Kanina pa namatay ang tawag niya pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakahiga na rin ako. Hindi mawala sa isip ang paulit-ulit kong tanong na pupuntahan ko ba siya? Then what? Ano naman ang pag-uusapan namin? Lasing na siya. Baka pagpunta ko pa doon ay tulog na rin siya. Paano pa kami makakapag-usap? Sayang lang ang effort ko kung mapupunta iyon sa wala di ba?"Eh paano kung pagpunta mo naman doon ay hindi na siya lasing? I mean, nahulasan na siya? Saka paano kung hinihintay ka niya talagang pumunta?" malakas na tanong ko pa sa sarili. Galing iyon sa kabilang bahagi ng isipan ko. Humarap na ako sa kabilang dereksyon para pagnilayan pang mabuti ang magiging plano."Nakakainis naman kasi!" tadyak ko na sa ere ng mga paa dahilan para matanggal ang kumot. "Kung kailan gabing-gabi na saka pa tumawag." Mabilis akong bumangon. Tinungo ang wardrobe at kumuha na ng damit. Maigi pa ang pumunta na lang ako keysa naman magdamag din naman akong gising. At least nag-effort akong pumunta. Wal
Hinainan niya ako ng lasagna at vegetable salad. Hindi na ako nagreklamo. May dala rin noon si Azalea kanina pero hindi ko rin naman tinikman. Kinain ko iyon. Inubos ang inilagay niya sa plato ko kahit na busog pa ako. Nagpagod akong pumunta dito kaya dapat na ubusin ko rin ang inihain niya. Habang kumakain ay nakaupo lang siya sa harap ko. Titig na titig siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Sa totoo lang ay naiilang na ako. Parang hindi na ako sanay sa mga titig niya. Nakakalunod iyon. Para akong puputulan ng hininga. Ngunit saglit lang iyon. Hindi rin nagtagal ay muli akong nasanay at agad na napalagay sa nakakapasong presence niya. Gusto ko sanang sabihan siyang magpalit ng damit, kaso baka bigla ko namang ma-offend. Hindi rin naman big deal iyon. Nasa bahay siya eh. "Ano iyong ginawa mo kanina para utuin ako? Umiiyak ka ba talaga at lasing o drama mo lang iyon para makuha mo ang buong atensyon ko?" Umirap pa ako. Mukhang napaglaruan ako ng
Doon ako sa bahay niya natulog ng gabing iyon. Binawi namin ang mga sandali na magkaaway at hindi kami nagpapansinan. Halos ay ilang oras lang ang tulog namin. Magkayakap na nag-usap. Pinagkuwentuhan rin namin ang mga nangyari. Feeling ko bawing-bawi na kami rito ni Chaeus. Kinabukasan pagising ko ay humahangos na pumasok si Chaeus sa kwarto na nagsabing kukuha lang ng tubig sa ibaba. Ini-lock niya ang pintuan ng kwarto. Namumutla at takot na takot. Mabilis akong bumangon. Hindi ko na alam kung saan pa hahanapin ang mga saplot sa katawan. Nakahubad pa rin kasi ako ng mga sandaling iyon. "Anong meron sa ibaba, Chaeus?" may nginig ang boses na tanong ko, alam kong may mali dito. "Si Mommy at ang Daddy mo..." hindi niya iyon magawang tapusin na nakabitin lang sa ere. Nanlaki na ang mga mata ko."A-Anong nangyari sa kanila?"Jusko, huwag naman sanang bad news iyon!Lumunok muna siya ng laway bago sumagot. "Nasa ibaba sila, kasama ang ilan sa mga maid." turo niya pa sa labas ng pintu
"Oh Hilary, isang Linggo lang kaming mawawala. Baka naman magpasaway ka pa sa Kuya Chaeus mo dito at bigyan mo pa rin siya ng sakit ng ulo?" paalala ni Daddy habang matamang nakatingin. Tapos na ang Pasko at napagpasyahan nila ni Azalea na ngayon gawin ang yearly vacation nila. Taon-taon nilang ginagawa iyon. Kasama nga nila sana ako pero mas pinili kong huwag na lang. Gusto ko ang manatili sa bansa at makasama si Chaeus. Syempre ay wala naman silang alam. "Hindi, Daddy.""Siguraduhin mo lang, Hilary. Malalagot ka sa akin pagbalik namin at maraming reklamo si Chaeus." Makahulugan ko ng sinulyapan si Chaeus na kung umasta ngayon ay para talaga siyang kapatid ko. "Chaeus, ikaw na ang bahala diyan sa kay Hilary. Huwag mong hayaang gumala kung saan-saan." sabat naman ni Azalea n asa postura ay ready na.May pa balabal pa siyang nakapulupot sa leeg. "Oo nga Chaeus, hangga't maaari ay huwag mo siyang payagang pumunta ng club." dagdag pa ni Daddy na buong-buo na ang tiwala sa Tukmol. "
Hinang-hinang napaupo na ako sa harap ng ER. Hindi alam kung alin ang uunahing isipin. Sarili ko ba o ang kalagayan ng aking ama. Si Dad iyon. Siya na lang ang natitira sa buhay ko. Abot-abot na ang kaba ko. Paranf lalabas na ang puso ko sa aking lalamunan. Naninikip na rin iyon. Feeling ko anumang oras ay aatakehin ako sa pag-aalala. Nang hindi ko na nakayanan ay malakas na akong umatungal ng iyak. Isinubsob ko na ang mukha sa palad na agad namang nabasa ng mainit kong mga luha. Hindi alintana ang katabi. Wala akong panahon sa kanya. Hindi dapat siya ang inuuna. Kahit gusto ko, hindi ko magawang lingunin si Chaeus na duguan pa rin ang mukha. "Sorry na, Daddy..." mahina kong usal na tuloy pa rin ang pagbaha ng mga luha, "Sorry na po..." Sising-sisi ako. Dapat hindi na ako nakipagbalikan noong naghiwalay kami dahil kay Lailani. Dapat doon pa lang ay tumigil na ako. Sana tinikis ko na lang ang sarili, nanindigang tapusin ang relasyon. "I am really sorry D-Dad dahil masama akong anak.
