Share

28. Trida & Haze

TRIDA's POV

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako umakyat sa taas. Habang paakyat sa hagdan, sinilip ko pa ang suot kong relo. 11 pm na rin kaya tulog na ang receptionist sa lobby ng 3rd at 4th floor kaya hindi na nila ako napansin at malaya akong nakaakyat.

Ilang malalim na paghinga muna ang aking pinakawalan bago ko tuluyang buksan ang pinto sa rooftop. Natanaw ko roon si Haze, naka-rest ang kaniyang mga braso sa brick wall railings at nakatanaw sa ilang mga ilaw sa kalapit na building.

Humakbang ako palapit sa kaniya. Tumayo ako sa tabi niya habang diretso lamang ang tingin sa harap.

"Ano'ng pag-uusapan natin?" I asked, adding, "Ayoko sanang pumunta rito. Pero naisip ko na ito na rin 'yung time para makapag-usap tayo. Dahil wala akong maalala na maayos nating pag-uusap noong iniwan mo 'ko. Parang wala tayong naging closure."

Agad siyang lumingon sa akin, pero hindi siya nagsalita at pinagmasdan lamang ako. Iginala ko naman ang mga mata ko sa paligid habang pinakikiramdaman ko siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status