Dilat ang mata ko buong magdamag. Paano pagkauwi namin ay hindi rin naman ako agad nakatulog. Medyo nagkaroon pa nga ako ng regrets na nag-aya na agad umuwi. Dapat pala ay hindi na muna. Dapat sinulit ko ng kasama siya tutal wala ‘ring pasok sa school kinabukasan. Saka ko lamang iyon naisip ng nasa bahay na. “Ayan Hilary, padalus-dalos ka kasi ng desisyon! Hindi ka nag-iisip muna.”Habang pabalandrang nakahiga sa kama ay binalik-balikan ko sa isip ang ginawang paghalik ni Chaeus sa akin. Ni hindi pa ako nakakabihis ng damit. Parang sinisilaban ang mukha ko ng maalala na ang mga sandaling iyon. Itinaas ko sa ere ang dalawang paa at isinipa-sipa sa hangin. Kilig na kilig na naman ngayon ang buong katawan. Dapat talaga ay sinulit ko na iyon eh! Niyakap ko pa siya nang mahigpit. Pagkakataon ko na iyon. Pinalagpas ko pa. Dangan lang at hindi ako marunong humalik. Kung nagkataon ay baka mas tumagal pa ang halikan. Kainis, hindi ko rin iyon nasuklian. “Paano ka naman matututo, Hilary ay w
Mabilis akong sumubo ng pagkain at umiwas ng tingin nang lumingon na si Chaeus. Napansin siguro nito ang paninitig ko sa kanya. Kung gusto niya ako, paano na si Lailani? Mahal pa rin niya ba ang babae? Normal rin ba na dalawa ang magustuhan? Wala lang, biglang naisipan ko lamang. “I'm done. Since wala namang pasok at puyat pa ako, matutulog ako ulit.” anunsyo kong tumayo na, ini-atras ang upuan upang umalis na sana. Pagak na tumawa si Daddy. Ang bilis magbago ng mood niya. Lumabas siya kanina. Sinagot niya lang naman ang tawag sa phone kanina matapos ng tensyon ng mag-ina. Malamang ay nagbilad siya sa araw. Tumatagaktak na ang pawis niya sa noo at mukha. Ilang minuto lang siyang nawala ah. Narinig yata ang sinabi ko sa kanila. “Tama iyan anak, matulog ka pa tutal wala ka namang pasok para lumaki ka agad.” akbay na ni Daddy sa akin.“Dad, ang lagkit mo naman!” alis ko ng braso niya sa aking balikat, kainis.“Ang arte mong bata ka. Hindi ka pa rin naman naliligo.” iling lang nito.“M
Mula ng araw na iyon ay naging regular ang pagsundo ni Chaeus sa akin sa school kahit na may driver naman kami. Hindi ko nga rin alam kung may basbas ba iyon ni Daddy. Malamang magtataka ito kung bakit palaging si Chaeus ang sundo ko. Bilang gusto ko naman si Chaeus ay hindi na ako nag-inarte. Siya na nga iyong nalapit sa akin, aarte pa ako? Ganundin ang naging set up sa mga paglabas namin ng weekend. Naging normal na araw iyon na sa tingin ko ang alam ni Azalea at Daddy ay para mas maging close kami ni Chaeus. Hindi ko alam hanggang saan kami aabot pero gusto ko ang atensyon na nakukuha mula sa Tukmol. Walang explanation kung bakit ginagawa niya ito, nais pa yatang tanggalan ng trabaho ang driver namin. At ang bagay na ito ay napansin na ng mga kaibigan ko. Kung ayos lang ito kina Daddy sa kanila ay hindi naging okay. “Nak's hatid at sundo ka na palagi ni Chaeus? Anong meron sa inyong dalawa?” puna ni Shanael na tunog nagseselos, hindi naman siguro sila manhid. Nagbubulag-bulagan l
Sobrang sumama ang loob ko sa maikling naging sagot ni Chaeus. Kaya magmula rin ng araw na iyon ay ibinalik ko ang dating ako. Isa na ang ugali ng pagiging maldita. Sinimulan ko iyon sa pagtigil na sumama pa sa kanya sa paglabas kada weekend. Marami akong dahilan na kahit pilitin niya ay palagi kong tinatanggihan. Patuloy na humahanap at gumagawa ng paraan para hindi niya makasama. Iyong tipong bago pa siya magising s umaga o makalabas ng silid ay lumalabas na ako ng bahay para lang hindi niya maabutan at makaladkad. Saka lang ako babalik once umalis na siya. Kapag susunduin niya naman ako sa school ay pinagtataguan ko siya hanggang sa kusang umalis na. Wala na rin akong ibang option kung hindi ang sabihin na lang sa mga kaibigan ang totoong dahilan sa biglang pagbabago ko. Paano ay nagtataka na naman sila sa mga ikinikilos ko, lalo na sa pagtatago ko kapag si Chaeus ang sundo ko. “Ano? Umamin si Chaeus na may gusto sa'yo?” gulantang na tanong ni Josefa, halatang hindi inaasahan.
