Bunga ng bawal na relasyon, sa batang edad ay hindi sinasadyang nabuntis si Hilary El Fuente ng kanyang stepbrother na si Zacchaeus Parkenson. Sapilitang pinabalik ang lalake ng New Jersey ng kanyang madrasta at ama dahil sa natuklasan nilang lihim. Palibhasa ay bata pa kaya walang ibang choice si Hilary kung hindi ang sumang-ayon sa nakakapanghinang suggestion ng stepmother niya at ama na ipa-adopt nila ang bata matapos na manganak upang mabawasan umano ang kahihiyan ng prominente nilang pamilya sa mga kakilala. Ngayong natapos na sa pag-aaral si Hilary at abot-kamay na ang mga pangarap. May pag-asa na kayang mabuo ang hangad niyang simpleng pamilya kahit huli na? Siya, si Chaeus at ang naging supling nila.
view moreNang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para
Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan
Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a
"Are you okay, Hilary?""Hmmn, mukha bang hindi?""Mukha kang stress, Baby. Ini-stress ka ni Zaria?""Hindi naman, miss lang kita."Pagak na tumawa si Chaeus sa kabilang linya. Napakagat labi pa siya habang nakatitig sa akin. Sa mga sandaling iyon parang gusto kong lumusot sa screen upang yakapin siya nang mahigpit. Kung pwede lang ay ginawa ko na. "Miss na miss ko na rin kayong mag-ina."Malalim akong bumuntong-hininga. Kanina pa kami magkausap tungkol sa walang kwentang bagay. Nakatitig lang ako sa mukha niya na parang wala sa sarili. Paano iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa teacher o isasawalang-bahala ko na lang iyon? Hindi ko alam kung ano. Sobrang naguguluhan ako. Hindi na ako bata para tawagan ang mga kaibigan ko at ipamalita muna sa kanila ang lahat para lang humingi ng advice. Masyado na akong matanda para gawin ang bagay na iyon. Ayoko rin namang maka-istorbo sa kanilang busy na rin sa buhay. "Bukod doon, may gusto ka pang sabihin sa akin?"Dama o pans
Pag-uwi ng bahay ay hindi mawala sa isipan ko ang mukha ng teacher ni Zaria. Kung iisiping mabuti ay kamukhang-kamukha talaga ito ni Lailani. Halos pumasa rin itong kakambal niya. May mga pagkakaiba sila, pero ang mukha at maging ang boses nilang dalawa ay iisa. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling biglang ma-stress. Paano kung magkita sila ni Chaeus? Ano ang magiging thinking niya? Kahawig ng ex-fiancee niya ang teacher. Kung ako napansin ko iyon sa una naming kita, siya pa kayang nakasama ng matagal ang babaeng iyon hindi ito makita? "Imposible. Hindi. Ang sabi ni Chaeus ay patay na ang babaeng iyon. Ano siya nag-reincarnation agad after ng ilang taon? Malaking kalokohan!"Isinandal ko ang likod sa sofa. Sinapo ang noo na agad ng nanakit sa kakaisip kung sino ba siya. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa siya bigla na lang magpapakita? Baka naman coincidence? Hindi. Malakas ang instinct ko na si Lailani ang teacher. Bakit siya parang kinakabahan? Tapos kadalasan pa sa mga kut
"Mama, hurry up!"Halos patakbo na siyang lumabas, nagmamadali ang kanyang mga yapak. Hindi niya alam kung alin ang uunahing bitbitin, ang school bag niya ba o ang packed lunch niya. Ni hindi pa man lang din siya nakakapagsuklay ng basa pa niyang buhok. Medyo late na kaming nagising. Galing kasi siya sa mahabang bakasyon. Late na rin natulog eh. "I am going to be late!""Coming, Zaria!" sigaw ko pabalik habang hindi magkandaugagang buhatin ang naiwang gamit niya. "Mauna ka na sa sasakyan. Susunod na ako.""Okay..."Sinara ko ang pintuan ngunit muling binuksan nang maalala na wala pala akong dalang suklay. Inilagay ko iyon sa ulo bago mabilis na lumabas. Nagawa ko pa namang magpalit ng damit. Hindi rin naman ako mukhang nanlilimahid ang hitsura. "Move a bit Zaria!" utos ko pagkabukas ng pintuan sa passenger seat upang ayusin ang buhok niya. Matapos na ihagis ko ang dalang mga gamit niya sa likod ng sasakyan ay pinuntahan ko naman siya sa unahan upang mabilis na suklayan ng buhok. Ni
