth it?" 

Binigyan n'ya ako ng nagtatanong na tingin. I know that's too random but I just want to know… I want to assure if he really likes me. 

I heard him took a deep sigh before holding my chin. Iniangat n'ya iyon bago ako titigan na animo'y kinakabisado n'ya ang kabuuan ko. 

"Gail, you're more than that. Everything about you is too good to be true."

Prime, ikaw 'yung too good to be true, hindi ako. See? Paano ka magmamahal ng isang taong takot masaktan?

"Will you still see me that way if I told you I'm still inlove with him?"

The mood instantly changed. 

Kitang-kita ko kung paano lumandas ang kirot sa mga mata n'ya. 

Bakit ang sakit? Bakit… ang sikip sa dibdib?

Bakit gano'n? Bakit kailangang makasakit 'pag nagmamahal? Nagmamahal lang naman tayo, hindi naman masama ang magmahal, pero bakit nasasaktan pa rin tayo?

"Stop courting me."

Diretso ko 'yong nabanggit pero diretso rin sa puso ang epekto niyon. 

He let go of my hands. Nang tiningnan ko ang mga kamay n'ya, nanginginig 'yon. 

Yeah, I know, it's selfish but all I want is for him to give his love to someone who deserves it. And I think, I'm not that someone. Sa ngayon, alam kong hindi pa rin ako maayos. Sa ngayon, alam kong hindi ko pa s'ya kayang mahalin gaya ng pinapakita n'ya. 

At ang sagot n'ya sa sinabi ko? Isang tipid na ngiti at pagyayaya sa aking umuwi. Ni hindi s'ya nainis sa akin. Ni hindi n'ya ako pinagsalitaan ng masama. 

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa gano'ng posisyon pero napagtanto ko na lamang na nakasakay na kami sa motor n'ya. 

I barely see his face but I can feel his eyes drowning in an ocean of sorrow. 

I'm sorry, Prime. I really am... 

Pero hindi ko 'to pinagsisisihan. I'm doing this for us…

Alam kong nasasaktan kita, pero ayokong mas masaktan ka pa. Ayokong saktan ka ng todo kaya hangga't maaari, tatanawin na lang muna kita sa malayo, kahit na alam kong sa desisyong 'yon, masasaktan din ako. 

"Uhm, thank you Prime, una na ako ha?" I tried to sound as if nothing happened as I gesture my hand on the way to Shillem's unit.  

"Gail..."

Ito na ba 'yon? 

Mapait akong ngumiti. Tatanggapin ko kahit anong sabihin n'ya. Kahit na masakit, kasi alam kong sa aming dalawa, s'ya 'yong mas nasasaktan. 

"Prime?"

Nang muli akong bumaling, nasaksihan ko kung paano n'ya pinigilan ang mga luhang nagbabagyang lumabas sa kayumanggi n'yang mga mata. 

It's heartbreaking to see someone hurting just because you don't want to get hurt again... parang paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib…

"I know it's crazy but I want to tell you this. I'm not expecting anything from you. If you still love him, ayos lang. Maghihintay ako kahit alam kong walang kasiguraduhan. Susubukan ko pa rin kasi malay mo 'di ba? Malay mo isang araw paggising mo, ako na pala 'yung mahal mo. Please, 'wag mo akong itutulak palayo, let me just love you, Gail. Can you let me do that?"

Hindi ko alam kung bakit. Pero nang marinig ko 'yon, lalo lamang nanikip ang dibdib ko. Nang marating ko ang elevator, hindi ko namalayang kumawala na pala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status