Share

Kabanata Apatnapu’t Pito

"Baka kailangan kong kausapin ang Senyor, Inay. Nag-aalala po talaga ako para kay Rada." puno ng pag-aalala na wika ni Pael sa ina.

"Hindi!" ang pabiglang sagot ni Lourdes na napatayo pa mula sa kinauupuan. Subalit nang mapuna ang eksaherado na naging reaksyon ay sinikap na makabawi. Pilit nitong pinakaswal ang tinig at kumilos ng normal. Lalo na at nabasa nito sa mukha ni Pael ang pagtataka.

"Ang ibig kong sabihin anak ay hindi pa naman tayo nakakasiguro na may hindi magandang nangyari kay Rada. Alalahanin mong anak pa rin siya ng Senyor. Hindi kailanman mananakit ng anak ang isang ama " pahayag niya na ang namapayaang asawa ang nasa isip nang banggitin iyon.

Pagka't totoong ni minsan ay hindi nagbuhat ng kamay si Augusto kay Pael. Bagkus ay inangkin nito at binigyan ng pangalan ang kanyang anak. Ni minsan ay hindi nagkulang sa kanila ang namayapang asawa. Naging napakabait nito sa kanilang mag-ina. Tinanggap sila nito ng buong puso at minahal ng lubos. Sayang nga lamang at kinuha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status