Share

Chapter 46: Tensyon sa hapag

Dilat ang mata ko buong magdamag. Paano pagkauwi namin ay hindi rin naman ako agad nakatulog. Medyo nagkaroon pa nga ako ng regrets na nag-aya na agad umuwi. Dapat pala ay hindi na muna. Dapat sinulit ko ng kasama siya tutal wala ‘ring pasok sa school kinabukasan. Saka ko lamang iyon naisip ng nasa bahay na.

“Ayan Hilary, padalus-dalos ka kasi ng desisyon! Hindi ka nag-iisip muna.”

Habang pabalandrang nakahiga sa kama ay binalik-balikan ko sa isip ang ginawang paghalik ni Chaeus sa akin. Ni hindi pa ako nakakabihis ng damit. Parang sinisilaban ang mukha ko ng maalala na ang mga sandaling iyon. Itinaas ko sa ere ang dalawang paa at isinipa-sipa sa hangin. Kilig na kilig na naman ngayon ang buong katawan.

Dapat talaga ay sinulit ko na iyon eh! Niyakap ko pa siya nang mahigpit. Pagkakataon ko na iyon. Pinalagpas ko pa. Dangan lang at hindi ako marunong humalik. Kung nagkataon ay baka mas tumagal pa ang halikan. Kainis, hindi ko rin iyon nasuklian.

“Paano ka naman matututo, Hilary ay w
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status