"Nasaan na kayo? Kanina pa ako narito. Maiiwan na lang tayo ng plane!" pasigaw na ang boses ko. Ayoko pa naman sa lahat ay iyong paimportante at pinaghihintay ako ng matagal. Ilang oras na akong naghihintay sa kanila. Nauna na rin ako sa kanila sa airport, kanina pa dapat sila naririto eh. "Ikaw lang naman ang maiiwan kapag hindi ka pa sumakay. Enjoy your vacation, Hilary. Fighting!""Ha? Hindi kayo sasama?" Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Planado na namin ang lahat, tapos sa huli ako lang ang aalis?"Akala ko ba ay sasamahan niyo ako—""Paano kami sasama kung wala naman kaming plane ticket? Sorry na, hindi kami nakapag-book." si Josefa na proud na proud pa sa katangahan.What the heck! Anong pinagsasabi ng mga ito? "What? Kayong tatlo? Niloloko niyo ba ako?"Nagtawanan silang tatlo na parang inisahan ako. Imposible kasing makalimutan nilang mag-book ng flight. Sila pa ba? Ilang araw pa bago iyon ay sa malamang hindi na makatulog ang mga iyan. "Hindi ba nga gusto mo namang ma
Namalayan ko na lang ay nasa bandang tabi na ako ng lugar. Nakaupo. Karga ko pa rin ang bata na mahigpit ang yakap sa aking leeg. Nakasuksok ang mukha niya sa leeg kanang leeg ko. Ayaw niyang bumitaw kahit ilang beses kong sinubukan. Ilang ulit din siyang sinubukang kunin ni Chaeus pero lumakas lang ang iyak niya at mas humigpit ang yakap sa katawan ko na parang naka-glue. "Zaria, you are aware of your weight, sweetheart. You are heavy. Now get off on your Mama's lap. For a brief moment only—""No, Papa!" mariing turan nitong mas humigpit pa ang yakap sa akin, pinalo niya pa ang kamay ni Chaeus na nagtangkang hawakan siya. "I refuse to! I am just going to sit here. I miss my Mama so much!" pagalit pang sagot niya habang umiiyak. Napatingala na ako kay Chaeus na panay ang bigay sa akin ng ply ng tissue upang ipunas sa mukha kong nanlilimahid sa bakas ng mga luha. Hindi lang luha ng anak namin ang bumabaha, pati luha ko at sipon ay medyo naghalo-halo na. "Hilary—""Mamaya ka magpaliw
Naburo ang mga mata ko sa kanya. Pilit inaarok kung sincere ba ang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi rin naglaon ay tahimik na kaming nagsimulang kumakin ni Chaeus. Magkaharap. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Kung sino ba ang una sa aming magsasalita. Panaka-nakang sinulyapan ko siya na parang kumukuha lang ng lakas upang magsimula siyang magpaliwanag. "Bakit ka noon biglang umalis ng walang paalam?" basag ko sa katahimikan na bumabalot sa amin. Saglit siyang natigil sa pagsubo. Nababad ng ilan pang mga minuto ang mata niya sa mukha ko. Inaasahan niya siguro ang tanong ko. Walang kahit na anong bahid ng pagkabigla sa kanya eh. "Dahil nakiusap noon sa akin si Mom—""Hindi mo man lang ba naisip ang kalagayan ko? Basta mo na lang sinunod ang gusto ni Azalea?Bigla kang naglaho. Walang pasabi. Alam mo ba kung ano ang mga naging impact sa akin noon?"Ang buong akala ko ay okay na ako dahil ilang taon na rin naman ang lumipas pero hindi pa pala. May bahid pa rin ng poot at galit ang p
Sa patuloy na paglalim ng gabi ay marami pa akong natuklasang mga lihim. Gaya ng madalas niya raw akong makita mula sa malayo nang hindi ko alam. Naroon siya sa mga pagkakataong masaya ako at kapag nag-iisa. Hindi niya lang magawang ipakita ang sarili. Noong graduation ko ng Senior High ay naroon siya sa malayo. Kahit noong kasama niya na ang anak namin ay palagi pa rin siyang dumadalaw ng hindi ko alam kung kaya naman kilala ako ng anak namin. Naroon din silang dalawa ni Zaria noong graduation ko sa college, iyon nga lang ay nanatili silang malayo. "Gusto ka naming lapitan, pero alam mo naman na siguro ang dahilan kung bakit di ko ginawa."At some point ng mga pangyayaring iyon ay medyo nauunawaan ko na siya. Naiintindihan. Masyado lang akong nakatingin sa sakit ng puso ko, hindi ko nagawang tingnan ang paghihirap niya dahil feeling ko ako ang kawawa sa amin. Nagpakalunod ako sa sakit habang hindi ko naisip na sa part niya ay hindi rin naman iyon masaya. "Huwag na nating balikan an
