Share

Chapter 91: Struggles plus Pretension

"Hoy, Hilary? Ayos ka lang?"

Halos mapaupo ako sa bigat ng braso ni Josefa na umakbay sa akin. Umiikot ang mata sa kanya na tinanggal ko iyon. Ang aliwalas ng mukha niya. Halatang masaya at walang iniisip na problema.

"Anong mayroon at mukhang ang laki naman yata ng ipinayat mo? May pinagdadanan ka?"

Naabutan niya akong mabagal na naglalakad patungo ng classroom. Kakapasok ko lang ng gate ng campus. Malapad ang ngiti nito sa labi.

Tiningnan ko lang siya. Umiling at saka umirap.

"Spill the tea kung may problema ka?"

"Wala. May iniisip lang akong malalim."

"Sus, kunwari ka pa. Kilala kita. Hindi ka ganyan. Tingnan mo nga, nangangalumata ka pa!"

Mabilis siyang pumunta sa harapan ko at dumipa. Hinarangan niya ako dahilan para matigil ako sa paglalakad. Tinaasan ko na siya ng isang kilay.

"Para kang sira diyan. Huwag mong sirain ang araw ko. Wala nga sabi akong problema!" tumaas na ang boses ko, nakukulitan na ako sa kanya.

"Sabihin mo na."

Humalukipkip pa siya. Nasa harap ko pa rin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status