VERA's POV:KINIKILABUTAN AKONG napalingon sa gawi nang kinabagsakan ni Rocky. Bumungad sa paningin ko ang magkasunod na pagduwal nina Bea at Amelia na nakap'westo na pala sa aking bandang likuran.Nanlamig ang aking buo kong katawan dahil sa nasaksihan. Huli ko nang mapagtanto ang biglaang pagtunog ng aking sikmura at ang pakiramdam na parang may gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi ko rin napigilan ang maduwal sa nakakahindik na pagkamatay ni Rocky. Hindi ko lubos akalain na capable na gawin ito ni Sheena. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung ano pa ang kaya nitong gawin. Pero nagbakasakali ako na pwede pa itong mapakiusapan."She... 'Diba sa akin ka galit? H'wag mo na silang idamay pa.." Nagsusumamong pakiusap ko rito. Kahit ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan ay sinubukan ko pa rin na kumilos at maglakad papunta sa kinaroonan nito upang ito'y pakiusapan. Kahit na pakiramdam ko na mukhang malabo ang nais kong mangyari. Humarap ito sa akin na parang nabi
MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa. Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya. I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo. Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon. Naramdaman ko na siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan. Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makar
NAGISING ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa kabilang silid. Medyo inaantok pa akong nagdilat ng mata. Parang ordinaryo na lamang sa'kin ang ganitong mga scenario na nangyayari sa silid ng mga magulang ko. Kaya tamad na tamad akong bumangon. Kaagad na nagsuot ng tsinelas sa paa at dumiretso sa banyo. Nakatitig lamang ako sa harap ng salamin habang tinatant'ya ko ang sarili kong maghihilamos na ba ako o hindi. Pero, napaigtad na naman ako ng isang malakas na pagsalpok ang aking naririnig. Napabuntunghininga muna ako bago ko napagpasyahang maghilamos na. Pagkatapos magpunas ng mukha, ay wala ng suklay suklay, dumiretso na kaagad ako sa ibaba para makahingi ng pagkain kay ate Analyn. Si ate Analyn ay inaanak ni papa. Ulilang lubos na ito at sa bahay siya nakatira. Patuloy pa rin ang pag-aaway ng mga magulang ko sa taas, hindi ko rin naman naiintindihan ang pinag-aawayan nila. Siguro iiyak ang araw kapag hindi sila nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga gamit. Pero kampante na
'Arf!' Nagising ang diwa ko sa pagkahol ng tuta. Oo nga pala. Hindi ko maintindihan kong bakit bigla na lamang akong nawala sa aking sarili. "Ayos ka lang ba, miss?" Ang boses niya ay parang sumasayaw sa aking pandinig. Ano bang nangyayari sa'kin? Mukhang naengkanto pa ata ako. Jusko, kaya ba may pag-aalala sa mukha ni kuyang guard kanina dahil may kakaiba sa lugar na ito. 'Oh no!' Pero mas hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari. Napahiyaw na lamang ako sa sakit nang mapangahas na hinawakan ng gwapong estranghero ang paa ko. Parang nagising ako sa pagkatulog. Naalala ko, na natapilok pala ako kanina dahil sa pasaway nitong tuta. "Kasalanan ng tuta mo kung bakit hindi ako makatayo ngayon. Bigla kasi siyang sumulpot sa dinadaanan ko kanina. " May himig paninisi ko sa cute na tuta na patuloy pa ring kumakawag ang buntot sa harapan ko. "Pasensya na po, bago ka lang ba rito? Ngayon pa lang kita nakita. " Paglalahad nito ng kamay sa harapan ko. Hindi na ako nag-atubiling hawaka
PARA AKONG ITINULOS sa aking p'westo nang makita ko ang iba't ibang reaksyon ng hitsura ng mga tao sa loob, nang banggitin ni ate Analyn ang pangalan ko. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at saktong sakto lang talaga ang dating ko dahil nagugutom na rin ako.Binasag ni Geraldine ang katahimikan, " maupo ka muna, Joyce. Kumain ka na ba? Mabuti naman at nakabisita ka rito. " Siya ang panganay na anak ni papa kay tita Gretchen. Mas matanda siya ng isang taon sa akin."Busog pa ako, Gigi." Nahihiyang tugon ko rito. Hindi ko nga alam kong saang sulok ako titingin dahil masyadong awkward ang sitwasyon."Naku iha, bawal dito ang tumanggi sa pagkain."Nakangiting wika ni tita Gretchen. "Analyn, pakikuha nga ng plato para kay Joyce at Liam. ""Sa bahay nalang po ako kakain tita, hinatid ko lamang po siya rito kasi napilayan siya dahil kay Krixie. " Magalang na tanggi ni Liam kay tita Gretchen."Oh siya, pero pakisabi sa mama mo na pumunta kayo rito mamayang gabi dahil may hinanda akong kaunti
"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi. "O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here. Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? ' Karapatan ko iyon bilang kababata niya. Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. "Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin. 'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? ' "Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.' "Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" Muli kong tanong sa kan'ya. L
LABIS akong nasaktan sa pagkabigo ko kay Amelia kaya kahit hindi pa tapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Papa ay nagpaalam nakaagad ako sa kanila upang umuwi." Sayang naman at hindi ka magtatagal dito, nak." May panghihinayang pinagmamasdan ako ni Papa."Pasensya na po, babalik na lang po ako susunod. " Malungkot na yumakap ako kay Papa."Hindi na ba pwedeng ipagpabukas iyan?" Pagpipigil ni Tita Gretchen sa akin."Emergency po kasi, eh, " pagsisinungaling ko sa kanila.Ang totoo ay nasanay na kaming dalawa ng kapatid kong si Vinice na maiwan kasama ang mga kasambahay pero ang nirason kung dahilan sa kanila ay walang makakasama ang kapatid ko roon dahil biglaan ang business trip nila mama at daddy."Ipapahatid ka na namin kay Liam. " Saad kaagad ni Papa na ikinaalma ng aking buong sistema."Naku, h'wag na po! Magtataxi na lang po ako. " Mabilis ang ginawa kong pagtanggi sa alok ni Papa."Hindi ako papayag na hayaan kita na bumiyahe ng mag-isa sa daan. ""Pero, papaano po ang girlfri
4 years after..Mataman kung tinititigan ang repleksyon ko sa harap ng salamin. At naninilay ang magandang ngiti sa aking mga labi. Simple lang ang suot ko na low rise faded jeans, graphic tee, at comfy sneakers.Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng aking silid. Pero inignora ko lamang ito at maingat na naglagay ng light make-up sa aking mukha."Perfect!" Nakangiting tumingin ulit ako sa harap ng salamin pagkatapos kung magpahid ng peach liptint sa aking mga labi." Ate Vera! Hindi ka pa rin ba tapos?" Base na lamang sa paraan nang pagkatok nito sa pinto ay naiinis na ito. Tinawanan ko lamang ito."Palabas na nga," maiksing sagot ko sa kan'ya. Dinampot ko ang aking satchel bag at sinuot, saka ako nagpaikot-ikot ulit sa harap ng salamin bago lumabas ng aking silid.Bumungad sa akin ang nakasimangot na hitsura ng kapatid kong babae na si Vinice. Sasama kasi siya sa'kin ngayon dahil nag-aaya ang bestfri