Share

Chapter 79: Break Up

Dere-deretso pang nahulog ang aking mga luha habang magkahinang ang mga mata namin. Hindi ko na inabala ang sarili na punasan iyon. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon nang dahil sa ginagawa niya. Hindi ako nagpapaawa o ano pa man. Gusto ko lang na makita niya kung ano ang hitsura ko sa tuwing nasasaktan niya ako. Baka sakali kasing makonsensiya siya at magising sa katotohanan. Sa mga sandaling iyon ay basag na basag ang damdamin ko. Gusto ko na lang tumakbo palabas ng cafe para doon ituloy at malakas na umiyak. Gusto ko ditong ilabas ang lahat. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Sobrang titig na titig pa rin.

Am I a joke to him?

Suminok ako dahilan para mabilis siyang tumayo, binuhat ang baso ng tubig upang ibigay sa akin.

“Tubig, Baby. Uminom ka muna—”

Marahas na tinabig ko ang baso na inaabot niya, mabuti na lang at mahigpit ang hawak niya doon kaya hindi rin iyon natapon sa aming lamesa.

“Alam mong hindi iyan ang kailangan ko, Chaeus!” may diin na sago
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Updated na po, happy reading!
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Updated na po, happy reading!
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Updated na po. Happy reading!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status