TRIDA'S POVPagkatapos kong magbayad sa taxi ay agad akong bumaba dahil narating na namin ang prosecutor's office.Pumasok ako sa loob ng building at tinungo and opisina ni daddy. Medyo malayo pa ay tanaw ko na ang isang security na nakabantay sa tapat ng pinto."Paraanin mo 'ko. Kailangan kong makausap si daddy," utos ko sa kaniya. Ngunit agad niya akong hinarang nang magtangka akong abutin ang doorknob. "May kausap pa po si sir sa loob. Hindi po kayo p’wedeng pumasok," pigil nito sa akin."Anak n'ya 'ko!" Nagsimula nang mag-init ang ulo ko. "Alam ko po. Pero bilin po ni sir na bawal magpapasok sa loob kapag may kausap s'ya." Dahil sa naging sagot niya ay alam kong wala na akong magagawa pa kaya hindi na ako nakipagtalo at naghintay na lamang.Tutal ay mayroong upuan sa gilid, waiting area, ay doon ako pumuwesto habang nakasimangot.Halos kinse minutos pa ang aking hinintay bago ko nakitang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. May lumabas doon na isang guwapong lalaki. Sa tingin
TRIDA's POVInayos ko muna ang sarili ko bago ako umakyat sa taas. Habang paakyat sa hagdan, sinilip ko pa ang suot kong relo. 11 pm na rin kaya tulog na ang receptionist sa lobby ng 3rd at 4th floor kaya hindi na nila ako napansin at malaya akong nakaakyat.Ilang malalim na paghinga muna ang aking pinakawalan bago ko tuluyang buksan ang pinto sa rooftop. Natanaw ko roon si Haze, naka-rest ang kaniyang mga braso sa brick wall railings at nakatanaw sa ilang mga ilaw sa kalapit na building.Humakbang ako palapit sa kaniya. Tumayo ako sa tabi niya habang diretso lamang ang tingin sa harap. "Ano'ng pag-uusapan natin?" I asked, adding, "Ayoko sanang pumunta rito. Pero naisip ko na ito na rin 'yung time para makapag-usap tayo. Dahil wala akong maalala na maayos nating pag-uusap noong iniwan mo 'ko. Parang wala tayong naging closure."Agad siyang lumingon sa akin, pero hindi siya nagsalita at pinagmasdan lamang ako. Iginala ko naman ang mga mata ko sa paligid habang pinakikiramdaman ko siya
TRIDA POVA year ago.Two weeks before the break up.Tahimik na umaagos ang luha sa aking mga mata habang nakahiga nang patagilid. Ang bigat ng nararamdaman ko.Hindi ko kasi alam kung ano'ng problema namin ni Haze. Bigla siyang nagbago. Hindi na siya katulad ng dati at hindi ko alam kung bakit. Pagod na pagod na akong mag-isip at magtiis.Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng unan at saka ako nag-type ng message sa kaniya. Babe pa ang naka-save na pangalan niya sa akin dahil 'yon ang tawagan namin."May problema ba tayo, babe?" I texted him. Pinahid ko pa ang luha ko.["Wala."] "E, bakit ka gan'yan?"["Bakit?"]"Bakit bigla kang naging cold sa 'kin?"["Sobrang busy ko lang kaya wala akong time minsan."]"Ako rin naman busy. Pero I always made time for you. Bakit ikaw hindi mo magawa?"["Sorry."]"Sorry lang?"["Ano pa ba'ng gusto mo?"]"Usap tayo. Gusto kong ayusin natin 'to."["Okay. Rooftop."]***Nauna akong dumating sa rooftop ng dorm kaya kinailangan ko pa siyang hintayin. Ma
IVY'S POV Pauwi na kami ni Trida sa dorm dahil tapos na ang huli naming klase. Ngunit simula pa kanina ay hindi niya ako kinikibo. Pansin ko rin na medyo mugto ang kaniyang mga mata.Saan kaya s'ya galing kagabi? Kahit isang reply kasi ay wala man lang akong natanggap mula sa kaniya. Pati ang oras nga ng pag-uwi niya ay hindi ko na rin namalayan. Basta nagulat na lang ako na kaninang umaga ay naroon na siya sa bed niya.Pag-akyat namin sa kwarto ay agad siyang nahiga at pumikit. Matutulog ba s'ya? Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Pakiramdam ko ay wala akong kasama sa kwarto."Trida?" Lumapit ako at naupo sa gilid ng kaniyang kama. "Saan ka nagpunta kagabi?" Naglakas-loob na akong magtanong dahil kung hindi ako kikibo ay siguradong mabibingi kami pareho sa katahimikan."Kay daddy."Daddy?"Ah. Dinalaw mo?" "Hindi," sagot niya habang nakapikit pa rin. "Kinausap ko s'ya tungkol sa nangyari sa pamilya ni Meghan at Danica.""Bakit s'ya 'yung kinausap mo?" Nagsalubong ang mga kil
