Share

Kabanata 37

Matapos magpasalamat kay Lazarus ay nauna na akong lumabas sa kotse habang bitbit sa kaliwang kamay ang bag na naglalaman ng mga damit ni Akihiro. Dire-diretso ang mga mata ko sa paglalakad. Nang makapasok ng gate at bubuksan pa sana ito nang husto ay nabigla ako nang nakaabang sa amin ang mga madre.

Nanlaki ang mga mata ko. Kumpleto sila rito ngayon. May mga hawak itong lobo at malaking banner na nakalagay ay 'Welcome home, Akihiro!' Napaatras ako. Tuwang-tuwa sila pero ako hindi ko alam kung bakit parang umatras ang sistema ko. Kinakabahan. Kasama ko si Aquilino!

"Nasaan ang apo namin? Andyan na ba? Bakit nauna ka?" Sabik na tanong ni Sister Si. Napakagat ako ng labi. Napapaatras nang napapa-atras.

Maya- maya pa ay bumukas ulit ang pinto ng gate. Nilingon ko kaagad iyon. Si Aquilino ay karga-karga ulit si Akihiro. Nagningning ang mga mata ng anak ko nang makita ang mga madre. Napalakpak pa ito.

"Welcome ba—" Imbes na sisigaw ay nabitin sa ere ang sasabihin sana ng mga ito. Nang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status