Lumuwang na ang pagkakakuyom ko sa kamao. Tukuyan na akong nagpasakop sa makamundong espirito at walang palag na patuloy nagpaubaya. Tinugunan ko ang mga halik niya. Pinantayan ko ang pananabik na knayang ipinapakita. Mas lalo pa siya doong ginanahan na para bang naging go signal niya ang ginawa kong mga pagtugon. Masuyong humaplos ang palas niya sa likod ko, umakyat iyon sa aking leeg upang mas lalo pa siyang magkaroon ng access sa labi ko. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya na nagsimula ng mainitan. Hinayaan lang ang sariling tangayin ng agos ng kuryente na hindi ko maipaliwanag kung kanino sa katawan namin nagmula. Sa akin o sa kanya?"C-Chaeus..." malat na ang boses na tawag ko sa pangalan niya, umungol lang siya nang mahina. "Bakit?" tugon niya sa boses na kakaiba, parang nang-aakit na ang tunog nito sa aking tainga.Lumalim pa ang halikan namin na lalo pang nagpadarang ng uhaw naming katawan. Natigil lang iyon nang marinig ang munting tinig ni Zaria."M-Mama? Papa?" Sabay namin
Kinabukasan ng araw na iyon ay dumeretso kami sa beach na destination ko. Syempre, kasama sila. Nanatili kami doon ng isang Linggo kagaya nang una kong plano. Nilubos namin ang mga sandali. Pinunan ang mga panahong magkakahiwalay."Mama, please come here!" Tumatakbo siya sa may dalampasigan. Puno ng buhangin ang buong katawan sa pagbagsak. "Mama?!" Madalas kaming nasa dalampasigan kada hapon at nagtatampisaw sa maligamgam na tubig alat. Doon pa lang hindi masakit ang init ng araw sa balat kung kaya pinili rin namin ang ganung oras. "Mama, are you listening to me? Please come over here!"Tumayo na ako upang kumaway at ipakita sa bata na narinig ko ang pagtawag niya. Sa mga sandaling iyon ay wala na akong mahihiling pa. Kahit anong wish sa buhay ay wala na. Kuntento na ako. Masaya na dahil nakuha ko na ang lahat. "I am coming, Zaria Haven!" Patakbo akong lumapit sa kanya. Niyakap siya. Malakas siyang humagikhik na nauwi sa pagtili. "Mama, you tickle me!"Binuhat at inikot-ikot ko
Bisperas ng araw ng planong biglang kasal namin ay hindi ko inaasahang lalapitan ako ni Daddy. Nasa kusina ako noon at nagtitimpla ng gatas na hiling sa akin ni Zaria. Samantalang ang ibang mga kasama ay nasa labas, abala kung saan. "Hilary, pwede ba tayong saglit na mag-usap?"Nilingon ko siya, medyo nagulat pero kapagdaka ay tumango. Hindi ako nagtanong kung tungkol sa saan ang pag-uusapan. Nahihimigan ko na. Ito rin ang unang pagkakataong mag-uusap kami ng kami lang. Usually dati, kasama namin si Azalea. "Ibibigay ko lang ito sa mga bata."Sinadya ko na si Zaria sa silid niya kung saan ay kasama niya roon ang kambal na anak ni Glyzel. Naglalaro ang mga ito. Akalain niyo iyon? Ilang buwan lang pala ang tanda ni Zaria sa anak ni Glyzel. Ibig sabihin noong nawala siya ay ayon na. Napakagaling maglihim, wala rin kaming alam. Tatlong baso ang tinimpla ko para kung sakaling humingi ang kambal ay may maibigay din ako. "Thank you very much, Aunt Hilary." kurong saad ng kambal na mabilis
Kagaya nga ng sabi ko, simpleng kasal lang ang nangyari sa amin ni Chaeus kinabukasan. Civil wedding lang iyon. Nagpalitan lang kami ni Chaeus ng mga vows namin sa harap ng judge at ng mga bisita. Kaunti man sila pero alam ko na totoong kasalo namin sila sa lungkot at saya. Naka-wedding gown pa rin naman ako. Abay pa rin ang mga kaibigan ko. Nag-iisang flower girl si Zaria. Ang kambal na anak ni Glyzel ay ring bearer at ang isa ay partner ng anak namin. Mayroon din kaming maikling entourage. Sa garden ang venue pero hindi lang sa bahay nila. Nag-rent si Chaeus ng place na hindi kalayuan doon sa bahay nila. "Kapag nakakuha tayo ng pagkakataon, gusto ko na ikasal tayo sa simbahan, Baby." pangako sa akin ni Chaeus na alam kong tutuparin niya. "Ayos lang ang ganito sa akin. Basta legal tayo.""Hindi ito ayos lang, Hilary. Church wedding ang pangarap ng maraming babae. Ibibigay ko iyon sa'yo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon."Magiging ipokrita ako kung sasabihin ko na ayaw ko. Ta