AM's POV:KATATAPOS lang namin mag-usap ni Vera, nang makatanggap ako ng message sa isang unknown number.'Gusto mo bang malaman ang totoong pagkatao ng iyong girlfriend? 'Napataas ang aking kilay dahil sa nilalaman ng text message na aking natanggap. People nowadays... Kung ano-ano na lang talaga ang pinagggagawa sa buhay para makapanloko.Inilapag ko muna ang aking cellphone sa cabinet table na nakap'westo sa gilid ng aking kama. At dahan-dahang sumandal sa headboard ng aking higaan. Iniisip ko na parang ang boring naman ng buhay ko for the last four years of my life. Not until, nang biglang dumating si Vera. Parang biglang nagkaroon ng excitement ang bawat paggising ko sa umaga. And I have never felt this way before kay Sheena. Sa four years naming magkarelasyon ay hindi ko man lang naramdaman ang ganitong level ng excitement. Tapos, all of a sudden, I came to a realization na all my life being with her all the time, wasn't great pala. Hindi pala siya okay. Ang gulo. Napakagulo
VERA'S POV:NAGPUPUYOS sa galit ang aking puso habang pinapanuod ang katarantaduhang ginawa ng babaeng matagal ko nang tinuturing na kaibigan. Hindi ko talaga lubos akalain na magagawa niya ito sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapahiyaw, dahil sa sobrang sakit, inis, at galit na nararamdaman para kay Sheena. Pero mas nanaig pa rin ang takot na aking nararamdaman nang makita ko ang pagbagsak ni Amelia. Bigla na lamang itong nawalan ng malay.Kaagad na dinukot ko sa bulsa ng aking suot na pantalon ang aking mobile phone. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang tinatawagan si Gigi. Nang sinagot na nito ang aking tawag ay nauutal naman akong magpaliwanag sa kaniya ang buong pangyayari. Nangako naman kaagad ang mga ito na pupunta sa resort na kinaroroonan namin. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit nila alam ang address ng naturang resort.Basta ang mahalaga saakin sa mga oras na ito ay ang magkamalay na si Amelia. Sinubukan ko itong i-mouth to
VERA's POV:KINIKILABUTAN AKONG napalingon sa gawi nang kinabagsakan ni Rocky. Bumungad sa paningin ko ang magkasunod na pagduwal nina Bea at Amelia na nakap'westo na pala sa aking bandang likuran.Nanlamig ang aking buo kong katawan dahil sa nasaksihan. Huli ko nang mapagtanto ang biglaang pagtunog ng aking sikmura at ang pakiramdam na parang may gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi ko rin napigilan ang maduwal sa nakakahindik na pagkamatay ni Rocky. Hindi ko lubos akalain na capable na gawin ito ni Sheena. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung ano pa ang kaya nitong gawin. Pero nagbakasakali ako na pwede pa itong mapakiusapan."She... 'Diba sa akin ka galit? H'wag mo na silang idamay pa.." Nagsusumamong pakiusap ko rito. Kahit ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan ay sinubukan ko pa rin na kumilos at maglakad papunta sa kinaroonan nito upang ito'y pakiusapan. Kahit na pakiramdam ko na mukhang malabo ang nais kong mangyari. Humarap ito sa akin na parang nabi
MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa. Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya. I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo. Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon. Naramdaman ko na siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan. Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makar
NAGISING ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa kabilang silid. Medyo inaantok pa akong nagdilat ng mata. Parang ordinaryo na lamang sa'kin ang ganitong mga scenario na nangyayari sa silid ng mga magulang ko. Kaya tamad na tamad akong bumangon. Kaagad na nagsuot ng tsinelas sa paa at dumiretso sa banyo. Nakatitig lamang ako sa harap ng salamin habang tinatant'ya ko ang sarili kong maghihilamos na ba ako o hindi. Pero, napaigtad na naman ako ng isang malakas na pagsalpok ang aking naririnig. Napabuntunghininga muna ako bago ko napagpasyahang maghilamos na. Pagkatapos magpunas ng mukha, ay wala ng suklay suklay, dumiretso na kaagad ako sa ibaba para makahingi ng pagkain kay ate Analyn. Si ate Analyn ay inaanak ni papa. Ulilang lubos na ito at sa bahay siya nakatira. Patuloy pa rin ang pag-aaway ng mga magulang ko sa taas, hindi ko rin naman naiintindihan ang pinag-aawayan nila. Siguro iiyak ang araw kapag hindi sila nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga gamit. Pero kampante na
'Arf!' Nagising ang diwa ko sa pagkahol ng tuta. Oo nga pala. Hindi ko maintindihan kong bakit bigla na lamang akong nawala sa aking sarili. "Ayos ka lang ba, miss?" Ang boses niya ay parang sumasayaw sa aking pandinig. Ano bang nangyayari sa'kin? Mukhang naengkanto pa ata ako. Jusko, kaya ba may pag-aalala sa mukha ni kuyang guard kanina dahil may kakaiba sa lugar na ito. 'Oh no!' Pero mas hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari. Napahiyaw na lamang ako sa sakit nang mapangahas na hinawakan ng gwapong estranghero ang paa ko. Parang nagising ako sa pagkatulog. Naalala ko, na natapilok pala ako kanina dahil sa pasaway nitong tuta. "Kasalanan ng tuta mo kung bakit hindi ako makatayo ngayon. Bigla kasi siyang sumulpot sa dinadaanan ko kanina. " May himig paninisi ko sa cute na tuta na patuloy pa ring kumakawag ang buntot sa harapan ko. "Pasensya na po, bago ka lang ba rito? Ngayon pa lang kita nakita. " Paglalahad nito ng kamay sa harapan ko. Hindi na ako nag-atubiling hawaka
PARA AKONG ITINULOS sa aking p'westo nang makita ko ang iba't ibang reaksyon ng hitsura ng mga tao sa loob, nang banggitin ni ate Analyn ang pangalan ko. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at saktong sakto lang talaga ang dating ko dahil nagugutom na rin ako.Binasag ni Geraldine ang katahimikan, " maupo ka muna, Joyce. Kumain ka na ba? Mabuti naman at nakabisita ka rito. " Siya ang panganay na anak ni papa kay tita Gretchen. Mas matanda siya ng isang taon sa akin."Busog pa ako, Gigi." Nahihiyang tugon ko rito. Hindi ko nga alam kong saang sulok ako titingin dahil masyadong awkward ang sitwasyon."Naku iha, bawal dito ang tumanggi sa pagkain."Nakangiting wika ni tita Gretchen. "Analyn, pakikuha nga ng plato para kay Joyce at Liam. ""Sa bahay nalang po ako kakain tita, hinatid ko lamang po siya rito kasi napilayan siya dahil kay Krixie. " Magalang na tanggi ni Liam kay tita Gretchen."Oh siya, pero pakisabi sa mama mo na pumunta kayo rito mamayang gabi dahil may hinanda akong kaunti
"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi. "O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here. Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? ' Karapatan ko iyon bilang kababata niya. Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. "Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin. 'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? ' "Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.' "Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" Muli kong tanong sa kan'ya. L