Umahon ang matinding galit sa dibdib ko. Wala na akong pakialam kung muling magtampo sa akin si Daddy oras na makita niya ang asta ko. Kailangan kong tanungin si Azalea dahil siya ang huling kasama ni Chaeus. Paniguradong may alam siya. Kung saan pumunta si Chaeus o kung nasaan sa mga sandaling ito ang anak niya. Ilang araw ng out of reach ang phone number niya pero kampante pa rin ako dahil bukas ang social media account niya. Nang-seen pa nga siya ng mga message ko. Nababasa niya pa ang mga chat ko. Hindi nga lang talaga siya sa akin nagre-reply sa lahat ng mga pinagsasasabi ko. "Baka grounded siya ni Azalea? Sinabihan na bawal akong kausapin o kahit ang reply'an." Naiintindihan ko naman na iyon ang sitwasyon. Hindi na nga ako nagrereklamo di ba? Okay lang. Kaso di na makatarungan iyong pangde-deadma na ginagawa sa akin ng Tukmol na iyon. Si Chaeus iyon, ni minsan ay hindi ako kayang tiisin. Hula ko ay may iba pang nangyari at iyon ang gusto kong malaman mula mismo kay Chaeus or
Hindi ko alam kung ilang oras o gaano katagal akong pasalampak na nakaupo doon at umiiyak. Kumagat na lang ang dilim ay naroon pa rin ako. Hinintay na mabuhay ang mga ilaw sa loob ng bahay dahil umaasa akong nasa loob lang nito si Chaeus ngunit muli akong nabigo. Kasabay ng paglamon ng dilim sa buong paligid ay nilunok din nito ang kabuohan ng kanyang bahay na dati ay napakasigla at punong-puno iyon ng buhay. Iika-ika na akong tumayo. Pinagpag ang dumi na kumapit sa suot kong damit. Nanghahapdi pa rin ang aking mga mata. Namamaga iyon sa ginawa kong patuloy walang humpay na pag-iyak kanina. "Hihintayin pa rin kita, gaano man iyon katagal." humihikbing turan ko na puno ng pait at sakit. "Hihintayin kitang bumalik at magpakita, Chaeus."Isang sulyap pa ang ginawa ko sa pintuan ng bahay niya at mabagal na akong lumakad palayo. Basag na basag ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Si Chaeus iyon. Sobrang mahal ako. Baka nagpapalamig lang siya. Hindi
"Hoy, Hilary? Ayos ka lang?"Halos mapaupo ako sa bigat ng braso ni Josefa na umakbay sa akin. Umiikot ang mata sa kanya na tinanggal ko iyon. Ang aliwalas ng mukha niya. Halatang masaya at walang iniisip na problema. "Anong mayroon at mukhang ang laki naman yata ng ipinayat mo? May pinagdadanan ka?"Naabutan niya akong mabagal na naglalakad patungo ng classroom. Kakapasok ko lang ng gate ng campus. Malapad ang ngiti nito sa labi. Tiningnan ko lang siya. Umiling at saka umirap. "Spill the tea kung may problema ka?" "Wala. May iniisip lang akong malalim." "Sus, kunwari ka pa. Kilala kita. Hindi ka ganyan. Tingnan mo nga, nangangalumata ka pa!"Mabilis siyang pumunta sa harapan ko at dumipa. Hinarangan niya ako dahilan para matigil ako sa paglalakad. Tinaasan ko na siya ng isang kilay."Para kang sira diyan. Huwag mong sirain ang araw ko. Wala nga sabi akong problema!" tumaas na ang boses ko, nakukulitan na ako sa kanya. "Sabihin mo na."Humalukipkip pa siya. Nasa harap ko pa rin.