Share

Kabanata Dalawampu’t Siyam

Araw ng Lunes kaya't maagang pumasok si Rada sa iskwela. Mahirap nang mapagsarhan ng gate at siguradong mag a-ala 100-meter dash na naman sya sa track field. Agad na sinukbit niya ang bag at nagmamadaling umibis sa kotse. May trenta minutos pa syang natitira pero maigi na iyong nasa loob na sya ng akademya.

Pagpasok pa lamang ng entrada ay kinunutan na sya ng noo. Pansin niyang pinagtitinginan sya ng mga kapwa niya estudyante tapos sabay magsisipagbulunga. Ang iba nga ay literal talaga na nagtatawanan pa habang nakamasid sa kanya. Sinuri niya ang sarili. Maayos naman ang pagkakasuot niya ng kanyang uniporme. Wala naman kung anong butas o tastas sa suot niyang blusa at palda. Bagong shines at linis rin ang kanyang itim na sapatos. Naligo naman sya bago pumasok kaya imposible na mangamoy ang kili-kili niyang naka deodorant.

Hinugot niya sa loob ng bag ang kanyang face powder. Binuksan iyon at pasimpleng tinignan ang sarili sa salamin. Maayos naman ang pagkakatali sa kanyang buhok. M
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status