Share

Kabanata 11

NASA PARK si Aiha. Tapos na ang proyekto nila ni Joseph. Gusto siyang isama ng kaibigan niya sa bahay nito subalit ay tumangggi siya. Gusto niya kasing mapag-isa. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay masyado nang marumi ang hanging nalalanghap niya sa tabi ni Weiss. Malinis sa katawan ang amo niya pero parang ang dumi na ng ugali nito.

Napasinghap si Aiha habang dinuduyan-duyan niya ang sarili. Kinabit niya ang kaniyang earphones at agad na nagpatugtog. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Habang siya ay nakapikit ay bigla na lang tumigil ang duyan. Puwersang binuksan ni Aiha ang kaniyang mga mata at tumingala siya sa lalaking pumigil sa duyan.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki.

Tumayo si Aiha at agad niyang hinarap ang amo niya.

"Lumalanghap ng sariwang hangin. Kaso, bigla na lang naging amoy bulok ang hanging nalalanghap ko dahil nasa paligid pala ang masangsang na bagyo," sabi ni Aiha.

Umalis siya at hindi na siya lumingon-ling
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status