Share

Chapter 90: Sama ng loob

Hindi ko alam kung ilang oras o gaano katagal akong pasalampak na nakaupo doon at umiiyak. Kumagat na lang ang dilim ay naroon pa rin ako. Hinintay na mabuhay ang mga ilaw sa loob ng bahay dahil umaasa akong nasa loob lang nito si Chaeus ngunit muli akong nabigo. Kasabay ng paglamon ng dilim sa buong paligid ay nilunok din nito ang kabuohan ng kanyang bahay na dati ay napakasigla at punong-puno iyon ng buhay.

Iika-ika na akong tumayo. Pinagpag ang dumi na kumapit sa suot kong damit. Nanghahapdi pa rin ang aking mga mata. Namamaga iyon sa ginawa kong patuloy walang humpay na pag-iyak kanina.

"Hihintayin pa rin kita, gaano man iyon katagal." humihikbing turan ko na puno ng pait at sakit. "Hihintayin kitang bumalik at magpakita, Chaeus."

Isang sulyap pa ang ginawa ko sa pintuan ng bahay niya at mabagal na akong lumakad palayo. Basag na basag ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Si Chaeus iyon. Sobrang mahal ako. Baka nagpapalamig lang siya. Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Thank you for reading po.
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Thank you for reading, lapit na ito matapos. Next nito story ni Glyzel.
goodnovel comment avatar
Mher Lee
Thanks sa pag update Keep up ur good work .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status