Share

Chapter 73: Caught in the Act

Hindi ko pinansin ang chat niya. Galit na galit na ako. Nararamdaman ko na ang pag-usok ng bunbunan ko. Ang isipin pa lang na magkasama silang nakaupo sa iisang table ay sobra na ang gigil na nararamdaman ko rito. Naikuyom ko na ang kamao. Ilang beses ko ng pinapatay sa isipan si Lailani. Humanda talaga siya sa akin. Ayusin niya ang sagot niya mamaya. Subukan lang niya akong kantiin at baka hindi ko mapigilang saktan siya.

Ano naman kung mas matanda rin siya sa akin? Hindi iyon ang basehan. Ang tanong sino ang tama sa amin at kung sino ang mas may karapatan.

Pagkababa ng taxi ay malalaki na ang mga hakbang na pinuntahan ko ang coffee shop. Habang papalapit ay nanlalamig na ang buong katawan ko. Sumidhi pa ang bumabalot na galit. Kilala ko ang sarili ko. Oras na hindi ko mapigilan ay sasabog talaga ako at magwawala. Pagtulak pa lang sa pintuan papasok ay ang mukha na agad ni Glyzel ang bumungad sa akin. Namumutla ito, nag-aalala habang pinagmamasdan kung ano ang hilatsa ng hitsura ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Hi, updated na po.
goodnovel comment avatar
Xander Tolentino
apdate po pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status