TRIDA's POVAlas-otso ng umaga nang magising ako. Sabado kasi ngayon at walang pasok kaya hindi ko na kinailangan mag-alarm. Nang bumangon ako sa kama ay wala na si Ivy sa kaniyang higaan na katapat lamang ng sa akin. Oo nga pala. Madaling araw siyang umalis.Inabot ko ang aking cell phone na nasa tabi ng unan at tsinek ko iyon. Nakita kong may text siya. Si Ivy. Nagpaalam lang siya at sinabing hindi na niya ako ginising dahil masarap daw ang tulog ko. At potek! Nag-send pa talaga ng picture ko sa messenger na medyo nakanganga ako.Nireplyan ko siya at sinabi kong pasalubungan niya ako fafah kapag umuwi na siya, 'yung macho-gwapito at hindi mukhang mabaho.Napansin kong may text din sa akin si Haze kaya agad ko iyon binasa. "Ikaw sched ngayon, 'di ba? 'Wag ka na magluto. Umuwi kaming lima.""Wow! Sana all! Sana all p'wedeng umuwi!" Inis kong ibinagsak ang cell phone ko sa kama at saka ako dumiretso sa banyo para maghilamos na at mag-toothbrush.Ano kaya'ng gagawin ko ngayon?Nang
THIRD PERSON POVMagkakaharap sina Mr. David Ferrari, Supremo at Vincent sa balcony. Ini-report ni Vincent sa matanda na hindi niya naabutan sa dorm ang may-ari at caretaker lamang ang kaniyang nakausap kaninang umaga."Ang sabi ng caretaker, nasa South Korea raw po ang may-ari ng building. Si Mrs. Kate Min. Simula noong nakaraang taon hindi pa s'ya umuuwi rito sa bansa dahil sa business n'yang naka-base roon sa Gangnam-gu, Korea," paliwanag ni Vincent."Wala bang sinabi kung kailan ang uwi n'ya? Kung paano natin s'ya p'wedeng makausap o ma-contact man lang?" usisa ni Mr. David, ang lolo ni Supremo."May ibinigay na email address ang caretaker. P'wede po tayong magpadala ng email kay Mrs. Min, pero sa tingin ko ay mas maganda pa rin kung makakausap natin s'ya nang personal." Humigop ng tsaa si Mr. David matapos iyon sabihin ni Vincent. Kasunod ang malalim nitong buntong-hininga, tila nag-iisip. Tahimik namang sumulyap si Supremo sa katabi—kay Vincent. Kanina pa niya kasi ito gustong
TRIDA POVLinggo ng hapon na ngunit wala pa rin si Ivy. May plano pa kayang bumalik sa dorm 'yon? Ang sabi niya kasi sa text message niya kaninang umaga ay bago raw humapon, narito na siya. Ngunit malapit na magdilim ay hindi pa rin siya dumarating.Hindi kaya naipahamak na s'ya ng katangahan n'ya?"Ate Mildred, wala pa si Ivy?" tanong ko pagbaba ko sa lobby. Naabutan ko siya roon, nanonood pa rin ng tv. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumaba dahil lang sa kahihintay sa bruhang 'yon."Wala pa." Saglit niya lang akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa screen. Bumuntong-hininga ako at pabalik na sana ulit sa itaas nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Napahinto tuloy ako sa unang baitang ng hagdan. Baka si Ivy na 'to.Ngunit ang malapad kong ngiti ay biglang naglaho nang ibang tao ang sumulpot. Si Kierzyuwi. Sa kanilang lima ay siya pa lang yata ang unang dumating. Huminto siya noong nasa tapat ko na siya at saka niya ako tiningnan sa mga mata. At ngayon ko la
TRIDA's POVPagdating namin sa laundry shop, in-islide ni Yuwi ang pintuang salamin at nauna siyang pumasok sa loob."Narito ka pala pogi." Nakangiting lumingon sa amin ang babae na medyo may edad na. Namamalantsa siya sa isang gilid."Kukuhanin ko na po 'yung dinala ko rito nu'ng—" he turned to me, asking for help, "last week ba 'yon?" tanong niya. Tila naninigurado."Last week after the last," bulong ko rin. Iyon kasi ang pagkakatanda ko.Bumaling ulit siya sa babae. "Last couple of weeks. I don't exactly remember.""Pangalan?" tanong ng babaeng nakangiti nang todo sa kaniya."Trida Montana," he responded. Tinigil muna nito ang ginagawa at hinanap ang pangalan ko roon sa log book nila. "Patingin na lang ng ID."Yuwi turned to me again, tilting his head. Parang sinasabi niyang ibigay ko ang ID ko."Hindi ko dala. Bakit 'di mo sinabi na kailangan pa ng ID?" kunot-noo kong reklamo sa kaniya."I tried to ask you but you cut me off with your little drama of revenge," he shot back. Ngang