Pag-uwi sa bahay ay patuloy kong inisip iyon. Pinagkumpara ko ang feelings ko sa tuwing kasama ko si Chaeus at si Jared. Sobrang laki ng pagkakaiba noon at alam ko naman kung bakit. Ginagawa ko lang tanga ang sarili. Pinipilit. Tapos magtataka. Nasa harapan ko na ang dahilan nito, malakas ng isinasampal sa akin iyon. Isang malaking katangahan lang ang pumayag ako at patuloy na gawin ito. “Tell me now, Hilary how's your first date with Jared?”Si Josefa iyon na tumawag na, dahil hindi na makapaghintay na tsumika ako sa group chat ng aming tropa. Siya na ang nagkusang maunang makaalam kung ano sa tingin ko. “Ayos lang naman, Josefa.”“May sparks ka bang naramdaman?”Marahang umiling lang ako. Hindi na nag-abalang mag-explain pa dito. “Mukhang hindi ka naman masaya. Sabagay, kung hindi mo naman kasi gusto. Don't worry Girl, baka naman ma-develop ka rin sa kanya, later on.”Pinanghawakan ko ang mga sinabing iyon ni Josefa. Nakailang beses na date pa kami ng pinsan niyang si Jared. Umab
Napaangat na ang mukha ni Azalea sa mga sinabi ko. Gulat na gulat ang mukha niya na para bang hindi niya ini-expect na kayang sabihin ko iyon.“Ah, hindi mo ba nakita? Friend ko kasi si Lailani.” sandal ko na sa counter, hinihintay na ibigay niya sa akin ang plate ng mga macarons. “Na-curious kasi ako anong nangyari kay Lailani noong narinig ko ang sinabi ni Daddy kanina kaya—”“Ano pang nakita mo bukod doon? May mga about ba doon sa third party ng misunderstanding, Hilary?”Wait lang, hindi ba sila friend? Bakit tinatanong niya sa akin ito? Meaning hindi niya nakita ang shared post.“Wala naman. About importance lang ng relasyon like trust, effort. Tagal ng relasyon nila. Pagmo-move on at iba pa. You should stalk her, makikita mo lahat.” suggestion ko na dahil ayoko ng mag-explain pa ng mga nakita rito.Hindi siya kumibo. Kinuha ko na ang plato ng mga macarons sa counter matapos ilagay sa ilalim ng kili-kili ang ilang lata ng soda. Nilingon ko ulit siya bago tuluyang umalis dito.“Th
Lumapad na ang ngiti niya sa labi nang magsimula akong maglakad palapit sa kanya. Na-miss ko siya. Hindi ko iyon maitatanggi. Kung wala nga lang kami sa labas, baka nayakap ko na siya upang mapawi lang iyon. Ngunit dahil nasa public place kami at may issue pa akong kailangang resolbahin kaya kailangang magpigil. Ang dami ‘ring mata sa paligid. “Long time no see, Hilary. Kumusta ka na?” Shit! Kahit ang boses niya namiss ko. Ilang hakbang na lang at tuluyan na akong nakalapit sa kanya ng huminto ako. Hindi alam ang mararamdaman kung nalulungkot ba ako o ano. Basta ang gumugulo sa utak ko nang mga sandaling iyon ay kung kakaripas ba ako ng takbo pabalik sa loob ng campus o magpapatuloy na lumapit.“H-Hi...” parang ayaw halos lumabas ng boses ko sa nanuyong lalamunan. Agad napawi ang mga ngiti niya ng mabaling ang tingin sa kung anong hawak ko. Noong una ay hindi ko pa agad makuha at maipaliwanag ang pagdilim ng kanyang mga mata. Nang ma-realize kong dahil iyon sa bouquet ay awtomati
“Gusto mo bang mapasma ang mga paa ko ha?!” bulyaw ko sa kanya ng ilang hakbang na doon ang tinalon.Kamuntikan pang ma-out of balance ako sa pagmamadaling makatakas. Pinandilatan ko siya ng mata. Tipong kung nakakamatay ay kanina pa siya nakabulagta. Sa halip na matakot ay malakas na tumawa lang ito. Hindi alintana ang mga taong naroon at panaka-naka kaming tinitiningnan. Agaw pansin siguro sa kanila ang suot namin o baka dahil sa hindi pamilyar sa lugar na iyon ang mukha namin. Noon ko lang nakita na hindi lang basta malawak na parang iyon. May mga kabahayan pala sa palibot, na hindi ko nagawang punahin noong magpunta kami ni Chaeus ng unang beses dito sa lugar. Para siyang maliit na village lang pero maraming bahay. “Plano mo pa talagang pabahuin ang mga paa ko!” akusa ko na patuloy sa pag-irap, palabas ko lang iyon lahat. Ang totoo niyan ay gustong-gusto kong naririto kami. Nabawasan ang pagkairitang nasa katawan ko kanina.“Sorry na, grabe ka naman kung sumigaw. Hindi ka naman