Kagaya nga ng sabi ko, simpleng kasal lang ang nangyari sa amin ni Chaeus kinabukasan. Civil wedding lang iyon. Nagpalitan lang kami ni Chaeus ng mga vows namin sa harap ng judge at ng mga bisita. Kaunti man sila pero alam ko na totoong kasalo namin sila sa lungkot at saya. Naka-wedding gown pa rin naman ako. Abay pa rin ang mga kaibigan ko. Nag-iisang flower girl si Zaria. Ang kambal na anak ni Glyzel ay ring bearer at ang isa ay partner ng anak namin. Mayroon din kaming maikling entourage. Sa garden ang venue pero hindi lang sa bahay nila. Nag-rent si Chaeus ng place na hindi kalayuan doon sa bahay nila. "Kapag nakakuha tayo ng pagkakataon, gusto ko na ikasal tayo sa simbahan, Baby." pangako sa akin ni Chaeus na alam kong tutuparin niya. "Ayos lang ang ganito sa akin. Basta legal tayo.""Hindi ito ayos lang, Hilary. Church wedding ang pangarap ng maraming babae. Ibibigay ko iyon sa'yo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon."Magiging ipokrita ako kung sasabihin ko na ayaw ko. Ta
Bisperas ng araw ng planong biglang kasal namin ay hindi ko inaasahang lalapitan ako ni Daddy. Nasa kusina ako noon at nagtitimpla ng gatas na hiling sa akin ni Zaria. Samantalang ang ibang mga kasama ay nasa labas, abala kung saan. "Hilary, pwede ba tayong saglit na mag-usap?"Nilingon ko siya, medyo nagulat pero kapagdaka ay tumango. Hindi ako nagtanong kung tungkol sa saan ang pag-uusapan. Nahihimigan ko na. Ito rin ang unang pagkakataong mag-uusap kami ng kami lang. Usually dati, kasama namin si Azalea. "Ibibigay ko lang ito sa mga bata."Sinadya ko na si Zaria sa silid niya kung saan ay kasama niya roon ang kambal na anak ni Glyzel. Naglalaro ang mga ito. Akalain niyo iyon? Ilang buwan lang pala ang tanda ni Zaria sa anak ni Glyzel. Ibig sabihin noong nawala siya ay ayon na. Napakagaling maglihim, wala rin kaming alam. Tatlong baso ang tinimpla ko para kung sakaling humingi ang kambal ay may maibigay din ako. "Thank you very much, Aunt Hilary." kurong saad ng kambal na mabilis
Kinabukasan ng araw na iyon ay dumeretso kami sa beach na destination ko. Syempre, kasama sila. Nanatili kami doon ng isang Linggo kagaya nang una kong plano. Nilubos namin ang mga sandali. Pinunan ang mga panahong magkakahiwalay."Mama, please come here!" Tumatakbo siya sa may dalampasigan. Puno ng buhangin ang buong katawan sa pagbagsak. "Mama?!" Madalas kaming nasa dalampasigan kada hapon at nagtatampisaw sa maligamgam na tubig alat. Doon pa lang hindi masakit ang init ng araw sa balat kung kaya pinili rin namin ang ganung oras. "Mama, are you listening to me? Please come over here!"Tumayo na ako upang kumaway at ipakita sa bata na narinig ko ang pagtawag niya. Sa mga sandaling iyon ay wala na akong mahihiling pa. Kahit anong wish sa buhay ay wala na. Kuntento na ako. Masaya na dahil nakuha ko na ang lahat. "I am coming, Zaria Haven!" Patakbo akong lumapit sa kanya. Niyakap siya. Malakas siyang humagikhik na nauwi sa pagtili. "Mama, you tickle me!"Binuhat at inikot-ikot ko
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.