Psst, Psst Psst! Luminga-linga si Carlito nang marinig ang mga tila maliliit na boses na sumisitsit sa kung saan. Papasok na sana siya noon sa akademya. Nagmamadali na nga sya dahil mayroon silang pang pinal na pagsusulit ngayong araw. "Dito, hoy! - mariing anas pa ng boses babae. Medyo nagulat ang lalaki nang mamataan ang dalawang dalaga na pawang mga naka-uniporme pa habang nakakubli sa mayabong na Chinese bamboo sa gilid ng akademya. Kanina pang alas kwatro ng hapon ang class dismissal ng mga freshmen. Ano't naririto pa ang dalawang to? bulong ng isip ni Carlito. "A--ako ba ang tinatawag niyo mga miss?" nagtatakang turo niya sa sarili. Lumingon pa sya sa likuran kasi baka naman nagkakamali lamang sya. "Oo, ikaw. Lumapit ka rito,bilis." tugon ng isa na maiksi ang buhok. Panay naman ang senyas ng isa pang kasama nito na larawan na ng pagkainip. Kung hindi sya nagkakamali ay ito si Bing ang bunsong anak ni Vice Mayor Domingo Manansala at sa tabi nito ay ang anak nam
Araw ng Lunes kaya't maagang pumasok si Rada sa iskwela. Mahirap nang mapagsarhan ng gate at siguradong mag a-ala 100-meter dash na naman sya sa track field. Agad na sinukbit niya ang bag at nagmamadaling umibis sa kotse. May trenta minutos pa syang natitira pero maigi na iyong nasa loob na sya ng akademya. Pagpasok pa lamang ng entrada ay kinunutan na sya ng noo. Pansin niyang pinagtitinginan sya ng mga kapwa niya estudyante tapos sabay magsisipagbulunga. Ang iba nga ay literal talaga na nagtatawanan pa habang nakamasid sa kanya. Sinuri niya ang sarili. Maayos naman ang pagkakasuot niya ng kanyang uniporme. Wala naman kung anong butas o tastas sa suot niyang blusa at palda. Bagong shines at linis rin ang kanyang itim na sapatos. Naligo naman sya bago pumasok kaya imposible na mangamoy ang kili-kili niyang naka deodorant. Hinugot niya sa loob ng bag ang kanyang face powder. Binuksan iyon at pasimpleng tinignan ang sarili sa salamin. Maayos naman ang pagkakatali sa kanyang buhok. M
“Sigurado bang sangkot si Miss Rada dyan?" banggit ng isa pang kaklase sa grupo. Sa mukha ay naroon ang pag-aalinlangan. Tila hindi ito naniniwala lalo na at nasabi na nga ni Carlito na mapaggawa ng istorya si Carolina. "Sya nga ang sumulat nitong love letter diba? Ayan o ang liwa-liwanag ng pagkakasulat ng pangalan niya sa signature line. Sa dami ng pinirmahan niyang slambook noong asa high school pa lamang imposibleng di ko makilala ang handwriting niya." anang isa pa na siguradong -sigurado sa kanyang sinabi. Biglang kumunot ang noo ni Carlito sa narinig. Napatingin ulit sa grupo na patuloy sa pagkakagulo ng mga ito. Muli niyang Tinawag ang tinanong na kaklase kanina. "Ano ikamo love letter? Tanong ulit niya. Pahapyaw na tumango ang kaklase nilang babae na tila hindi naman interesadong makipag diyalogo sa kanya. Ang pansin nito ay nakatuon sa mga kasama at sa kanilang pinag-uusapan. Love letter? - ulit ni Carlito sa sarili. Naku! - anito nang may biglang naalala. Agad na kin
Sabay-sabay na nagsipag-tunguhan sa open field ang lahat. "Anong kaguluhan ang nangyayari?" Pansin ng ilang mga guro. Isa na roon si Mrs. Irma Esperanza habang larawan ng pagtataka at kunot na kunot ang noo. Ipinaliwanag naman ni Carol ang naging truce nila ni Rada. Hindi sang-ayon ang ibang mga maestra. Ngunit hindi si Mrs. Esperanza para rito interesante ang bagay na narinig mula sa estudyante. "Are you sure with this Miss Buenavista?" tanong ng propesora sa dalaga. "Yes ma'am." matipid subalit siguradong sagot ni Rada. "Kung gayon, ano pang hinihintay natin. Let's go then. " ang tila na-excite na sambit ng maestra. Sa sinabing iyon ni Mrs. Esperanza ay sukat naghiyawan ang mga tao sa paligid. Napailing na lamang din ang ibang mga kapwa guro ng propesora na una nang nagpaabot ng pagtutol. "Sigurado ka ba talaga sa gusto mong gawin Rads?" ang nag-aalala pa rin na tanong ni Bing. Tumango si Rada sa kaibigan. “Wala nang atrasan to Bing. Ibibigay ko ang gusto ni Carolina at
