Share

Kabanata Dalawampu’t Walo

Psst, Psst Psst!

Luminga-linga si Carlito nang marinig ang mga tila maliliit na boses na sumisitsit sa kung saan. Papasok na sana siya noon sa akademya. Nagmamadali na nga sya dahil mayroon silang pang pinal na pagsusulit ngayong araw.

"Dito, hoy! - mariing anas pa ng boses babae.

Medyo nagulat ang lalaki nang mamataan ang dalawang dalaga na pawang mga naka-uniporme pa habang nakakubli sa mayabong na Chinese bamboo sa gilid ng akademya. Kanina pang alas kwatro ng hapon ang class dismissal ng mga freshmen. Ano't naririto pa ang dalawang to? bulong ng isip ni Carlito.

"A--ako ba ang tinatawag niyo mga miss?" nagtatakang turo niya sa sarili.

Lumingon pa sya sa likuran kasi baka naman nagkakamali lamang sya.

"Oo, ikaw. Lumapit ka rito,bilis." tugon ng isa na maiksi ang buhok. Panay naman ang senyas ng isa pang kasama nito na larawan na ng pagkainip.

Kung hindi sya nagkakamali ay ito si Bing ang bunsong anak ni Vice Mayor Domingo Manansala at sa tabi nito ay ang anak nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status