Share

27. Reason

TRIDA'S POV

Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay agad akong bumaba dahil narating na namin ang prosecutor's office.

Pumasok ako sa loob ng building at tinungo and opisina ni daddy. Medyo malayo pa ay tanaw ko na ang isang security na nakabantay sa tapat ng pinto.

"Paraanin mo 'ko. Kailangan kong makausap si daddy," utos ko sa kaniya. Ngunit agad niya akong hinarang nang magtangka akong abutin ang doorknob.

"May kausap pa po si sir sa loob. Hindi po kayo p’wedeng pumasok," pigil nito sa akin.

"Anak n'ya 'ko!" Nagsimula nang mag-init ang ulo ko.

"Alam ko po. Pero bilin po ni sir na bawal magpapasok sa loob kapag may kausap s'ya." Dahil sa naging sagot niya ay alam kong wala na akong magagawa pa kaya hindi na ako nakipagtalo at naghintay na lamang.

Tutal ay mayroong upuan sa gilid, waiting area, ay doon ako pumuwesto habang nakasimangot.

Halos kinse minutos pa ang aking hinintay bago ko nakitang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. May lumabas doon na isang guwapong lalaki. Sa tingin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status