Wala silang naging imikan ni Rafael habang buhat sya nito sa likod. Mabuti na lamang at tumila na rin ang ulan. Isang traysikel ang pinaswitan ng binata na agad namang lumapit sa kanila. Maingat siyang ibinaba ni Rafael at iginiya pasakay sa nakahintong trike. Buong akala niya ay isasakay lamang sya nito roon pero laking gulat ni Rada nang sumunod ang lalaki at tinabihan sya sa loob. Jusmiyo ito na naman ang puso niyang ayaw paawat sa pagkabog. Nanatili siyang tahimik na animo nalulon ang dila. Tila ngayon lang nag sink in sa utak niya ang katatapos lang na palabas. Hiyang-hiya tuloy sya kay Pael. Hindi nya sukat akalain na naroroon lang pala ang binata sa akademya ng mga oras na iyon. Panggabi kasi ang klase ng lalaki kaya naman buo ang paniniwala niyang walang Pael na lilitaw na ala prince charming. Isa pa naroon pa rin ang kanyang pag-aalinlangan na baka hindi rin siya pagbigyan ng binata kahit na umabot pa sa kaalaman nito ang pangyayari. Hindi nga ba at ayaw na nitong magkaroon
"Daydreaming?”anang boses mula kay Clara. "Mom?" bulalas ni Rada sa ina nang lingunin ito. Napatuwid siya ng tayo at napasapo pa sa kanyang dibdib na halatang nabigla. Ngiting-ngiti na nakasandal sa may hamba ng pinto ang Senyora. Larawan ito ng katuwaan habang napapantastikuhan na nakamasid sa anak dahil sa masaya nitong awra nito. Limang araw din ang inilagi niya sa Maynila. At kararating lang niya ngayon mula sa dinaluhang convention na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Bukas pa nga dapat ang uwi niya ng San Isidro kasabay ng asawang si Ramon. Subalit ay naalala niya na ngayong gabi gaganapin ang Masquerade Ball Party ng SM academy Kaya naman ay dali-dali syang nagbook ng flight pabalik ng probinsiya at nagpasundo na lamang kay Mang Kanor sa paliparan. Pagdating ay agad siyang umibis ng sasakyan. Sinalubong siya ni Manang Yoly na noo'y inabot ang iba niyang mga dala-dala. Kinumusta niya ang anak sa matanda at ang malaking bahay. Anang Manang Yoly ay maayos naman ang l
"Napakaganda niyo po Miss Rada." bungad na bati ng isang usherette na agad sumalubong pagkakita palang sa kanya. Nginitian niya ito ng maluwang at pinasalamatqn. Sumunod naman rito ang mga kasamahan sa table na pawang nakalarawan sa mga mata ang pamamangha. Ang isa ay hindi pa nakatiis at hinaplos ang gown niya. Pero pagkatapos ay biglang nahiya. At katulad ng nauna ay binigyan nya ang mga ito ng palakaibigang ngiti. Iginiya na sya ng tatlong usherettes sa bungad ng ballhall. At bago pagbuksan ng pinto ay Ipinaalala ng mga ito ang kanyang maskara. Agad naman niyang ikinabit ang kanyang sparkly cerulean beaded mask. Isang malalim na paghinga muna ang ginawa bago tinanguan ang usherette na siyang magbubukas sa kanya ng pinto. Pagbungad pa lamang ni Rada sa bulwagan ay agad na umagaw ng kanyang pansin ang stage deco with chandeliers, string curtains, candelabras, feathers lanterns, and drapes. Everything she sees exudes sophistication and mystery. Alongside a theatrical presentation
“Maaaari ko bang maisayaw ang isang prinsesa?" Rada was stunned for a while. Is there someone talking at her back? Kahit na malakas ang sounds sa paligid ay namutawi pa rin ang buo at baritonong tinig na iyon sa kanyang pandinig. She slowly turned her glance at her back. Then her eyes furrowed. The man beside her is wearing black medieval clothing with a half mask on his face in addition to the mystery look. His cast like a Renaissance prince in a royal costume. When the sudden feeling of familiarity comes in. She swallowed twice at the sight of a stunning-looking man in front of her. Bigla na lamang ay tumambol ang kanyang dibdib. Tila sya napako sa kinauupuan na nakatitig na lamang sa binatang dumating. Ang totoo ay nahihirapan syang paniwalaan ang nakikita. Kaya naman ay hindi niya maialis agad ang mga titig rito. Baka kasi ilusyon lamang ang lahat at bigla rin naman itong maglaho kapag dumating na sa kanya ang isang reyalisasyon. "Papanoorin mo na lang ba ako na parang peli